|
||||||||
|
||
Sa kanugnog ng mga malaking lunsod ng Tsina na gaya ng Beijing, Shanghai at iba pa, nagtitipun-tipon ang maraming kabataang may komong katangian: nagtapos sa kolehyo, mababa ang kita, mahina bilang isang grupo at magkakasama sa bahay. Ang karamihan sa kanila ay isinilang noong ika-80 dekada ng nagdaang siglo. Kahit mahirap ang kanilang pamumuhay, nananatili pa rin silang nagpupunyagi para isakatuparan ang kanilang hangarin.
Si Meng ay isa sa kanila. Nagtatrabaho siya nang mahigit 1 taon at nakatira malapit sa kanyang kompanya. Sinabi niya na
"Mura lang ang upa ko at madali para sa akin ang pagpasok sa tanggapan. Naramdaman ko na pareho lang ang buhay ko ngayon at noon ako ay nasa pamantasan."
Ang bloke na pinaninirahan ni Meng ay nasa dakong hilaga ng Beijing at nakatira doon ang halos 50 libong katulad niyang tao.kasya ang 8 tao sa isang 10 metro kuwadradong babay. Mura ang upa na mula 200 hanggang 700 yuan RMB bawat tao isang buwan. Sinabi ni Meng na ang kanyang presyur ay nagmumula, pangunahin na, sa trabaho sa halip ng pamumuhay.
Si Wang ay housemate ni Meng. Sinabi niya na para sa kanya, walang problema ang presyur sa trabaho at pamumuhay, dahil para sa mga bata, dapat magpahusay nang lubos ng kanilang kakayahan at naniniwala anyang tiyak na matatamo ang tagumpay ng kanyang pagsisikap.
Ayon sa pagsisiyasat ng mga dalubhasa sa lipunan. Ang ganitong grupo ay nakatira, pangunahin na, sa mga malaking lunsod ng Tsina na gaya ng Beijing, Shanghai, Guangzhou at Xi'an. Ang kabuuang populasyon nito ay halos 1 milyon at dahil sa presyur sa paghahanap-buhay, umaasa silang hahanapin ang mas maraming pagkakataon sa mga malaking lunsod.
Si Li Liang na galing sa Zhengzhou ay isa rin na kabilang sa ganitong grupo. Ang linya niya ay software at nakatira siya sa Beijing nang halos 4 na buwan. Pero wala siyang balak na tumira nang permanente sa Beijing. Sinabi niya na
"Ang pagpunta ko sa Beijing ay dahil mas mabuti ang kalagayan ng software industry dito kaysa Zhengzhou at mas malaki ang kita. Pero ayaw kong tumira sa Beijing nang mahabang panahon sa hinaharap, dahil sa palagay ko, mataas ang presyo ng mga paninda sa Beijing. Kaya babalik ako marahil sa Zhengzhou o pupunta sa ibang lunsod pagkaraang magtrabaho sa Beijing nang mga 5 taon."
Gayuman iba-iba ang hangarin ng mga kabataan ng ganitong grupo, palagiang nagsisikap sila para isakatuparan ang kanilang hangarin. Si Chen Yazhe ay isang estudyante sa ika-4 na taon ng Beijing City University. Kaugnay ng hangarin niya pagkatapos ng kolehyo, sinabi niya na
"Kung magiging isang miyembro ng ganitong grupo, magiging mahirap ang aking pamumuhay at siguro magsisisi ako. Datapuwa't sa tingin ko, dapat magpunyagi ang mga tao para sa sariling hangarin sa halip ng paghihintay ng umano'y pagkakataon. Kaya dapat walang humpay na magsikap ang aming sarili at saka lamang maisasakatuparan ang aming hangarin."
Sa kasalukuyan, ang kalagayan ng pamumuhay ng ganitong grupo ay nakatawag ng pansin ng media at iba't ibang sirkulo ng lupunan at nagsimulang tulungan sila ng lipunan. pinaniniwalaang tiyak na magiging mas maganda ang kanilang hinaharap.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |