|
||||||||
|
||
Magandang magandang gabi po, Philippines! Itong muli si Sissi na love na love na ibahagi sa inyo ang kanyang love for music tuwing Linggo ng gabi. Autumn na sa Beijing. Kasunod ng paulit-ulit na pag-ulan, lumalamig nang lumalamig din ang panahon. How about in the Philippines?
Nakarinig na ba kayo ng musikang tinugtog sa pamamagitan ng mga bote? Alam natin na ang mga bote ay may lamang iba't ibang dami ng tubig at habang hinihipan ang mga bote nagpoprodyus ang mga ito ng iba't ibang note. Pero kadalasan ginagawa lang natin ito just for fun, katuwaan lang. Ngayon, sa Philippines, may isang propesyonal na grupo na natatangi sa pagtugtog ng mga bote. Sila ay Cardona Youth Chorale and Music Ensemble galing sa Cardona ng Rizal. Nakaiskedyul na idaos mula noong ika-2 hanggang ika-8 ng kasalukuyang buwan dito sa Beijing ang kapistahang pangkultura at pansining ng Asya at Europa. May delegasyong pansining mula sa ilanpung bansa ng Europa at Asya ang dumalo sa kapistahang ito. Bilang kinatawan ng Pilipinas, tumugtog ang Cardona Youth Chorale and Music Ensemble ng maraming piyesang dayuhan, Pilipino at Tsino. Ang isang bagay na naka-impress sa akin ay, bukod sa wind instruments, nakakatugtog din sila ng mahihirap na piyesa gamit ang mga kahon ng instant noodles, plastic bags, lalagyan ng kape at supot ng asukal. Sa pamamagitan ng paghampas ng kanilang kamay sa mga bagay na nabanggit, napoprodyus nila ang magagandang melody. Junor at senior high school lamang ang mga estudyanteng instrumentalists na ito pero kung titingnan sa entablado, sila ay parang mga adult na. Very professional sa pagtugtog at very graceful sumayaw. Once again, bigyan natin sila ng masigabong palakpakan.
Kayo'y nasa programang POP China na inihahatid sa inyo ng China Radio International, Serbisyo Filipino. Limang kanta para sa nakaraang linggo: "Party Time" ni Coco Lee, "Faith" ni Wang Feng, "Season" ni Zhou Bichang, "Wonderful World" ni Dee Hsu o little S at "Matinding Araw" ng Soda Green. Alin ang pinakapopular na kanta at sino ang pinakapopular na singer sa aking programa?
Ika-3, "Wonderful World" kinanta ni Dee Hsu o Little S with love and care. Alam ba ninyo na habang inirerekord ang kantang ito, nasa tabi ni Little S ang kanyang elder daughter? You can imagine na habang kumakanta at tumutugtog ng piano, nagdidiyalogo si Litte S at ang kanyang anak at makalipas ang ilang tanong at surprising answers, nabuo ang isang kanta out of imagination.
Ika-2, Party Time na hatid ni Coco Lee. Laging nagugustuhan ng music fans ang dance music, kasi nararamdaman nila iyong passion at enthusiasm na hindi nila nararamdaman kung sila ay abala sa iba't ibang Gawain. Sabi nga ng mobilephone user 6391658006XX, "Hi,ate I love for party time ni Coco, dancing queen. There is a saying " We dance for laughter, we dance for tears, we dance for madness, we dance for fears, we dance for hopes, dance creats dreams".
Welcome sa programang Pop China. Maari kayong bumisita sa aming website kung gusto ninyong bumoto para sa pinakapopular na singer sa inyong puso. Puwede rin naman kayong mag-text kung may request kayong kanta o kung meron kayong koment sa 09212572397.
Ang winner is…Season na inihatid sa inyo ni Zhou Bichang. Sabi ng mensahe na galing kay Sharon: "sa tingin ko puwedeng ituring na seasoned artist si Zhou Bichang kaya vote ako sa kanta niyang \"Season.\" Siyempre sa kanya rin-- ano ba iyan...."
Kung bumoto na kayo sa aming programa-- attention pls, maaring maging masuwerteng tagapakinig para sa aking programa sa gabing ito at tumanggap ng DVD ng Chinese singer na ipadadala ng Serbisyo Filipino. Congratulations sa 91725844XX. Sabi niya sa kanyang mensahe…"gusto ko sana kasama ka kasi special ka sa akin...gusto ko sana katabi kita kasi love kita...gusto ko sana yakapin ka kasi miss na kita...pero gustuhin ko man lahat yun di puwede kasi malayo ka...i am voting for coco lee at kanyang party time." Ok, maraming maraming salamat po. Paki-iwan lang ang iyong address sa aming message board o iteks mo sa amin sa 09212572397.para sa mga hindi sinuwerte, huwag kayong mag-alala, laging naalaala ni Sissi ang iyong kindness. Wish you are all happy and healthy.
Sa wakas, pagkaraan ng mahabang panahon, thank God, natanggap mo rin, Ome, ang DVD na ipinadala namin, Salamat sa iyong pagkatig sa aming programa at sana patuloy ang iyong appreciation at kung may anumang comment, welkam na magteks sa amin. You know we are always here.
Kamakailan, natanggap ko ang isang mesahe galing kay Aaron Tiu na nagsasabing, "Hello, Sissi. Lagi akong nakikinig sa CRI tuwing gabi. Sa ibang music charts, number 1 ang kanta ni Yang Kun na "Kong Cheng" or "Empty City." Mabilis ang pagsikat niya. I want to request that song at sana pumasok rin sa music chart sa Pop China. Hi, Aaron, hindi ko alam saan mo narinig si Chen Kun at ang kanyang bagong kantang "Empty City." Sa katunayan, hindi na bago ang kantang ito. Ito ay na-publisize noong Hunyo. Pero, talagang maganda ang rhythm at lyrics niyon. Si Yang Kun ay isang talented singer na may maliwanag na sariling katangian. Kung maririnig mo ang mga kanta niya, mapupuna mo na husky ang voice niya. Pero, sa simula, hindi ganito. Lumalagare rin siya noon sa mga pub. Para kumita ng mas maraming pera, nagpe-perform siya sa hindi lang isang pub sa isang gabi. Finally, dahil sa fatigue at pagkakaroon ng sipon, sinimulan siyang lagnatin. Pagkaraang ma-confine sa hospital, Naging husky na ang kanyang voice, Pero, dahil dito, naging popular na popular siya, Sinabi ng mass media na siya ay si Bryan adams ng Tsina. Ang kantang empty city ay kanyang pinakabagong obra na naglalarawan sa damdamin ng isang lalaki. Pagkaraang lumayo ang kanyang girlfriend, ang bahay na pinanirahan nila minsan ay naging isang big castle-- walang buhay.
Kagabi, malinaw ang puwesto ng bagong generation ng Super Voice, bilang pinakamalaki at pinakasikat na singing contest ng mainland Tsina, Naiprodyus ito ng 3 generations-- mahigit 30 big stars na sumisigla nang sumisigla sa sirkulong musikal. Kabilang dito, ang aming kampeon sa music charts, Zhou Bichang, Chris Lee, Jane Zhang at iba pa. Ang naririnig ninyo ay ang isa pang mahusay na singer na may prepektong performance sa katatapos na singing contest. Siya ay si Jiang Yinrong galing sa lalawigang Sichuan ng Tsina. Bilang isang estudyanteng natapos mula sa institutong musikal, mayaman ang kanyang displinang musikal at karanasan sa stage. Ang naririnig ninyo ay ang kantang "mild" na kinatha niya mismo, Ok, remember this name. One day, tiyak na magiging big star siya sa stage.
Ok, ang limang kanta para sa week na ito: "Party Time" ni Coco Lee, "Wonderful World" ni Dee Hsu, "Season" ni Zhou Bichang, o little S. "empty city" ni Yang Kun at "Mild" na kinanta ni Jiang Yinrong. Huwag niyong kalilimutang ipadala sa aking message board o sa telephone number 09212572397 ang inyong pinakanagugustuhang kanta at singer. Maghihintay ako. Maririnig ninyo ang kabuuang edisyon ng mga kanta at ang aking programa sa Filipino.cri.cn, under the subdirectory na tsinaistik.
Ngayong gabi, gusto kong magpatugtog ng isang kanta para kay Conrad S. Fenix. Siya ang aking honest na kalahok sa guessing games sa aking website. Hanggang sa kasalukuyan, 25 beses na siyang nakalahok para sa isang paksa. Everyday, nakikita ko ang pangalan niya sa aking answering board. Salamat po sa iyong patuloy na pagkatig sa aking guessing games. Please contact us kung maririnig mo ang progrema. Post card ng Beijing Olympic Game ang naghihitay sa iyo. Narito ang kantang "welcome to beijing" bilang pasalubong para sayo. Ok, maramaing maraming salamat sa lahat ng tagapakinig, hope you are all safe, sound and happy, see you next week.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |