|
||||||||
|
||
Magandang magandang gabi po. Hinihintay ba ninyo ako? Ang inyong happy DJ-sissi. tuwang tuwang makapiling kayo sa Pop China tuwing Linggo ng gabi.
Ah, kamakailan, ipinapanalangin ni Sissi na umulan ng niyebe at magkaroon ng isang White Christmas, very romantic atmosphere at magandang-magandang tanawin. Noong isang linggo, pormal na sinimulan ang Christmas and New Year activity ng Pop China--- "MAG-HELLO SA 2010". Nabasa ko ang mga mensaheng iniwan ng mga kaibigan. Sabi ni Aaron Tiu: One of the great pleasures of the Holiday Season is the opportunity to exchange greetings with those whose friendship and goodwill are valued so highly. May a bright and prosperous New Year bring happiness to you Ate Sissi, Kuya Ramon and all the people of CRI. Sabi naman ni kristeta: ang wish ko ay katahimikan sa 2010 at less calamity...sabi pa ni Manny B.: Xmas season starts on the 16th, the first day of Misa de Gallo. we've got a long way to go for your maghello sa 2010! Ah…maraming maraming salamat po, pero, ang gusto sana ni si Sissi ay mapadalhan kayo ng mga regalo bago mag-Pasko, nang sa gayon matanggap ninyo sa loob ng year na ito ang sorpresang ipagkakaloob ng Pop China. Pls Don't hesitate. Lumahok kayo sa aming activity as early as possible..
Limang kantang inirecomend ko para sa nagdaang linggo ay:: "Sand Drawing" na kinanta nina Cindy Yen at Jay Chou, "Good Boy" ni Chen Lin "Crazy," na kinanta ng di-crazy na si Shin, "Telepathy" na kaloob ng sweet na sweet na si Cindy Wong at "Mulan", theme song ng pelikulang Mulan na kinanta ni Stefanie Sun.
Ika-3 "Mulan", theme song ng pelikulang Mulan na kinanata ni Stefanie Sun. Sa pelikula, ang katapangang ipinakita ni Mulan ay hindi lamang naghatid ng tagumpay sa kanyang inang bayan; naghatid din ito sa kanya ng isang guwapong lalaki bilang asawa. I am just wondering, bakit kaya hindi ako ganito kasuwerte? Haha…
Ika-2 "Telepathy" na kaloob ng sweet na sweet na si Cindy Wong. Sabi ng mobile phone user 921 577 91XX: advance merry Christmas to all! telepathy is my song for this week. minsan we need telepathetic communications. masyado tayong high tech kaya gumugulo lalo ang mundo at sumasama ang lagay ng kapaligiran. Pero, gustong pasalamatan ngayong gabi ni Sissi ang Hi Tek, bagay na nalaman kong kinakatigan mo ang Pop China at Cindy Wong.
Welcome ang lahat na lumahok sa celebrating-Christmas-and-New Year activity ng Pop China--- "MAG-HELLO SA 2010". Magpadala ng short message para sa taong 2010 kasama ang inyong postal address bago sumapit ang unang araw ng Enero ng papasok na taon sa front page ng aming website under the column "MAG-HELLO SA 2010" o sa mobile phone no: 09212572397. May chance kayong makatanggap ng aginaldo mula sa Programang Pop China ng Serbisyo Filipino ng China Radio International.
Ang winner ay walang dudang "sand drawing" inihahatid nina Cindy Ren at Jay Chou, sabi ni kristeta: sand drawing ang gusto ko. kasi mahilig akong gumawa ng love letters in the sand. Sabi naman ng mobile phone user 006391580755XX: i like the song sand drawing but i dont like the idea of drawing in the sand. doesnt make sense.
Mukhang fragile ang sand drawing. Madali itong ma-erase kasunod ng tide. Pero, ano o sino ang iniisip niyo habang nag-dodrowing kayo sa sand? Ah…sabi ni grace: i like sand drawing by cindy and jay. take the message from the sand. Ano ang mensaheng nakuha mo mula sa sand, grace? Sabihin mo sa akin at mag-iwan ng iyong address sa aking message board. Bakit? siyempre, ikaw ang masuwerteng takapakinig ng Pop China ngayong gabi. Puwedeng magteks sa amin sa 09212572397. ah, Sina Helen, LUZ AMAMIO, Happy at Aron Tiu, Ang mga kopya ng DVD ng singer Tsino ay papunta na diyan sa Philippines. Paki-abangan na lang niyo, ha?
Kung ngumingiti, may dalawang maliliit na dimples malapit sa bibig. Iyan ang palatandaan ng singer na si JJ Lin. Isinilang sa isang pamilyang musikal, nagsimula siyang mag-aral ng piyano noong siya ay apat na taong-gulang pa lamang. Maski noong siya ay nagsisilbi sa hukbo, siya ang art soldier na namamahala sa mga palabas ng battalion. Bago na-publisize ang kanyang kauna-unahang album sa Taiwan noong taong 2003, marami na siyang naisulat na kanta para sa mga big stars na gaya nina Wilber Pan, Amei, Coco Lee at iba pa. Ngayon, siya rin ang kumatha ng lahat ng kanta sa kanyang album. Ang bawat album niya ay nakatanggap ng mainam na pagtanggp sa pamilihan. Kasama nina Jay Chou, Wilber Pan, si JJ ngayon ay isa sa mga pinakapopular na singer sa mga kabataang Tsino at dito, I will tell you an interesting anecdote na may kinalaman kay JJ. Noong idinaos ang isang signing promotion ni JJ sa Beijing, mga 1200 tao ang dumalo sa nasabing aktibidad at kabilang dito, may dalawang high school students na bumili ng 120 kopya ng album niya. Actually, sila ang mga kinatawan ng dalawang klase. Umaasang makadadalo ang lahat ng estudyante, pero, kung mangyayari iyon, walang maiiwang tao sa classroom, kaya, nagpadala sila ng dalawang estudyante bilang kinatawan. Ok, ngayong gabi, let enjoy JJ's new song, "100 Araw." Pagkaraan ng isa, dalawa, o ilang daang araw , we still love each other.
Nakilala sa isang popular na idol dramang "Meter Garden" noong taong 2002, nananatiling energetic sa TV screen bilang singer, TV host, model, unti-unting natipon ni Raine Yang ang kanyang popularidad sa mga tagahanga. Ngayon, siya ang kinikilalang "queen of idol drama" sa Taiwan. Ang TV series na kung saan siya ay gumanap na heroine ay nagwagi sa iba't ibang polls. Sa lahat ng kanyang role, siya ay mabait, masikap at kaibig-ibig, walang intention, pero, dahil nananatiling optimistiko at kind-hearted, laging natatamo niya ang kasiyahan sa bandang huli. Nitong tatlong taong nakalipas, sinamantala niya ang kanyang popularidad sa drama at sinimulan niyang i-publisize ang album. Ang naririnig ninyo ay ang bago niyang kantang "Rain Love". Ito rin ang theme song ng kanyang bagong idol dramang "Sweet Heart" na ginagampanan nina Raine at Show Luo.
Limang kantang inirecomend ko para sa nagdaang linggo ay: "Sand Drawing" na kinanta nina Cindy Yen at Jay Chou, "Telepathy" na kaloob ng sweet na sweet na si Cindy Wong at "Mulan", theme song ng pelikulang Mulan na kinanta ni Stefanie Sun, "100 araw" na kinanta ni little dimple, JJ Lin at " Rain Love" inawit ng kaibig-ibig na si Raine Yang. Welcome kayong mag-iwan ng mensahe sa aming website o magteks sa amin para bumoto para sa pinakapopular na singer o kanta sa iyong puso.Maari ring ibahagi ninyo kay Sissi kung anumang damdamin meron kayo sa music.
Welcome ang lahat na lumahok sa celebrating-Christmas-and-New Year activity ng Pop China--- "MAG-HELLO SA 2010". Magpadala ng short message para sa taong 2010 kasama ang inyong postal address bago sumapit ang unang araw ng Enero ng papasok na taon sa front page ng aming website under the column "MAG-HELLO SA 2010" o sa mobile phone no: 09212572397. May chance kayong makatanggap ng aginaldo mula sa Programang Pop China ng Serbisyo Filipino ng China Radio International.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |