Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China ika-27 2009

(GMT+08:00) 2009-11-15 19:10:52       CRI

 Magandang magandang gabi po, mga kaibigang Pinoy. Kumusta po kayo nitong mga araw na ito? Ito muli si Sissi, ang inyong happy DJ, na nagpapaabot sa inyo ng matapat na pagbati mula sa Beijing.

Limang kantang inirecomment ko para sa noong isang linggo ay: "Sino na ang Mahal Mo Bukas?" ni Dick and Cowboy; "Buwan" na binigyang-buhay ng golden voice ni Julia Peng; "Wind" na inawit ng poging si Huang Xiaoming; "Parang pangitain" nina Jacky Chan at Sandy Lam; at "Sand Drawing" na kinanta nina Cindy Yen at Jay Chou. Linggu-linggo, tuwang-tuwa si Sissi na magbilang ng mga boto o textmessages na ipinadala ng mga music fans. You are so talented at inspirational. It's a kind of enjoyment na bumasa ng mga mensahe, really thank you all.

Ika-3, "Shinning Boy" ni Elva Hsiao. Bagama't inirecommend ko ang dalawang bagong kanta, naalaala pa ng mga music fans ang kantang ito at sabi ni Rolly: gusto ko iyong kantang shining boy kasi shining boy ang tawag sa akin dahil oily daw ang mukha ko...haha, you are really something.

Ika-2, "Sand Drawing"nina Jay Chou at Cindy Ren, mukhang malaki ang epekto ng Jay Chou, that's why, halos lahat ng new singers gustong magkaroon ng kahit anong relasyon sa kanya, di ba? Sabi ng mobile phone user 0063135351258XX: I like DRAWING IN THE SAND by cindy yen and jay chou. literally, i like to make sketches in the sand but i don't like to build castles of sand. so fragile.

Ang winner is…"Parang Pangitain" nina Jacky Chan at Sandy Lam. Sabi ni : danny ong.i think jacky chan is just great on and off the screen and on and off the stage. mawawala siya sa limelight, but not in the hearts of those who idolize him. Thank you sa regalong T-shirt. i like it very much. suot suot ka ngayon at susuutin kong lagi...maraming maraming salamat sa paglahok ninyo sa programang Magklik at Manalo sa aming website at sana everything goes well.

Maganda ang performances ni Jacky Chan sa mga kung fu movie. Maganda rin ang takbo na kanyang social work. Noong ika-12 ng buwang ito, nagsayaw siya para sa one-year countdown ng Asian Games sa Guangzhou. Ganito siya katagumpay. Hindi lamang siya masuwerte; masikap din siya. Pero, ngayon gabi, ibabahagi ni Jacky ang kanyang suwerte kay Rina, ang masuwerteng tagapakinig para sa nakaraang programa. Sabi niya sa kanyang mensahe: "parang pangitain is quite relevant. lahat ng nangyayari ngayon sa paligid-ligid, sa buong mundo ay parang pangitain. jacky chan is the man." Ok, congratulations, Rina. Huwag mong kalilimutang iwanan ang iyong address sa aming message board o iteks mo sa amin sa 09212572397.

Handsome comes~kung tatanungin kung alin ang pinakapopular na male band sa sirkulo ng entertainment ng Tsina sa kasalukuyan, siyempre ang sagot ay Fahrenheit na binubuo nina Aaron, Goh Kiat Chun, Jiro at Calvin. Ang pangalan ng kanilang grupo ay kumakatawan sa apat na panahon. Si Aaron na may warm smile ang kinatawan ng tag-sibol, 77˚ F. Ang energetic at kaibig-ibig na si Jiro ang kumakatawan sa kasiglahan ng tag-init, 95˚F. Ipaparamdam sa inyo ng emotional na si Goh Kiat Chun na galing sa Brunei ang damdamin ng tag-lagas, 59˚F. At Si Calvin naman na merong magic eye ang kinatawan ng tag-lamig, 41˚F. Sapul nang buuin ang grupo noong katapusan ng taong 2005, mabilis na naging popular na popular sa mga kabataan ang apat na binatilyo. Magkakaiba pero pare-parehong kaakit-akit na kabataang lalaki. Ako man ay in love with this group. Si Jiro ang pinakanagugustuhan ko. Cute siya as in cute. Napakaguwapo naman ni Goh Kiat Chun. Nag-appear siya sa idol dramang or < For You in Full Blossom> kasama si Ella. Tulad din naman ng nauna sa kanilang grupong S.H.E., nag-publisize kamakailan ang Fahrenheit ng bagong digital album na may tatlong bagong kanta. Ang ibig sabihin ng digital album ay hindi naka-CD or DVD ang mga kanta. Dina-download ang mga ito sa internet. Ito raw ang tunguhin ng pag-unlad ng recording industry. Do you think so? Ok, let's listen to their new song < guardian star >. Who is your guardian star?

Naratay nang matagal sa kama dahil sa traffic accident, sinimulan ni Crowd Lu na mag-aral ng gitara. Walang nakakaalam na this changed him forever. Nang sumunod na taon, napagwagian niya ang dalawang championships—isa sa pagkanta, at isa sa pagkatha. Ikinasindak ng mga beteranong producer ang musika ni Lu na perfectly mixing music and life. Noong isang taon, natalo pa ni Lu ang maraming superstars at nanalo bilang best composer sa Golden Melody Awards, isa sa mga pinaka-influential music festival sa Taiwan. Ok, today, let's lend an ear to this promising new star, sa kanyang bagong kantang . Together, damhin natin ang loneliness ni Crowd Lu.

Ok, ang limang kanta that are waiting for you to show your appreciation for this week is…"Parang pangitain" nina Jacky Chan at Sandy Lam, "Sand Drawing" na kinanta nina Cindy Yen at Jay Chou. "Shining Boy" na inawit ni Elva Hsiao, "Guardian Star" ng Fahrenheit at na ibinigay ni Crowd Lu, pinakapromising singer para sa taong ito. Welcome kayong mag-iwan ng mensahe sa aming website o magteks sa amin para bumoto para sa pinakapopular na singer o kanta sa iyong puso.Maari ring ibahagi ninyo kay Sissi kung anumang damdamin meron kayo sa music. You are always welcome.

Sa ika-2 bahagi ng programang Pop China ngayong gabi, isang request mula kay Rolly, ang Neverland by S. H. E.. Ok, make this song an happy ending para sa Pop China. Welcome kayong bumisita sa aming website, Filipino.cri.cn You can find the link of POP China sa frontpage para marinig ang kabuuang edisyon ng program at makaboto para sa pinakapopular na kanta o singer sa inyong puso. Ingat po, hope you have a sunny week. See you next time~

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>