|
||||||||
|
||
Bilang una at ikatlong ekonomy sa kasalukuyang daigdig, lumaki ng 130 ulit ang halaga ng bilateral na kalakalan ng Tsina at E.U. sa loob ng nakaraang 30 taon. Sa kasalukuyan, ang Tsina at E.U. ay ikalawang trade partner ng isa't isa. Sa kanyang pakikipagdiyalogo sa mga kabataang Tsino sa Shanghai noong ika-16 ng buwang ito, sinabi ni Obama na ang pagpapaunlad ng kalakalan ay nagpapasulong ng walang humpay na paglalim ng relasyong Tsino-Amerikano. Sinabi niyang:
"ang kalakalan sa pagitan ng Tsina at E.U. ay maaaring lumikha ng mas maraming pagkakataon ng hanap-buhay sa dalawang pampang ng Pasipiko at magdulot ng pamumuhay sa mas mataas na lebel sa mga mamamayan ng dalawang bansa. Sa kasalukuyan, positibo at konstruktibo ang kooperasyon ng dalawang bansa at ipinagkaloob nito ang tsanel ng pagtatatag ng partnership ng dalawang bansa sa ilang mahalagang isyu sa daigdig. "
Ngunit, dahil sa pandaigdigang krisis na pinansiyal, noong unang tatlong kuwarter ng taong ito, bumaba nang mahigit 15% ang buong halaga ng kalakalan ng dalawang bansa kumpara sa gayon din panahon, at kasabay nito, muling dumami ang alitang pangkalakalan ng dalawang bansa. Hinggil dito, ipinalalagay ni Yuan Peng, puno ng instituto sa suliranin ng E.U. sa ilalim ng China Institutes of contemporary international relations, na sangkataerba ang halaga ng bilateral na kalakalan ng Tsina at E.U., normal ang ilang alitan, ngunit, dapat kilalanin na ang isang mahalagang dahilan nito ay di-pagkilala ng E.U. ng katayuang pampamilihan ng kabuhayan ng Tsina.
Sa panahon ng pagdalaw ni Obama sa Tsina, malalaim at matapat na tinalakay ng Tsina at E.U. ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan. Bago ang pag-uusap ng mga lider ng dalawang bansa, idinaos ang pag-uusap ng mga ministrong komersyal ng dalawang bansa.ipinahayag ng dalawang panig na palalakasin ang kooperasyon, lalo pang pasusulungin ang pag-unlad ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at E.U.. Sinabi ng magkasanib na pahayag na ipinalabas ng Tsina at E.U.na napakahalaga ng bukas na kalakalan at pamumuhunan sa kabuhayan para sa kanilang bansa at buong daigdig, at sinang-ayunang positibong lutasin ang mga alitang pangkalakalan batay sa konstruktibo, pangkooperasyon at win-win pakikitungo, at magsisikap ang dalawang panig para magkasamang tutulan ang proteksyonismo sa iba't ibang paraan. Nang kapanayamin ng mamamahayag, sinabi ni pangulong Hu Jintao ng Tsina na:
"nagpalitan kami ng mga palagay hinggil sa pandaigdigang kalagayan ng kabuhayan at komersyo at narating ang maraming komong palagay. Bong diin sinabi ko kay pangulong Obama na sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, dapat tutulan ang proteksyonismo sa iba't ibang paraan batay sa mas matibay na pakikitungo. "
Ang isyu ng exchange rate ng RMB ay isa pang mainit na isyu ng kabuhayan at kalakalan ng Tsina at E.U.. sinabi ni Yuan Peng na ang pag-uusap ng mga lider ng Tsina at E.U. ay nakakabuti sa pagpapalitan at pag-uunawaan ng dalawang bansa sa isyung ito. Sinabi niyang:
"sa pamamgitan ng pagtatagpo ng mga lider, nananalig akong tiyak na bubuti ang pag-uunawaan ng dalawang bansa, at lulutasin ang isyu ng di-pagkabalanse ng kalakalan sa pamamagitan ng isang komprehensibong paraan. Dahil ang isyu ng exchange rate ng RMB ay isang superficial isyu, sa bandang huli, dapat lutasin ang isyu ng di-pagkabalanse ng bilateral na kalakalan."
Bukod sa naturang dalawang mainit na isyu, narating ang komong palagay ng Tsina at E.U. hinggil sa mga isyu ng paggagalugad ng malinis na enerhiya na may kinalaman sa pangmatagalang pag-unlad ng dalawang bansa at buong daigdig.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |