|
||||||||
|
||
Ang 90 taong gulang na si Eleanor E. Liu ay isang Amerikanong babae at nakatira sa Beijing nang mahigit 20 taon. Noong bata pa siya, pinakasalan niya sa Estados Unidos ang isang Tsino na si Liu Guoan. Pagkaraan nito, ang kanyang anak ay pinakasalan ng isang Alemang babae, pero ang 4 na apo ni Eleanor ay isinilang sa Tsina. Kaya ang kanyang pamilya ay isang international family.
Noong 1950, nagkaasawa sina Eleanor at Liu sa Estados Unidos at nagmamahalan sila sa nakaraang halos 60 taon.
Noong 1978, sumama si Eleanor sa kanyang asawa para kauna-unahang bumisita sa Tsina at ang taong ito ay unang taon ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma at pagbubukas sa labas. Sariwa ang alaala niya hinggil sa tagpong iyon noon. Sinabi niya na
"Ang lupang-tinubuan ng aking asawa ay isang nayon ng Changsha ng lalawigang Hunan sa dakong timog gitna ng Tsina. Nang bumalik kami roon noong 1978, inihanda ng mga kamag-anak ng asawa ko ang isang bagong tahanan para idaos ang kasal namin sa Tsina. Mabait at hospitalidad ang mga mamamayang lokal. Nang taon ring iyon, bumisita pa kami sa Beijing at iba pang 15 lunsod ng Tsina."
Sapul noong 1984, nakatira sa Beijing sina Eleanor. Namasukan siya bilang isang guro sa wikang Ingles. Mahigit 20 taon ang nakaraan, may marami siyang kaibigang Tsino. Pumupunta siya sa simbahan tuwing Linggo at lagi siyang nagpapraktis ng Taijiquan, isang strandisyonal na martial art ng Tsina. Mayaman at malusog ang pamumuhay ni Eleanor at lubos na nalaman niya ang pagbabago ng Beijing. Sinabi niya na
"Sa tingin ko, mas mabuti ang kasalukuyang kapaligiran kaysa sa noong unang panahon, dahil mabuti ang isinasagawang pagpapaberde ng Beijing na dumami ang mga bulaklak, damo at puno."
Ang lalaking anak ni Eleanor na Si Liu Dengli ay 56 na taong gulang. Isinilang at lumaki siya sa Estados Unidos. Noong 1979, kauna-unahang bumalik siya sa lubang tinubuan ng kanyang tatay. Nag-aral siya ng wikang Tsino sa Beijing Language and Culture University at pagkatapos nito, nagtrabaho siya sa journalist station ng Columbia Broadcasting System ng Estados Unidos o CBS sa Beijing nang 10 taon. Nakakita siya na kasunod ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayang Tsino, unti-unting lumitaw ang isyu ng polusyon ng kapaligiran.
Noong 1995, sinimulang bigyang-pansin ni Liu Dengli ang kapaligiran sa dakong kanluran ng Tsina at isinagawa ang pananaliksik sa likas na lagay ng Loess Plateau para buong sikap na pangalagaan ang kalikasan at mapagaling ang sinirang kapaligiran.
Mahigit 10 taon na ang nakaraan. Ayon sa pagsisiyasat, nakakita si Liu na sa ilalim ng pagsisikap ng pamahalaang Tsino at pagpapalaganap ng media, lumalakas nang malaki ang kamulatan ng mga sibilyang Tsino sa pangangalaga sa kapaligiran. Ikinagagalak ito niya, lalo na ang pagbabago ng kapaligiran ng Loess Plateau. Ipinalalgay niya na kasunod ng progreso ng pagpapaberde ng Loess Plateau, may pag-asang makakatahak ang mga mamamayang lokal sa landas ng sustenableng pag-unlad." Sinabi niya na
"Sa kasalukuyan, nagiging mabuti ang kalagayan, dapat ipagpatuloy ang usapin ng pangangalaga sa kapaligiran. Mabisa ang mga patakaran ng Tsina na gaya ng pagsasagubat at pagsasadamo ng mga bukirin. Tiyak na mapapanumbalik namin sa dati ang sinirang kapaligiran."
Ang asawa ni Liu ay isang Alemang babae, nagkalilala sila nang mag-aral sa Beijing Language and Culture University noong nakaraang 30 taon. Ang kanilang 4 na anak ay isinilang sa Tsina at nag-aral sa Alemanya. Sa kasalukuyan, nagtapos ang kanilang panganay ng kurso sa Alemanya at bumalik sa Beijing para magtrabaho. Ipinalalagay ni Liu na sa panahon ng pagiging impormasyon, ang mundo ay parang isang nayon at Beijing ay isang malaking pamilya. Bukod dito, umaasa siyang may harmonyang makikipamuhayan ang buong sangkatauhan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |