|
||||||||
|
||
Edelweiss, edelweiss every evening you greet me… Kumusta na kayo diyan mga kaibigang Pinoy at Pinas. Kasunod ng isang heavy snow, sinasalubong ng Beijing ang tag-lamig.
Alam kong hindi nakakaranas ng tunay na lamig ang karamihan sa mga pinoy, that's why, kung bumibisita sila sa Tsina kung winter, gusto nilang pumunta sa Harbin, pinakamalamig na lunsod ng Tsina. At walang salitang "heater" sa taglog, di ba? Gayunman, walang pangangailangan sa thick clothes, leather jacket at woolen sweater. Malaking tipid, ha? Biro lang… No matter what, I love winter, kasi, ito ang pinakamagandang panahon para kumain ng hotpot. Ito ay palatandaan din na papalapit na ang Spring Festival na nangangahulugan naman ng mahabang bakasyon, annual bonuses, pagtipun-tipon ng buong pamilya at a lot of coming and going.
Ah, bago ako maging absent-minded , balik tayo sa ating music charts. Ang limang kanta para sa nagdaang linggo ay: "Wind" ng poging si Huang Xiaoming, "Parang pangitain" nina Jacky Chan at Sandy Lam; "Shining Boy" na inawit ni Elva Hsiao; "Happy Hour" ni Sun Nan; at "Sand Drawing" ng tambalang Cindy Yen at Jay Chou. Parang popular na popular ang mga braintwister sa inyo, haha, Sinabi ni Poska, ate, this is your best episode, keep it up? Ah…maybe, one day, gagawa ako ng isang programang full of braintwisters at ang pamagat ay "Sino ang Mas Matalino?" What do you think?
Ika-3, Sand Drawing nina Cindy Ren at Jay Chou. Kinatha ni Cindy pero may malinaw na istilong Jay. Kung pagmamasdan mo ang picture nila, makikita mong cindy looks like Jolin Tsai. Incidental o intended…who knows…Sabi ni Eloisa : sand drawing, I like it because of jay chou, talagang maraming pinahanga ang taong ito.
Ika-2, "Parang Pangitain," ng tambalang Jacky Chen at Sandy Lam. Malakas ang powers ng idol. Bilang isang movie star, philanthropist at matagumpay na negosyante, ang singing ay isang personal choice niya lamang. Maybe, even he himself, hindi niya ini-expect na magiging popular na popular ang mga kanta niya. Sabi ni Vicky: "like a dream tayo. iyong nagdaang walang patawad na bagyo parang pangitain.
Ang winner is…"Wind" na inawit ng poging si Huang Xiaoming. Sabi ni Min: "gusto ko iyong kantang wind ni Huang Xiaoming. That reminds me of the pain in a broken heart being blown off by the wind." Sana magsilbing hangin ang Pop China at maitaboy nito ang hapdi na inyong nararamdaman sa inyong puso.
Ok, ang masuwerte namang tagapakinig para sa nakaraang Linggo ay ang mobile phone user na 006391863208XX: I like the song wind pogi or no pogi the singer is, I like the song…the wind is behaving like woman, so fickle, hehehe. Er…fickle ang women? You really think so? But, that's why you love her, di pa? haha. Maraming maraming salamat sa iyong appreciation sa programang Pop China at kay Sissi. Ang kopya ng DVD ng S.H.E. ay ipadadala sa iyo ng Serbisyo Filipino. Paki-iwan lang ang iyong address sa aming message board o iteks mo sa amin sa 09212572397.
Kung may magtatanong sa akin kung sino ang pinakanagugustuhan kong male singer, may answer, siyempre, is Eason Chan-- gaya ng alam na ng marami sa inyo. At kung tatanungin naman ang pinakanagugustuhan kong female singer, ang sagot ko ay Julia Peng. Siya raw ang Whitney Houston ng Taiwan. Puro at medyo malakas ang powers ng kanyang tinig. Bago pumasok sa sirkulo ng entertainment, katulad ng iba pang maraming singers, she tried her luck at a bar. Bagama't meron mayamang karanasang musikal sa proseso ng paglahok sa choir at nagwagi sa malaking singing contest, meron ding kaunting sagabal dahil hindi kagandahan ang kanyang mukha. One day, binigyan si Peng ng kanyang boyfriend ng album ni Whitney Houston at sinabing:"You can sing like her." Salamat dito, naririnig natin ngayon ang magandang boses ni Peng。".
Ang kantang "Buwan" ay bagong obra ni Peng pagkaraang lumisan nang pitong taon ng sirkulong musikal dahil sa pagasawa at pagkakaroon ng anak. In the tender moonlight, tahimik na nahahabi ang isang love story. Can you feel it?
Si Dick and Cowboy or better known as "Laodie" ay isang legendary singer. Hindi nasabi ni sissi na dakila ang kanyang mga natamong bunga, pero, makaranasan siya. Sapul noong siya ay 25 taong gulang, sinimulan nang hanapin ni Laodie ang katuparan ng kanyang pangarap na muskal. Bumuo ng banda, kumanta sa mga pub, at nagtrabaho din bilang construction worker dahil sa financial difficulty. Finally, pagkaraan ng 15 taon, noong 1997, siya ay naging isang tatay ng 12 year old daughter. Dramatically, naging popular siya, Ang tickets sa kanyang concerts ay sold out sa loob lamang ng ilang oras. Lagi niyang sinasabi na "kung walang isang daang setbacks, walang 10 libong ulit na failures, wala ako ngayon dito." Ngayong gabi, maririnig natin ang bago niyang kantang "Sino na ang Mahal Mo Bukas?".
OK, ang limang kanta para sa week na ito ay: "Sino na ang Mahal Mo Bukas?" ni Dick and Cowboy; "Buwan," na binigyang-buhay ng golden voice ni Julia Peng; "Wind" na inawit ng poging si Huang Xiaoming; "Parang pangitain" nina Jacky Chan at Sandy Lam; at "Sand Drawing" na kinanta nina Cindy Yen at Jay Chou. Welcome kayong bumisita sa aming website, Filipino.cri.cn You can find the link of POP China sa frontpage para marinig ang kabuuang edisyon ng program at makaboto para sa pinakapopular na kanta o singer sa inyong puso. Ako si Sissi, inyong happy DJ, wish you a beautiful weekend. Good night~
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |