Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Industriya ng animation at comicss ng Tsina, mabunga

(GMT+08:00) 2009-11-18 14:45:00       CRI

Mula noong ika-26 ng nagdaang buwan hanggang ika-18 ng buwang ito, idinaraos ang kauna-unahang Exhibition of Chinese Animation & Comic Arts sa National Art Museum ng Tsina. Sa pagtatanghal na ito, meyroon ang mahigit 300 kilalang katha sa anime at comics ng Tsina at ang pagtatanghal na ito'y kauna-unahang komprehensibong nagpapakita ng mga mahalagang natamong bunga sa larangang ito sapul nang itatag ang People's Republic of China noong 1949 at ito ay nagdudulot rin ng maapoy na kagiliwan ng mga mamamayang Tsino sa comics at anime. Ipinalalagay ng industriya ng anime at comics ng Tsina na ito'y nagsisilbing mahalagang sagisag sa pag-unlad ng industriyang ito.

May mayamang karanasan ang Tsina sa larangan ng comics at anime at noong nakararaang ilampung taon, inilikha ng mga cartoonist ng Tsina ang maraming mahusay na obra. Noong ika-6 na dekada ng nagdaang siglo, ang ilang mahusay na katha sa comics at anime na gaya ng Uproar in Heaven ay nakatanggap ng mataas na karangalan sa ibayong dagat.

Datapuwa't para sa malaking pangangailangan ng ilang daang milyong batang Tsino sa katha ng comics at anime, maliit ang pamilihan ng comics at anime ng Tsina. Kaya mula noong 2006, nagtulungan ang ilampung departamento ng pamahalaang Tsino para magkakasamang mapasulong ang industriya ng comics at anime ng Tsina. Nitong 3 taong nakalipas, walang humpay na nagbabago ang paraan sa pagkatha ng comics at anime at dumarami nang dumarami ang bilang mga obra sa larangang ito, ang industriyang ito ay pumasok sa panahon ng mabilis na pag-unlad.

Kaya sa seremonya ng pagbubukas ng pagtatanghal na ito, sinabi ni Ouyang Jian, Pangalawang Ministro ng Kultura ng Tsina, na

"Ang layunin ng pagtatanghal na ito ay para mapasulong ang anime at comics at sa pamamagitan ng isang serye ng pagtatanghal, ipakita ang mga mahusay na katha sa comics at anime at pasiglahin ang pagkakatha ng mas maraming mahusay na kathang ito para makatawag ng pansin ng buong lipunan sa comics at anime at mapasulong ang industriyang ito."

Sa pagtatanghal na ito, hindi lamang meyroon ang mga katha ng comics at anime ng mainland ng Tsina, kundi may mga katha na galing sa Hong Kong, Macao at Taiwan na kauna-unahang pagkakataong lumahok sa gayong pagtatanghal. Kasabay nito, ito'y kauna-unahang komprehensibo at sistematikong pagpapakita ng lahat ng mga uri ng katha ng comics at anime sa iba't ibang paraan na gaya ng libro, TV, pelikula, mobilephone at internet.

Bukod dito, ang pagpapakita ng proseso ng pagkatha ng comics at anime sa pamamagitan ng hay-tek ay nakakaakit ng mga manonood.

Ipinalalagay ni Fan Di'an, Puno ng National Art Museum ng Tsina, na ang pagtatanghal na ito ay magiging bagong starting point ng industriya ng comics at anime ng Tsina at makakatawag ng mas malaking pansin ng mga mamamayang Tsino. Sinabi niya na

"Sa tingin ko, ang pagtatanghal na ito ay isang mahalagang sagisag sa pag-unlad ng usapin ng comics at anime ng Tsina. Sa pamamagitan ng pagkakataong ito, ibayo pang nakapagsusulong ng industriyang ito at nakakatawag ng mas malaking pansin at pagkatig ng lipunan."

Ang pagtatanghal na ito ay nagpapasigla nang malaki sa sirkulo ng comics at anime ng Tsina. Ipinalalagay ng mga tauhan ng sirkulong ito na sa kasalukuyan, sabayang nakakatawag ng malaking pansin ng lipunan, ang indistriyang ito ay nahaharap sa walang katulad na pagkakataon ng pag-unlad sa kasaysayan. Kaugnay nito, ipinahayag ni Ouyang na sa kasalukuyan, isinasagawa ng Tsina ang plano ng pagpapayabong ng industriya ng comics at anime sa katamtaman at mahabang panahon para magpalaganap ng kulturang Tsino sa pamamagitan ng comics at anime.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>