Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Espesyal na restawurang naglilingkod sa mga matatanda

(GMT+08:00) 2009-11-23 20:48:40       CRI

Kasunod ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina, nagiging mabilis rin ang ritmo ng pamumuhay at lumalaki ang presyur para sa mga mamamayan at bunga nito'y lumitaw ang isyung kung papaanong aasikasuhin ang pamumuhay ng mga matatanda. Sa Distritong Chaoyang ng Beijing, may isang espesyal na restawuran na naglilingkod para sa mga matatanda na nakatira sa magkakapitbahayan sa paligid nito.

Mura ang mga pagkain doon at malinis ang kalapigiran, kaya ikinasisiya ng mga matatanda ang pagpunta doon. Inilahad ni Guo Yun, pangalawang Direktor ng sentro ng serbisyo ng magkakapitbahayan ng Distritong Chaoyang, na ang layunin ng restawurang ito ay magkaloob ng mabuting pagkain sa mga matatanda, lalo na sa mga matatandang nanganailangan ng espesyal na pag-aasikaso, gaya ng iyong nawalan ng asawa at may kapansanan.

Ang isang matatanda na si Li ay laging kumakain sa restawurang ito. Sinabi niya na

"Kumakain ako dito tuwing tanghali at dinadala ang hapunan sa bahay ko. Malapit ito sa bahay ko at saka mura ang pagkain at malinis ang kapaligiran."

Pagkaraang buksan ang restawurang ito, naaakit ang dumarami nang dumaraming matatanda. Si Ginang Xue ay isang miyembro ng grupong musikal ng mga matatanda. Noong unang panahon, dahil mahigit 40 miyembro ng grupong ito ang nakatira sa iba't ibang magkakapitbahayan, kapag nagsasagawa sila ng regular na aktibidad tuwing linggo, ang pagkain ay naging isang problema. Ngunit sa kasalukuyan, ang restawurang ito ay naging kalutasan ng kanilang problema. Sinabi niya na

"Noong unang panahon, ang pagkain ay isang mahirap na problema para sa amin kung nagsasanay ang aking grupo. Pero ngayon, wala na ang problemang ito. Mura at malinis ang pagkain dito. Ang restawurang ito ay nagpapadali sa aming aktibidad."

Inilahad ng tauhan ng sentro ng serbisyo ng magkakapitbahayan ng Distritong Chaoyang na upang makinabang dito sa restawurang ito ang mga matatanda at maigarantiya ang normal na pagtakbo ng restawurang ito, sadyang binawasan o kinensela ang gastos ng restawurang ito sa tubig, koryente at upa, kaya ang presyo ng pagkain dito ay halos sangkatlo nang mas mura kaysa karaniwang restawuran.

Upang mapalingkuran ang mas maraming matatanda, lalo na ang mga matatanda na hirap sa paglakad, nagpakabit ang restawurang ito ng telephone hotline para sa maginwahang pagpapareserba ng mga matatanda ng pagkain. Sinabi ni Guo na

"Libre lahat ang aming serbisyo sa paghahatid ng pagkain sa mga matatanda at kahit kaunti ang inorder na pagkain, ihahatid pa rin namin sa kanila para mapadali ang pamumuhay nila."

Bukod dito, sa pamamagitan ng restawurang ito, isinagawa pa ng sentro ng serbisyo ng magkakapitbahayan ang isang serye ng aktibidad na gaya ng pagbibigay ng regalo sa mga matatanda bilang wish para sa kanilang mabuting kalusugan. Libre ang paggamit ng mga matatanda ng mga pasilidad na pangkultura at pampalakasan para payamanin ang pamumuhay nila. Iniorganisa pa ang mga boluntaryo ng paaralan na puntahan ang mga matatanda para mapaglingkuran sila. Ang mga aktibidad na ito ay pinupuri ng mga matatanda. Sinabi ni Guo na

"Binubuksan namin ang restawurang ito para magbigay sa mga matatanda ng isang lugar para magrelaks, mag-enjoy at kumain. Hanggang sa kasalukuyan, maganda ang takbo ng restawurang ito. Hindi lamang tinatanggap ng mga matatanda ang restawurang ito, kundi pinupuri pa ng kanilang anak dahil mabuti ang pagkain at mahusay ang paglilingkod nito sa mga matatanda."

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>