|
||||||||
|
||
Noong nagdaang buwan, yumao sa Beijing ang 98 taong gulang na si Ji Xianlin, propesor ng Peking University at kilalang dalubhasang Tsino. Si Ginoong Ji ay founder ng oriental studies ng Tsina at masagana ang nagawa niyang akademiko. Nagkadalubhasa siya sa 12 uri ng wika na kinabibilangan ng Ancient Sanskrit at Tocharian ng India na iilan lamang sa daigdig ang naiintindihan.
Noong 1911, isinilang si Ginoong Ji sa lalawigang Shandong sa dakong silangan ng Tsina. Nang 19 na taong gulang, pumasok siya sa Tsinghua University para mag-aral ng wikang Aleman. Noong 1935, pumasok siya sa Gottingen University ng Alemanya na ang major niya ay Indian Studies. Noong panahong iyon, nandadaluhong sa daigdig ang World War II, kahit mahirap ang kalagayan ng pag-aaral at pamumuhay doon, ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang pag-aaral hanggang ginawaran siya ng Doctor degree.
Noong tag-init ng 1946, bumalik si Ginoong Ji sa Tsina. Siya ay naging propesor at Direktor ng Department of Oriental Languages and Cultures o OLC na katatatag sa Peking University. Pagkaraan nito, nanungkulan pa siya bilang pangalawang principal ng Peking University. Siya ay nagtrabaho sa Peking University nang 42 taon at noong 2001, nag-abuloy siya ng ilampung libong mahalagang data sa Peking University Library. Noong panahong iyon, sinabi niya sa media na
"Higit pa 50 taon sapul nang bumalik ako sa inang bayan, pinatutunayan ng katotohanan na tama ang aking pagpili. Sa tingin ko, mas mahalaga ang aking bansa kaysa sa pananaliksik ko."
Sa buong buhay ni Ginoong Ji, palagiang nanantiling masipag siya sa pananaliksik na pang-akatemiya. Malawak ang kanyang aspeto ng pananaliksik at marami ang may kinalamang katha niya. Sa Tsina, karaniwang nagreretiro ang mga tao sa 60 taong gulang. Datapuwa't para sa kanya, ang panahon mula 67 hanggang 91 taong gulang ay isa pang mahalagang panahon sa kanyang paglikhang akademiko. Ang 2 pinakamahalagang katha niya ay natapos nang mahigit 80 taong gulang siya. Noong 2001, sinabi niya sa media na
"Sa katotohanan, ang aking mahahalaga at may napakalaking impluwensiyang akda ay sinulat ko sa aking 90's. Dahil sa panahong iyon, mas marami ang libreng oras ko. Kaya sa tingin ko, para sa mga bata, ang masipag na pag-aaral ay pinakapangunahin."
Si Chen Jiangong, pangalawang tagapangulo ng Chinese Writers' Association, ay isang matalik na kaibigan ni Ginoong Ji. Sinabi niya na
"Masipag si Ginoong Ji at lagi siyang magtrabaho pagkaraang gumising tuwing araw. Tuwing bumibisita ako sa kanya, nagtatrabaho siya."
Nang sariwain ang pagpapalagayan nila ni Ginoong Ji, sinabi ni Chen na
"Mapagpakumbaba at mahinahon si Ginoong Ji sa lahat ng mga kaibigan.
Gusto niyang lagi manatili sa tabi ng kanyang pamilya, mga estudyante at kaibigan sa pagkain man o sa pag-uusap-usapan. Kaya kapag puntaan ko siya, lagi siyang masaya. Lagi naming mataimtim na pinakinggan ang kanyang palagay hinggil sa mga isyu. Nakakatulong itong malaki, hindi lamang sa trabaho ko, kundi sa aking pananaw sa pagkatao. Bukod dito, ang paggalang niya sa ibang ideya ay nag-iwan ng malalim na impresyon sa akin."
Noong 2001, idinaos ng Peking University ang aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-90 kaarawan ni Ginoong Ji. Dumalo sa aktibidad na ito ang mahigit 100 diplomata at ang lahat sila ay gradwado ng OLC. Kaugnay ng pagyao ni Ginoong Ji, magkakasunod na nagpahayag ng pagdadalamhati ang kanyang mga estudyante at mga tauhan ng iba't ibang sirkulo. Sinabi ni Jiang Jingkui, propesor ng OLC, na
"Bilang estudyante ni Ginoong Ji, malungkot ako ngayon. Sa larangan ng oriental studies ng Tsina at daigdig, ang ginampanang mahalagang papel ni Ginoong Ji ay kinilala ng buong daigdig. Ang kanyang pagyao ay isang malaking kapinsalaan hindi lamang sa Peking University at larangan ng oriental studies, kundi sa buong daigdig."
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |