Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sentro ng paglilingkod sa mga may kapansanan

(GMT+08:00) 2009-12-12 17:30:08       CRI

Kasunod ng mabilis na pag-unlad ng Tsina, bumubuti nang malaki ang pamumuhay ng mga may kapansanang Tsino. Datapuwa't nananatili pa rin ang mga kahirapan ng mga may kapansanang Tsino sa pagharap sa presyur ng lipunan at pagpawi sa hadlang sa pakikipagpalitan sa ibang tao. Sa sentro ng paglilingkod ng Distritong Xicheng ng Beijing sa mga may kapansanan, buong sikap na nagbibigay-tulong ang mga tauhan sa mga may kapansanan para mas mabuting makihalo sa lipunan.

Si Zhang Liqun ay isang may kapansanan at nagtatrabaho sa sentrong ito nang mahigit 2 taon. Ang kanyang pang-araw-araw na gawain ay maglagay sa seal bag ang mga sterilized tableware. Kaya, dahil sa trabahong ito, hindi lamang may regular na sahod si Zhang bawat buwan, kundi nagpapahusay siya ng kakayahan sa pag-asikaso sa sarili at naaalis niya ang mga hadlang sa pakikipagpalitan sa ibang mga tao.

Sinabi niya na gusto niya ng pamumuhay sa sentrong ito at para sa kanya, ang karanasan na hindi mabubura sa kanyang isip ay naghuntahan sila ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina dito sa sentrong ito noong panahon ng 2008 Beijing Olympic Games. Sinabi niya na

"Noong ika-20 ng Agosto ng 2008, bumisita si Pangulong Hu sa sentrong ito. Masayang masaya kaming mga may kapansanan at mga tauhan ng sentrong ito at nagluto kami ni Pangulong Hu ng mga dumplings."

Bukod sa pagkakaloob ng ilang pagkakataon ng hanap-buhay sa mga may kapansanan, itinuturo ng mga guro sa sentrong ito ang ilang saligang kakayahayan sa pamumuhay sa mga may kapansanan para tulungan silang mabuting makihalo sa lipunan. Sinabi ni Wu Meijuan, guro ng sentrong ito na nagtuturo ng pagluluto, na

"Sa loob ng halos 3 taon, namaster nilang mga may kapansanan ang kakayahan sa paggawa ng mga pagkain na gaya ng pizza, dumplings at iba pa. bukod dito, natuto rin sila ng paggamit ng mga electronics. Kaya, dito hinubog sila para mamuhay parang isang normal na tao na kayang asikasuhin ang kanilang sarili."

Bukod dito, nakakita si Wu ng mga positibong pagbabago sa kanyang mga may kapansanang estudyante. Sinabi niya na

"Noong una nang kararating sila sa sentrong ito, kulang sila sa kompiyansa at hindi kayang makipagpalitan sa ibang tao. Datapuwa't sa pamamagitan ng halos 2 taong pagsasanay, gusto nila ng pamumuhay dito at kusang-loob na nakikipagpalitan sa iba. Matalik ang kanilang relasyon."

Bilang tanging komprehensibong organisasyon ng Distritong Xicheng sa paglilingkod sa mga may kapansanan,opisiyal na itinatag ito noong 2007 para ipagkaloob ang mga serbisyo sa mga may kapansanan na gaya ng pagsasanay na bokasyonal, paggagamot, aktibidad na pangkultura at iba pa. sinabi ni Guo Xin, pangalawang tagapangulo ng Disabled Person's Federation ng Xicheng, na

"Sa katotohanan, ang pinakamahirap para sa mga may kapansanan ay kakayahan ng pakikipagpalitan sa iba at pagtatrabaho. Kaya sinasanay namin silang magtrabaho nang nagsasarili bukod sa kakayahan sa pamumuhay. Kung hindi patataasin ang kanilang kakahayan, imposibleng makisalamuha sila sa lipunan at makapagtamasa ng kanilang saligang karapatan at pamumuhay."

Ang 71 taong gulang na si Liu Da'en ay isang may kapansanan dahil may hemiplegia noong 2001. Sa kasalukuyan, pumupunta siya sa sentrong ito bawat araw para sa rehabilitasyon. Nagbago nang malaki ang kanyang kalagayan at ikinasisiya niya ito.

Dahil sa mahusay na pag-asikaso sa mga may kapansanan at sa pamamagitan ng tulong ng barrier free facilities, ang nasabing sentro ay nag-iwan ng malalim na impresyon sa mga Tsino't dayuhang mamamahayag. Sinabi ni Katou Harunobu, isang mamamahayag na Hapones ng NHK, na

"Mabuti ang mga barrier free facilities ng sentrong ito at ang pananaig ng sariling kahirapan, pagtutulungan ng mga may kapansanan ay nag-iwan sa akin ng malalim na impresyon. Masasabing ang sentrong ito ay nagpapakita, hindi lamang ng buong sikap na pagbibigay-tulong ng pamahalaang Tsino sa mga may kapansanan, kundi ng ideyang "may harmonyang lipunan" na iniharap ng lider ng Tsina."

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>