|
||||||||
|
||
Nitong ilang araw na nakalipas, ginamit sa internet ng Google Book ang mga katha ng mga manunulat ng Tsina nang walang nakasulat na permiso, kaya nakatawag ito ng pansin ng iba't ibang sirkulo ng lipunan. Ayon sa estadistika ng Written Words Copyright Society ng Tsina, ginamit na sa internet ng Google Book ang 1.8 libong uri ng mga katha ng 570 manunulat ng Tsina. Ang isyung kung papaanong haharapin ng pangangalaga sa copyright ang hamon ng pag-unlad ng digital technology ay naging tampok ng kasalukuyang talakayan.
Tinukoy ni Yan Xiaohong, Pangalawang Puno ng National Copyright Administration ng Tsina, na sa kasalukuyan, ang bilang ng mga netizen ng Tsina ay lumampas sa 300 milyon at sa loob ng darating 2 taon, ang bilang ito ay posibleng umabot sa halos 500 milyon. Kaya sabayang bumabago ang internet ng ideya at pamumuhay ng mga mamamayang Tsino, ito'y nagdudulot din ng malaking hidwaan sa aspeto ng copyright. Ito rin ang isyung dapat magkakasamang harapin ng buong daigdig. Sinabi niya na
"Ang paraan ng paglutas ng isyung ito, sa tingin ko, ay nagpapasigla sa inobasyon at naghahanap ng mga paraan kung papaano gagawaran ng karapatan batay sa paggalang sa inobasyon."
Sa katotohanan, nitong ilang taong nakalipas, ang ganitong kaso ay naganap din sa ilang kilalang komanya ng IT sa daigdig. Kaugnay ng hamong dulot ng internet sa pangangalaga sa copyright, ipinalalagay ni Propesor Cao Xinming ng Zhongnan University of Economics and Law ng Tsina na kahit ang anumang uri ng media, hindi babaguhin ang prinsipyo ng paggalang sa pangangalaga sa copyright. Sinabi niya na
"Sa pagharap sa bagong kalagayang dulot ng internet, lalo na sa digital library, kinakailangang mapadali ang paraan ng paggawad ng karapatan. Pero, hindi dapat gamitin ang alinmang katha nang walang nakasulat na permiso. Dahil sa kasalukuyan, ang lahat ng mga batas ng iba't ibang bansa at mga kasunduang pandaigdig ay hindi magpapahintulot ng ganitong uri ng paggamit.
Kaugnay ng pangangalaga sa copyright sa internet, ipinahayag ni Liu Chengyong, isang namamahalang tauhan ng China Publishing Group, na ang pangangalaga sa copyright ay nagsisilbing paggarantiya sa piagmumulan ng yaman ng digital industry, sinabi niya na
"Kung hindi pangangalagaan ang copyright, walang tao ang lilikha ng mga mahusay na katha at kung gayon, walang yaman ang aming industriya."
Ang palagay ni Liu ay komong palagay din ng sirkulo ng digital industry. Ipinahayag ng kinatawan ng Google na sa proseso ng pagtatatag ng Google Book, nakahana silang sa pamamagitan ng lehitimo at mabisang paraan, gamitin ang mga katha ng Tsina.
Sa taunang pulong ng copyright ng Tsina, inilahad ni Wang Ziqiang, opisiyal ng National Copyright Administration ng Tsina, na nagpapasulong ang kanyang departamento sa pagbalangkas ng Copyright Law para harapin ang hamon ng internet, sinabi niya na
"Sa isang dako, palalakasin namin ang pangangalaga sa copyright sa internet at pagbibigay-dagok sa illegal copy at infringement, sa kabilang dako, mapapasulong ang lehitimong paggamit sa internet at maitatatag ang isang maharmoya, naayon sa pamantayan at may mutuwal na kapakinapangang mekanismo ng paggamit ng mga katha sa pagitan ng mga gumamit at may karapatan. Ang aming hangarin ay magpapasulong ng malawak na pagpapalaganap ng mga mahusay na katha sa kultura, siyensiya at iba pa sa pundasyon ng pangangalaga sa lehitimong kapakanan at karapatan ng mga manunulat para makatugon sa pangangailangan ng mga mamamayang Tsino."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |