|
||||||||
|
||
Sissi: Noong Huwebes ng gabi, nagtanghal ng konsiyerto ang University of the East Chorale sa National Center for the Performing Arts sa Beijing. Nanood ng konsiyertong ito ang aming reporter na si Frank. Inimbitahan ko siya para ibahagi sa atin sa programang ito ang kanyang first impression sa ipinakita ng choral group ng University of the East.
Frank: Magandang gabi po mga tagapakinig. Ito si Frank. Tulad ng sinabi ni Sissi, ang konsiyertong ito ay ang kauna-unahang pagtatanghal ng isang grupong pansining ng Pilipinas sa naturang pambansang sentro ng Tsina at kahanga-hanga ang humigit-kumulang 3-oras na pagtatanghal ng 26-na-taong koro ng University of the East na pinamumunuan ng kanilang conductor na si Ms. Anna, Anna Tabita Abeleda-Piquero. Nag-iwan ang konsiyertong ito ng malalim na impresyon sa akin. Iba't ibang klase ng awit ang ipinarinig ng koro—may klasikal, katutubo, kontemporaryo, tipong opera at tipong rock at pop. Talagang magagaling ang mga chorus members sa iba't ibang uri ng awit. Bukod dito, Idinagdag ng koro ang elemento ng pagsayaw sa ilang awit. Sa technical aspect, mahirap ito, dahil mahirap na makontrol ang paghinga habang sumasayaw at nakakaapekto ito sa pag-awit. Pero, maganda ang ginawa ng mga chorus members at ang kanilang pag-awit na sinabayan ng pagsayaw ay lalong nagpasidhi sa passion ng mga tagapakinig. Sa pagtatanghal noong gabing iyon, nasaksihan ko kung gaano kagaling, gaano ka-talented at gaano ka-passionate ang UE chorus sa pag-awit. Umaasa akong muling makapanood ng kanilang pagtatanghal.
Sissi: May maganda kang dahilan para hangaan sila. Sayang at hindi ako nakapanood ng kanilang concert. Thank you, Frank.
Ok. Kayo ay nasa Programang Pop China, China Radio International, Serbisyo Filipino. Patuloy ang excitement sa Pop Music ng Tsina. Natatandaan pa ba ninyo ang limang kantang ini-recommend ni Sissi noong isang linggo? "Party Time" ni Coco Lee, "Tonight" ni KIMI Qiao, "Perpektong perpekto" nina Angela Zhang at Harlem Xu, "Your Song" na inihahatid ni David Tao at "A mo" kinanta ni Chris Lee. Siguradong hindi magkakapareho ang mga kandidato ninyo para sa pinaka-popular na singer, pero kung hindi kayo boboto, hindi sila makakapanik ng puwesto sa music chart, kaya ipakita ninyo ang inyong appreciation sa pinakapopular na singer sa iyong puso sa pamamagitan ng pag-iiwan ng mensahe sa aming message board o pagteteks sa amin. Maririnig naman ninyo ang full version ng mga kanta at ang aking programa sa Filipino.cri.cn, under the subdirectory na tsinaistik.
So much promotion para sa aking website. Oras na para sa pagbibigay ng spotlight sa ating big stars.
Ika-3, "Your Song" kinanta at kinatha ni David Tao. Talagang napakalakas ng powers ng simplicity. Bukod sa pagiging singer, mahusay ding producer at composer si David. Sabi, siya, si Jay Chou at Lee Hom daw ang tatlong pinakapopular na creative singers sa Taiwan. Privately, humahanga sila sa isa't isa. Noong minsan, nang may lumabas na isyu hinggil sa talento ni Lee Hom, nagbukas ng espesyal na blog si David para ipagtanggol si Lee.
Ika-2, "Tonight"ni Kimi Qiao. Mukhang patuloy ata sa pag-akit ang kapogian sa aking programa, ah. Sabi ng 092092449XX, "If you want to go up up and away, Kimi is the guy to fly with! Vote for him!"
Welcome sa programang Pop China. Maari kayong bumisita sa aming website kung gusto ninyong bumoto para sa pinakapopular na singer sa inyong puso. Puwede rin naman kayong mag-text kung may request kayong kanta o kung meron kayong koment sa 09212572397.
Ang winner ay si Coco Lee at ang kanyang energetic kantang "Party Time". Sabi nga ni Sylvia: talagang global dating ni coco lee. I just don't know why...." Sabi naman ng mobile phone user ng 090547121XX, "para sa akin, malayo sa kanilang halat si Coco, danamic kasi ang personality niya, parang mahirap ma-resist."
Ok, ang masuwerteng tagapakinig ng aking progrema para sa gabing ito ay isang matagal nang kaibigan ng Serbisyo Filipino. Siya ay si E-b-e-th: "hi ate sissi...lagi kta kasama kung linggo ng gabi." Tuwang tuwa rin akong makapiling ang lahat ng mga tagapakinig kung araw ng Linggo. Maraming maraming salamat sa iyong laging pagkatig sa programang Pop China at kay Sissi. Padadalhan ka ng Serbisyo Filipino ng kopya ng DVD ni Jolin Tsai. Paki-iwan lang ang iyong address sa aming message board o iteks mo sa amin sa 09212572397. Pinasasalamatan ko rin ang lahat ng tagapakinig na bumoto sa aming website o sa pamamagitan ng text messages.
Ang Flower ay ang kauna-unahang banda na binubuo ng apat na under age. 16 na taong gulang lamang ang karaniwang edad ng mga miyembro nito nang pumasok sila sa sirkulong musical. Nitong 11 taong nakalipas, nanatili itong pinakapopular na band sa mga kabataang Tsino. Ang katapatan, kalinisan at energy na ipinakikita sa kanilang kanta ay nagtamo ng paghanga ng halos lahat ng mamamayang Tsino. Dahil madali ang rhythm at lyrics, maski kindergarten pupil o lolo at lola ay maaring kumanta ng kanilang obra. At Si Zhang Wei ay dating leading vocalist ng band na ito. Pagkaarang buwagin ang kanyang band noong Hunyo ng taong ito. na-publisize ang kanyang solo album. Bago mabuwag ang Flowers, si Zhang Wei ang namamahala sa pagkatha at sa vocals, kaya makikita pa rin ninyo ang kanyang istilo sa kanyang mga solong kanta. Baka nga ito ang isang klase ng compensation para sa mga tagahanga ng the Flowers. Ang bago niyang kantang pinamagatang Lagablab ng Pagmamahal ay nagpaalala sa akin sa sikat na awitin ng Backstreet boys-- you are my fire, my desire. Ok, let's feel the warmth ng lagablab na sinindihan ni Zhang Wei, pero, huwag tawagan ang 911, Ok?
For better understanding ng kantang Tsino, espesyal na pinili ni si Sissi ang bagong kantang "Season" ni Zhou Bichang na kinanta sa wikang Ingles at Tsino. Taglagas na sa Beijing, pero, napaka-init pa. Tiyak na pamilyar na pamilyar Si Zhou Bichang sa mga tagapakinig. Natatandaan ko pa ang mataas na koment na ibinigay ng mga takapakinig kay Zhou Bichang, Sabi minsan ni Junjun: "type ko beauty ni zhou bichang. natural beauty tawag dun." Sabi naman ni Teresa:" thanx 4 playing zhou bichang. i really like this girl. so sweet." Ok, just enjoy the song at don't forget to show your love for her kung nakaka-touch ang kanta niya sa inyong puso.
Limang kanta para sa week na ito. Malinaw na. "Party Time" ni Coco Lee, "Tonight" ni KIMI Qiao, "Your Song" na inihahatid sa atin ni David Tao, "Lagablab ng pagmamahalaan" na kinanta at kinatha ni Zhang Wei at "Season" na binigyang-buhay ni Zhou Bichang. Mag-iwan lang kayo ng mensahe sa aming website o magteks sa amin. Alam niyo na siguro na laging hinihintay ni Sissi ang inyong mga mensahe at kung gusto ninyong mag-dedicate ng kanta para sa inyong mga kaibigan o kapamilya, magpadala lang kayo ng mga mensahe.
Bumalik na si Kuya, pero, nangangailanga pa siya ng ilang panahon bago pasimulan ang bagong pamumuhay dito. Ok, kantang "give me sometime" ni Jay Chou" bilang pasalubong kay Kuya Ramon. Maraming maraming salamat din sa mobile phone user 090756122XX, 092061806XX at iba pang giliw na tagapakinig na nag-iwan ng mesahe at nagpahayag ng pagkatig sa serbisyo Filipino, patuloy na nagsisikap kaming lahat. Ingat po, kita-kita tayo sa susunod na linggo ng gabi, bye~
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |