Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-19 2009

(GMT+08:00) 2009-08-31 17:41:43       CRI

Mga giliw na kaibigang Tsino at Pinoy, kumusta po kayo? Welcome sa programang Pop China na inihahatid sa inyo ni Sissi-- ang inyong happy, lovely at energetic DJ.

Isinalaysay ko na, noong Martes ay Double Seventh Day o Chinese Valentine's Day. Bukod sa mga bulaklak, mga regaling hugis-puso at mga matamis na bati, ipinagdiriwang ng mga lovers na Tsino ang tradisyonal na kapistahang ito sa iba't ibang porma. Sa Beijing, may-dalang isang malaking paper board, nakolekta ng isang lalaki ang pagbati mula sa 9999 na lovers bilang wedding gift sa kanyang girlfriend. Sa Shanghai, halos 10 libong tao ang nagtipun-tipon at nagyakapan, sa gayon, isang bagong Genuiss World Record ang nalikha. Sa Hangzhou, gumawa ang isang lalaki ng apat ng espesyal na kard para sa kanyang girlfriend. Sa unang kard, maaring hilingin ng babae sa lalaki na bawasan nito ang kanyang pagiging magagalitin. Sa ikalawang kard, maari niyang hilingin na masahihin siya nito. Sa ikatlo, maari niyang hilingin na samahan siya nito na maglakad-lakad sa kalsada. Sa ikaapat, maari niyang hilingin na kuwentuhan siya nito. Ang mga kard ay may bisa sa loob ng sampung libong taon. Sa Tsina, ang mga bilang na anim, siyam at walo ay lucky numbers, kaya mahaba ang pila sa registry of deeds noong ika-26 ng agosto, 2009 kasi maraming nagpakasal noong araw na iyon. Anyway, Binabati ko muli ang lahat ng magsing-irog na nag-e-enjoy sa kanilang pagmamahalan bawat sandali at bawat araw.

Kayo'y nasa programang POP CHINA na inihahatid sa inyo ng China Radio International, Serbisyo Filipino. Uulitin ni Sissi ang limang kanta para sa nakaraang linggo. "Party Time" ni Coco Lee, "Lagablab ng pagmamahal" na kinanta ni Zhang Wei at "Season" ni Zhou Bichang. "Drift Bottle" na hatid ni Jane Zhang at "Faith" ni Wang Feng. Bomoto na ba kayo sa aming message board o sa pamamagitan ng textmessages?

Ika-3, "Party Time" na perpektong kinanta ni Coco, kung hindi ako nagkakamali, nananatili na ang kantang ito sa aming music chart sa loob ng mahigit isang buwan. Laging nagugustuhan ng music fans ang dance music, kasi nararamdaman nila iyong passion at enthusiasm na hindi nila nararamdaman kung sila ay abala sa iba't ibang Gawain. Ok, relax, enjoy our party time.

Ika-2, " Faith" na kinatha at kinanta ni Wang Feng, tumahak sa landas ng Rock at Roll sa loob ng mahigit 10 taon, sinabi ni Wang na "Sa loob ng mahabang panahong ito na gumawa ako ng musika, hindi ko kailanman binigyan-diin ang perfection kundi ang rhythm at style. pang prepekto o hindi ang rethym o porma. Nakagawa ako ng mahigit ilampung kanta sa isang taon, pero, kung babalikan ang nakaraan, wala itong saysay. Masaya ako kapag may kinakaharap na bagong hamon. Gusto kong walang humpay na humarap sa hamon. Parang ganito yata ang pangarap ng karamihan sa mga lalaki, di ba?

Welcome sa programang Pop China. Maari kayong bumisita sa aming website kung gusto ninyong bumoto para sa pinakapopular na singer sa inyong puso. Puwede rin naman kayong mag-text kung may request kayong kanta o kung meron kayong koment sa 09212572397.

Ang winner is… "Season" na binigyan-buhay ni Zhou Bichang. Bilang isa sa mga pinakamatagumpay na super voice na inihalal ng mga mamamayan sa isang pambansang singing contest, napakamarami ng mga tagahanga ni Zhou Bichang. Habang lumalahok sa isang aktibidad, nagdamit sila ng berdeng T-Shirt, kulay na kumakatawan kay Zhou Bichang. Hindi sila naghihiyawan o nagtutulakan. Nakaupo lang sila at iwinawagayway ang kanilang posters. Tahimik na binibigyan nila ng suporta ang kanilang idol. Just like the gracefulness na ipinakita ni Zhou.

Ok, kasunod ng pagiging-malinaw ng mga pinakapopular na kanta sa ating music chart, punta na tayo sa exciting moment. Sino ang masuwerteng tagapakinig at tatanggapin ang DVD na may mga pinakapopular na hits ng singer Tsino? Siya ay…walang iba kundi ang…mobile phone user, 639174832281: "minsan may mga ginagawa tayo na hindi natin ma-explain kung bakit natin ginagawa. pero we have all the reason to listen to music, di ba?" Talaga lang. Korek na korek ka diyan. Music always see us through all the sorrows and happiness in life. Ok, maraming maraming salamat po. Paki-iwan lang ang iyong address sa aming message board o iteks mo sa amin sa 09212572397. Padadalahan ka ng serbisyong Filipino ng DVD-A brand new world ng S.H.E.. By the way, Ebeth ng Manila, on the way na rin ang kopya ng DVD ng S. H. E. para sayo. Pinasasalamatan ko rin ang lahat ng tagapakinig na bumoto sa aming website o sa pamamagitan ng text messages.

Hindi ko alam kung kilala ninyo si Dee Hsu, o higit na kilala bilang Little S. Dahil siya ang host ng talk show na Kang Xi comes, si Dee ay naging pinakapopular na pop star sa magkabilang pampang ng Taiwan Straits. Frank, humorous, brave to love and brave to hate. sapul nang makasal siya sa isang guwapo at mayamang lalaki, nitong 4 na taong nakalipas, ngayon, siya ay nanay na ng dalawang batang babae. Mula noong panahong hindi niya gustong magkaanak hanggang doon sa panahong magalit siya dahil sinabi ng anak niyang babae na mas mahal niya ang kanyang papa, siya ay naging mas mature at caring pa. Sa bago niyang kantang "Wonderful world" na kinanta at kinatha niya nang sarilinan, maririnig ninyo ang diyalogo sa pagitan nila ng kanyang elder daughter na si Elly. Tingnan ninyo ang ending ng kanta. Makikita ninyo ang characteristic ng nanay. Ok, unang strongly recommended na kanta para sa week na ito: "Wonderful World" inihahatid ni Dee Hsu with loving and care.

Ang ika-2 kantang ini-recommend ko ay mula sa isang sikat na bandang naikuwento ko na sa inyo minsan—ang Soda Green. Maliban sa gitarista na nagtapos sa institutong musikal, ang lahat ng mga miyembro ng banda ay nagtapos sa institutong pampulitika. Talagang mahirap makita ang koneksiyon ng seryosong larangan ng pulitika sa passion na ipinakikita nila sa kanilang musika. Sa darating na Setyembre, ipa-publisize nila ang kanilang bagong album na "Malakas na Araw." Habang pinakikinggan at sinusundan ninyo ang kantang ito, maaring maramdaman ninyo na parang kinakapos kayo ng hininga. Kasi ang pagkakanta ay parang iyong sa nagri-recite ng dasal, tuluy-tuloy at walang hinga.

Ok, Get your mobile phones ready. Malinaw na ang limang kanta para sa week na ito: "Party Time" ni Coco Lee, "Faith" ni Wang Feng, "Season" ni Zhou Bichang, "Wonderful World" ni Dee Hsu o little S at "Matinding Araw" ng Soda Green. Huwag niyong kalilimutang ipadala sa aking message board o sa telephone number 09212572397 ang inyong pinakanagugustuhang kanta at singer. Maghihintay ako. Maririnig ninyo ang full version ng mga kanta at ang aking programa sa Filipino.cri.cn, under the subdirectory na tsinaistik.

Sa ika-2 bahagi ng ating programa, gusto kong bigyang-daan ang ilang messages na full of love and wisdom.

6391061206XX: "Thank you, China Radio International! Nakarating na sa akin gift ninyo. beautiful and I'm ready to watch. More Power sa Inyong Pop China.

00492421882XX: Sa 7.180Mghz Ako nakikinig ng Pop China. Your words as well as your Music are inspiring to me.

6391956765XX: music inspires us to give more meaning to life. Thank you for the music. It keeps me sober all day all night!

6391086306XX: Love is an undefined term but music defines it in various ways... We love your program in much the same way as you love us! Long live Pop China!

492421882XX: I think the song faith is not only about our beliefs but also about our destiny!

6391964819XX: i have fallen in love to Pop China ever since. Your music keeps myself together! 13811409630 Hi! Pop China! You are in my heart and in my soul! You are truly number 1

6392043442XX: somehow, ang programa mong Pop China ay isang source ng inspiration for me. Thank you, ate. Thank you rin, Kuya.

Maraming maraming salamat sa iyong pagkatig at appreciation sa Progremang Pop China at kay Sissi, your love is power sa akin. Love you always~Ok, sa saliw ng kantang "Will You Marry Me Today" nina David Tao at Jolin Tsai, nagtatapos ang ating programa ngayong gabi. Ingat po at God Bless.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>