|
||||||||
|
||
Magandang magandang gabi po, Philippines! Love me or hate me, itong muli si Sissi na love na love na ibahagi sa inyo ang kanyang love for music tuwing Linggo ng gabi.
Nitong nagdaang Biyernes, pinanood ni Sissi kasama sina Jade, Pogi Chef Liu Kai, Andrea at Any ang amazing performance na ibinigay ng Bayanihan Philippine National Folk Dance Company. Pero bago ito, alam ko na "maawit at masayaw" ang mga Pilipino, hindi ko lang matukoy ang talagang konkretong kahulugan ng "maawit at masayaw" hanggang noon ngang makita ko ang performance ng Bayanihan. Napakalantik ng mga katawan ng mga babaeng may mapupulang labi. Timing na timing ang pagtalon at pagtakbo ng mga lalaking may mapupungay na mga mata.Sa kanilang kasuotan, para silang mga maginoong lalaki at mabibining babae na yumuyukod sa isa't isa at dahan-dahang umiikot sa saliw ng tugtugin.Smart na smart at passionate na passionate silang tingnan sa kanilang tradisyonal na kasuotang pambansa. Ang lahat ng pang-araw-araw na bagay can be Property sa stage-- kawayan, coconut shell, headband at iba pa. Hindi naman ako late pero wala na akong maupuan. Doon na lang ako umupo sa hagdan. Pero I think, it was worth my time—sa kabila ng mga discomforts na iyon. Ganundin naman iyong ibang nanood na nanatiling nakatayo sa likod ng teatro. Anyway, I am crazy for bayanihan.
Natatandaan pa ba ninyo iyong limang kanta noong nakaraan linggo? "Guardian Star" na inawit ng Fahrenheit; "Parang pangitain" nina Jacky Chan at Sandy Lam; "Sand Drawing" na kinanta nina Cindy Yen at Jay Chou, "Good Boy" ni Chen Lin at "Wow" na inawit nina shinning duet Elva Hsiao at Show Luo. X'mas is coming, Sabi ng mobile phone user: 91984266XX: austerity tayo ngayon kaya medyo alalay lang ang Xmas celebration...the simpler, the better. pero di dapat mawala yung traditional Xmas tree, lantern, manger, santa claus, etc... ah, kung masasalubong mo si Santa Claus, ano ang sasabihin mo sa kanya?
Ika-3, "Sand Drawing" na inihahatid nina Cindy Ren at Jay Chou, dahil abala sa pagsu-shoot ng pelikula, mukhang walang planong mag-publisize ng bagong album si Jay, pero, para mapasulong ang pagdating ni Cindy Ren, bagong singer na kasama ni Jay na nag-sign ng contract sa isang recording company, may pagkakataon pa din tayong makita at marinig si Jay sa bagong kantang "Sand Drawing". Bilang tagahanga ni Jay, masaya pa rin tayo, di ba?
Ika-2, "Good Boy" na inawit ni Chen Lin, sabi ni happy i go for good boy. a boy is always good to those who love him, and always bad to those who care less. Sabi naman ni Jennilyn: i like the song good boy. i am looking for one. i guess it's one in a million. Ah, banggitin ang good boy, may marami sa tabi ko, halimbawa, kuyang ramon, eanest and Jason, haha…shh… if they know, tiyak na patay ako. Haha
Ang winner is…"Wow" na binigyang-buhay nina Elva Hsiao at Show Luo. Muling sasabihin ko sa inyo na kung naghahanap kayo ng dance music, huwag ninyong kakaligtaan ang kantang ito. Muling pinatutunayan nito ang lakas ng power ng dance music. Sabi ni Ronnalyn: huwag nating pag-usapan mga malulungkot na pangyayari. let's get going. let's shout \"wow\" wow na wow ang kantang WOW nina elva at shou!
Hindi ako mahilig magdisko. Parang naiingayan kasi ako sa diskuhan. Pero I have nothing against dance music. Sa totoo nga, habang pinakikinggan ko ang kanta ni Elva, itinatambol ko ang aking mga daliri. OK, ang dancing queen ngayong gabi, este, ang masuwerteng tagapakinig ay ang mobile phone user ng 6391943570XX: let the shining boy shine on us. maganda pagkakagawa ng kanta at maganda pagkaka interpret ni Elva. Bagama't hindi maaring naging winner ang kantang Shinning Boy sa aming music chart ngayong gabi, ang isa pang kanta ni Elva ay nagwagi at maghahatid sa inyo ng magandang suwerte. Iyong address niyo, ha? Muling ipinapaalala ko na huwag magtitipid ng pera para kay Ate Sissi. Ang DVD ng isang pop singer na Tsino ay munting alaala para sa inyo bilang pasasalamat sa inyong appreciation. Please don't forget to leave your mailing address, okay?
Nabanggit ko noon na ipa-publisize ng F.I.R. ang bago nilang album-- and here they come…Dahil sila mismo ang gumagawa ng kanilang mga kanta, sapul nang i-publisize nila ang kanilang unang album, consistent at kumpleto ang ideyang ipinakikita nila. Modern rock, new metal, walang humpay na sinubok nilang dagdagan ng makukulay na elemento ang kanilang mga kanta. Ngayong taon ay ika-5 anibersaryo ng pagkakabuo ng F.I.R. Pinaplano ng grupo na i-publisize ang kanilang bagong album sa nalalapit na Xmas. Kamakailan, sa seremonya ng paglalagda kasama ng music company, sinabi pa ni Ian, producer ng band na 20 years later, we will still sing together" bilang tugon sa balitang posible umanong ma-disband ang F.I.R. nauna rito, may balitang nagsasabing hindi maganda ang relasyon ng mga miyembro, particular, ang relasyon ni Ian kina Faye, lead vocalist at Real, lead guitarist at composer. By the way, nagpaplanong magpakasal nina Faye at Real sa susunod na taon. Congaratulations! Kung mababanggit ang kanilang pag-ibig, walang ganitong inaasahan sina Faye and Real, kasi kahit walong taon na silang magkakilala. na-in love lamang sila sa isa't isa Noong 2007,. But, love is a magic thing, di ba? Ok, isalang natin ang kanilang bagong kantang "We are" bilang pagbati sa kanila at kanilang mga tagahanga sa Philippines. Romulo, Syl, Malou Tiu at iba pa.
Kung papasok kayo ng mga KTV dito sa Tsina, mapupuna ninyo na ang madalas na kantahin ng mga kabataang gustong magpakita ng kanilang galing sa pagkanta ay iyong mga kanta ni Shin. Hindi madaling kantahin ang mga kanta ni Shin. Bukod sa dark side of life ang pino-project talagang sobra pa ang taas ng tono kaya you really have to sing at the top of your voice. Resonant, penetrating at passionate ang boses ni Shin but walang rage at complain sa mensaheng inihahatid ng kanyang boses. On the contrary, full of self-examination at painstaking love. Ngayong gabi, mag-eenjoy kami ng kanyang bagong bagkantang "Crazy", crazy to love, crazy to feel desperate, crazy to love, crazy to be hurt by the pain. What are you crazy for?
Ang limang kantang naghihintay na inyong ma-enjoy ay: "Sand Drawing" na kinanta nina Cindy Yen at Jay Chou, "Good Boy" ni Chen Lin at "Wow" na inawit nina shinning duet Elva Hsiao at Show Luo. "We are" na inibigay ng F.I.R. at "Crazy" kinanta ni di-crazy na Shin. Nalimutan na ba ninyo ang paraan ng pagboto? Bumisita lang sa Filipino.cri.cn at mag-iwan ng love message para sa pinakapopular na singer o kanta sa aming message board. Kung hindi naman, magteks kayo sa amin sa 09212572397. Para sa mga music fans na gustong muling marinig ang mga bagong kanta, hanapin lang ninyo ang link ng Pop China sa aming frontpage. Doon, you can listen to our progrema on line~
Ok, mensahe galing sa 006392826433XX what do U know about WILL WU HA? bigyan mo naman ako ng konting background niya. Ah, ang will ay Wilber, ang Wilber ay Will, ang Will ay Wilber Pan's nickname, just like Christina na we usually call Chris. Ang "Wu Ha" ay ika-3 album ni Will o Wilber na na-publisize noong taong 2004. Nitong nagdaang Hunyo, na-publisize ang kanyang ika-7 ablum. Napatugtog ko na sa Pop China ang pinakapopular niyang kantang "Be With You." Kasama niya roon si Akon. Dahil limitado ang ating oras, ilalagay ko sa website namin ang link ng isang old program hinggil kay Wilber. Sana magustuhan ninyo iyon. Tingnan: https://filipino.cri.cn/421/2009/05/04/2s78479.htm
Ok, I am gonna be with you, sissi gonna be with you ever and forever. Sana everything goes well, see you next week~
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |