|
||||||||
|
||
Magandang magandang gabi po, mga "Balentino" at "Balentina." Ito po si Sissi ,ang inyong magpie. Puzzling ba?
Haha, ang darating na ika-23 ng Agosto ay Double-Seventh Day o Chinese Valentine's Day. Ayon sa alamat, Si Zhinv ay ang pinakabatang anak na babae ng God na namamahala sa pagbuburda ng rosy clouds sa langit at Si Niulang naman ay isang mahirap at malungkot na pastol. Isang araw, nang maglakbay daw si Zhinv sa daigdig ng mga tao, nakilala siya ni Niulang sa tulong ng baka ng huli. Pagkaraan, nagpakasal ang dalawa at nagkaroon ng dalawang anak. Pero, nagalit daw ang God dahil basta na lamang umibig at nagpakasal ang kanyang pinakamamahal na anak sa isang pangkaraniwang tao lamang. Inilipat daw ng God ang galaxy at magkahiwalay na inilagay sina Zhinv at Niulang sa magkabilang pampang ng galaxy. Nalungkot nang labis ang dalawa. Hindi na sila tumigil sa kaiiyak. Talagang mahal nila ang isa't isa. Ayon pa sa alamat, tuwing sasapit ang ika-7 ng ika-7 buwan ng lunar calendar ng Tsina, ang magpie raw ay naglalagay ng tulay upang para magkaroon daw ng pagkakataon na magtagpo sina Niulang at Zhinv. Kaya, sa araw na iyan, kung gusto raw matagpuan ng babae ang kanyang mahal, puwede raw siyang magdasal sa langit para humiling ng love and wisdom. Ok, gustong maging magpie ni Sissi, kaya kung gusto ninyong iparamdam ang inyong pagmamahal sa sinuman, sabihin lang ninyo sa kanya. OK?Binabati ko rin ang lahat ng magsing-irog na nag-e-enjoy sa kanilang pagmamahalan bawat sandali at bawat araw.
Kayo'y nasa programang POP China na inihahatid sa inyo ng China Radio International, Serbisyo Filipino. Uulitin ni "magpie" Sissi ang limang kanta para sa nakaraang linggo. "Party Time" ni Coco Lee, "Tonight" ni KIMI Qiao, "Your Song" na inihahatid sa atin ni David Tao, "Lagablab ng pagmamahalan" ni Zhang Wei at "Season" na kinanta ni Zhou Bichang. Salamat sa lahat ng tagapakinig na bumoto sa pamamagitan ng mga mesahe at textmessage. at alin ang pinakapopular na kanta at sino ang pinakapopular na singer sa aking programa? Spotlight, Ready?
Ika-3, Party Time na hatid ng ating dancing queen-Coco Lee. Nitong ilang taong nakalipas, unting unting nag-fade-out sa stage si Coco. Sa tingin niya, ang career, pamilya at pag-ibig ay pare-parehong nangangailangan ng atensiyon at proper management. Ang pagkakapantay-pantay sa pagitan ng career, pamilya at pag-ibig ay simpleng kasiyahang lagi niyang hinahanap at inaasamasam.
Ika-2, "Lagablab ng pagmamahal" ni Zhang Wei, You Are On Fire. Fire dinulot ng passion at love. Sabi ng 6391580755XX: Hoy, Uh, Uh, Uh...pakinggan niyo muna iyong lagablab ni Zhang Wei bago kayo magsalita ng kung anu-ano!
Welcome sa programang Pop China. Maari kayong bumisita sa aming website kung gusto ninyong bumoto para sa pinakapopular na singer sa inyong puso. Puwede rin naman kayong mag-text kung may request kayong kanta o kung meron kayong koment sa 09212572397.
Ang winner is… "Season" na binigyang-buhay ni Zhou Bichang. May lyrics ng isang kantang nagsasabing nagkakilala tayo sa tag-sibol at nagkalayo sa tag-lagas. Ang tag-lagas ay panahon ng ani, pero, para sa ilang lover, ang panahong ito ay panahon ng pagsasabi ng "Good Bye". Pero, sa puso ng mobile phone user na 6391748322XX: basta ako, ate. Stick around kay Zhou Bichang. All-Season Singer ata iyon!
Ok, ipaling natin ang spotlight sa ating masuwerteng tagapakinig. Pero bago ko i-reveal kung sino, Ome, nakatutok ka ba ngayon sa radyo? Hindi ko alam kung ano ang nangyari at hindi nakarating sa iyo ang DVD na ipinadala namin. Halos isang buwan na, kaya pinadalahan ka namin at nilakipan namin ng isang postcard ng Beijing Olympics. Gusto ko ring tawagin ang atensiyon ni Ebeth. Hindi ko pa nakikita ang iyong address sa aming message board. Kontakin mo ako as soon as possible. OK, ang masuwerteng takapaking para sa gabing ito ay ang mobile phone number… "91735199XX: through your program, ate sissi, nakikiramay ako sa mga kaibigan sa Taiwan ng nabiktima ng malakas na bagyo." Maraming maraming salamat sa iyo, you are so kind. Tatanggap ka ng DVD ng S.H.E. bilang gatimpala para sa inyong love at care.
Noong 3 taong gulang pa lamang, habang nakikinig ng musika, agarang naging tahimik si Jane Zhang. Dahil walang sobrang pera upang mag-aral ng musika sa ilalim ng propesyonal na guro, nag-aral na lamang siyang kumanta sa pamamagitan ng pagsunod sa tape. At dahil sa simula hindi pa siya marunong magkontrol ng emotion, noong taong 2005, habang pumapasok sa sirkulo ng musika, tumanggap siya ng batikos mula sa mass media dahil sa umano'y bad temper niya. Pero, hindi puwedeng pigilin nito ang music fans na talagang lokong loko sa kanya. Mayroon siyang mellow voice. Noong lumahok sa singing contest, ang lahat ng mamamayan sa tabi ng TV ay naakit ng kanyang perpektong dolphin-sounding vocal. Ang bago niyang kantang "Drift Bottle" ay theme song ng international sea festival na idinaos kamakailan sa Qingdao ng Tsina. Sa pamamagitan ng kantang ito, mararamdaman mo ang lawak at lalim ng dagat. Enjoy tayo.
Noong siya ay 5 taong gulang pa lamang, sinimulan na ni Wang Feng na humawak ng violin. Sa pagsapit niya ng 10 taong gulang, na-in love siya sa kanyang babaeng guro at nalamang bukod sa music, meron pa palang bagay na more fascinating. Noong 11 taong gulang, pumasok siya sa pinakamahusay na institutong musikal ng Tsina— ang Central Institute of Music. Noong 14 na taong gulang, umiyak siya dahil nagkatimo sa kanya ang musika ni Tchaikovsky. Noong 17, kinatha niya ang kanyang kauna-unahang melody . Noong una, iniisip niyang dapat siya maging isa sa mga violinist ng philharmonic orchestra, pero, noong 22, nabuo niya ang bandang nakatanggap ng mainam na pagtatanggap mula sa mga music fans. Mula noon, tumahak na siya sa landas ng Rock&Roll. Napakalakas ng dating ng kanyang musika. Habang pinakikinggan mo, damdam mo ay parang sumusulak ang iyong dugo. Ang lahat ng tao ay minsan naging youngster with passion and enthusiasm. Ang naririnig mo ay ang bago niyang kantang "Faith" Ano sa palagay niyo?
Ok, pagkatapos ng ganitong blood boiling na "Faith", ang limang kanta para sa linggong ito ay malinaw na. "Party Time" ni Coco Lee, "Lagablab ng pagmamahal" na kinanta ni Zhang Wei at "Season" ni Zhou Bichang. "Drift Bottle" na hatid ni Jane Zhang at "Faith" ni Wang Feng. Ok, mga giliw na takapakinig, ipakita ninyo ang inyong appreciation sa pinakapopular na singer sa iyong puso sa pamamagitan ng pag-iiwan ng mensahe sa aming message board o pagteteks sa amin. Maririnig naman ninyo ang full version ng mga kanta at ang aking programa sa Filipino.cri.cn, under the subdirectory na Tsinaistik.
One more request mula kay Ome: ate sissi, online po ba kayo bukas? Ano po ba sa Chinese yong " Kung maalaala mo"? Iyon pong kanta ni Ting. Try ko sana sa you tube bukas. Gusto ko kasi marinig.". Una, ang kantang " Kung maalaala mo" ay inawit ni Tank Ika-2, sa Wikang Tsino,ang kung maalaala mo ay "ru guo wo bian cheng hui yi" Ok, beautiful song, sana magkaroon ka ng beautiful dreams. Ok, ingat po~see you next week.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |