|
||||||||
|
||
Christmas is coming~nakakatanggap na ako ng Xmas messages mula sa mga takapakinig. Sabi ng mobile phone user ng 00639208035132, hi! fEEl na ba niny0 Xmas jan sa beijing? dit0 we can already smell... sabi naman ng mobile phone user ng 006391740131XX: hi ate sissi, kuya ramon...wala lang...gusto ko lang mag hello hello...lapit na Pasko...listen ako lagi...maraming maraming salamat po! Ok, this Christmas, gustong magbigay ng Pop China ng konting sorpresa sa mga listener at welcome ang lahat na lumahok sa celebrating-Christmas-and-New Year activity ng Pop China--- "MAG-HELLO SA 2010". Magpadala ng short message para sa taong 2010 kasama ang inyong postal address bago sumapit ang unang araw ng Enero ng papasok na taon sa front page ng aming website under the column "MAG-HELLO SA 2010" o sa mobile phone no: 09212572397. May chance kayong makatanggap ng aginaldo mula sa Programang Pop China ng Serbisyo Filipino ng China Radio International. Let me tell you a secret: sa mga aginaldo, may mga larawan nina kuya Ramon at ate Sissi, haha, na puwede ninyong idikit sa inyong door to drive away the evil spirit. Ha ha…biro lang, pero, totoo iyong celebration activity at makukulay na pamasko. Mayaman si Ate Sissi, haha.
Ok, huwag kalimutan ang ating music Charts. Ang limang kantang na-enjoy natin noong isang linggo ay: "Sand Drawing" na kinanta nina Cindy Yen at Jay Chou, "Good Boy" ni Chen Lin at "Wow" na inawit nina shinning duet Elva Hsiao at Show Luo. "We are" na bigay ng F.I.R. at "Crazy" na kinanta ng di-crazy na si Shin. You know, hanggang noong Miyerkules, walang pumapasok na vote sa aming message board. Sad si Sissi. Hindi maganda ang aking performance? o hindi maganda ang mga kantang napili ko? Iniisip ko, kung walang boto, papaano ako gagawa ng kanta for this week? Nagsimulang magdatingan ang mga boto noong Thursday, Friday at Saturday. Fuhhh…you really frightened me!~~~
Ika-3, "Crazy" na kinanta ni Shin. 6 feet ang taas ni Shin. Bago naging sikat, para sa kanyang subsistence, nagtrabaho rin si Shin bilang model at nagtinda ng mga naka-food box na pagkain sa bangketa. Pag may dumating na pulis, kumakaripas siya ng takbo para huwag mahuli. Hard to imagine, di ba?
Ika-2, Ika-2, "Good Boy" na inawit ni Chen Lin, sabi ng 006392065091XX: gusto ko ang good boy ni chen lin..may mga guys na cute na nagpapa cute pa...hindi sila good boys pag ganun...er…cute sila as in cute pero, sama sila as in sama, di pa? hindi womanizer ang lahat ng lalaki? Good luck next time! Kung gusto ninyong magka-boyfriend ng Chinese, magsabi kay Ate Sissi. Serious ako.
Ang winner is…"Sand Drawing" na inihatid nina Cindy Ren at Jay Chou, sabi ni kate: i cast my vote for sand drawing by cindy yen at jay chou. anything drawn in the sand is not indelible. Sabi naman ng mobile phone user ng 00639173453XX: ala rin namang masama kung magdisko ka. exercise pa nga iyon. kung makikinig ka lang ng music at di yuyugyog, sa folkhouse dapat di sa disco. Jay chou ang gusto kong artist. simple guy-- is he?
A: Santa Claus, can you tell me kung sino ang dapat na maging masuwerte naming tagapakinig ngayong gabi? Kasi, excellent ang lahat ng mensahe.
B: Ah, you can choose by lot…bising-busy ako, you know. Don't bother me with such little problem.
A: Er, ok, salamat po, Saint Nic…
Um… I got it. Ang masuwerteng tagapakinig ay…si happy: listening to your program makes me feel like i am yao ming, 7 feet tall. thanks for your sweet and refreshing sounds. i feel i am falling for sand drawing. it has a truckload of meaning. Nice to see you here, Happy. Wish you happy forever. Paki-iwan ng Iyong mailing address sa aming message board o textmessage, Ok?
Si Cindy Wong ay tinaguriang sweetheart ng buong Taiwan. Lumaki sa isang single-parent family, nananatili siyang naka-smile at naaapektuhan ang lahat ng tao ng kanyang sweetness at optimism. Kaya, sabi ng mga tagahanga niya, si Cindy daw ay may Princess's appearance at Cinderella's determination. Once upon a time, siya ang pinakapopular na female singer sa mga kabataang lalaki at natamo ang nickname na bagong henerasyon ng "kilabot ng kalalakihan."
Kamakailan, nagpublisize si Cindy ng kanyang bagong album-"Telepathy". Hinihimok ng kantang "Telepathy"—ang carrier song ng album-- na umibig ang lahat. See, papaanong naipapakita ang sweetness sa pamamagitan ng electronic rock and roll? No matter how tall, how heavy, how beautiful you are, be in love ngayong gabi. Go, go, go, find your Mr o Miss Right and have a romantic Christmas.
Hindi ko alam, how many of you know the story of Mulan, isang legend na Tsino. Noon sinaunang panahon, may isang babaeng nagngangalang Mulan na namumuhay nang tahimik kasama ng kaniyang tatay, nanay at batang kapatid na lalaki. One day, natanggap ng kanyang tatay ang isang kautusang nagpapadala sa kanya sa warfield. Napakatanda na ng kanyang tatay at napakabata naman ng kanyang nakababatang kapatid na lalaki, kaya ipinsiya ni Mulan na magpanggap na isang lalaki at siyang sumabak sa giyera sa halip ng kanyang tatay. Sa banding huli, dahil sa katapangang ipinakita ni Mulan sa digmaan at pagwawagi ng kanyang bansa, pinatawad ng hari ang kanyang krimen na panlilinlang at muling namuhay nang tahimik ang kanyang pamilya. Nananatiling popular ang kuwentong ito sa mga mamamayang Tsino at dayuhan. Nagprodyus din ang Walt Disney ng isang pelikula batay sa kuwentong ito at kamakailan, ipinalabas ang isa pang pelikula tungkol kay Mulan na ginawa ng isang director na Tsino. Inanyayahan ng film company si Stefanie Sun na kumakanta ng theme song ng Mulan. Sa kanta, maririnig niyo ang tradisyonal na military music ng Tsina at mararamdaman ang war scene sa rhythm.
Ok, kasunod ng kantang Mulan, malinaw ang limang kantang ini-recommend ko for this week. Ang mga ito ay: "Sand Drawing" na kinanta nina Cindy Yen at Jay Chou, "Good Boy" ni Chen Lin "Crazy," na kinanta ng di-crazy na si Shin, "Telepathy" na kaloob ng sweet na sweet na si Cindy Wong at "Mulan", theme song ng pelikulang Mulan na kinanta ni Stefanie Sun. Welcome kayong mag-iwan ng mensahe sa aming website o magteks sa amin para bumoto para sa pinakapopular na singer o kanta sa iyong puso.Maari ring ibahagi ninyo kay Sissi kung anumang damdamin meron kayo sa music.
Plugging uli: Welcome kayong lumahok sa Christmas and New Year activity ng Pop China--- "MAG-HELLO SA 2010". Magpadala ng isang maikling mensahe para sa taong 2010 kasama ang inyong postal address bago ang unang araw ng Enero ng papasok na 2010 sa mobile phone No: 09212572397 o sa aming website sa Frontpage, under the column "MAG-HELLO SA 2010". May chance kayong makatanggap ng aginaldo mula sa Programang Pop China ng Serbisyo Filipino ng China Radio International.
Hope you are happy and huwag kalimutang lumahok sa aming activity "MAG-HELLO SA 2010". God Bless, bye~
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |