|
||||||||
|
||
Kahit ang kabuhayang pandaigdig ay nasa panahon ng paghina, masigla ang pamilihan ng pelikula ng Tsina sa taong ito. Ayon sa estadistika, tinayang ang kita ng box-office ng mga pelikulang Tsino sa taong ito ay lalampas sa 6 bilyong yuan RMB at hanggang noong nagdaang Oktubre, ang kitang ito noong unang 10 buwan ay umabot sa mahigit 5 bilyong yuan RMB na lumampas sa kabuuang kita ng buong nagdaang taon.
Sa lahat ng 17 pelikula na may kita na mahigit 100 milyong yuan RMB, 10 ang domestikong pelikula. Kaya ipinalalagay ng mga personahe ng industriya ng pelikula ng Tsina na ang pelikulang Tsino ay nagsimulang pumasok sa gintong panahon ng pag-unlad.
Sa taong ito, hinihikayat ng pamilihan ng pelikulang Tsino ang mga blockbuster ng Tsina at dayuhan na gaya ng 2012 ng Hollywood, Mulan, A simple noodle story, Wind & Cloud II at Treasure Hunter ng Tsina. Maapoy na tinatanggap ang mga ito ng mga manonood. Si Yu Chao ay pangalawang puno ng Capital Cinema, sinabi niyang mabiling mabili ang mga ticket ng naturang mga pelikula. Sinabi niya na
"Mabilis na nawala ang lahat ng mga ticket ng naturang mga pelikula na bago ang alas-22 ng gabi. Ito'y palatandaan ng maapoy na pagtanggap ng naturang mga pelikula. Kaya ang gawain namin ay, pangunahin na, nagkakaloob ng mabuting serbisyo sa mga manonood para mapadali ang kanilang pagbili ng mga tickets."
Sa kasalukuyan, ang mga kabataang Tsino ay naging pangunahing grupo ng mga manonood ng pelikula at sa mga malaking lunsod ng Tsina na gaya ng Beijing, Shanghai at Guangzhou, ang panonood ng pelikula ay nagiging popular na paraang pampamumuhay ng mga kabataang Tsino.
Noong gabi ng ika-10 ng buwang ito, napakalamig ng Beijing, nanood pa si Yang Na ng pelikulang A simple noodle story. Sinabi niya na
"Gusto ko ng komedya, dahil nakarelaks ito. Sa tingin ko, ang panonood ng pelikula ay isang mabuting paraan ng pagrelaks."
Ang nabanggit na pelikula ay komedya na idinirehi ni Zhang Yimou. Sinabi ni Zhang na ang pelikulang ito ay nagsisilbing hamon sa kanyang sarili. Ang pamilihan ng pelikula ay dapat magkaloob ng mga katha na gusto ng mga batang manonood. Sinabi niya na
"Sa kasalukuyan, ang mga kabataang manonood ay pangunahing grupo ng manonood ng pelikula. Pelikula ay dapat debirsipikado at ang pelikulang ito ay ginawa kong pagsubok."
Kaugnay ng maapoy na pamilihan ng pelikula, ipinalalagay ni Gao Jun, pangalawang puno ng New Film Association ng Beijing, na ito'y ibinunga ng paglaki ng bilang ng mga sinehan at pagiging uso ng panonood ng pelikula. Ipinalalagay ni Chen Shan, propesor ng Beijing Film Academy, na ito'y nagpapakita ng pagiging kompleto ng industriya ng pelikulang Tsino. Sinabi niya na
"Sa kasalukuyan, may tiyak na saklaw na ang pamilihan ng pelikulang Tsino at ang dami ng mga apisyunado. Kaya optimistiko ako sa pag-unlad ng buong pamilihan ng pelikulang Tsino."
Ayon sa estadistika, ang kabuuang kita ng box-office ng pelikulang Tsino ay karaniwang lumalaki ng 25% nitong nakalipas na 6 na taong singkad. Tinaya ng mga personahe ng industriya ng pelikula ng Tsina na sa loob ng darating na 10 taon, ang kabuuang halaga ng produksyon ng industriyang ito ay aabot sa halos 100 bilyong yuan RMB. Tinukoy ni Chen na ang susi ng pag-unlad ng industriyang ito sa susunod na yugto ay pagpapalawak ng pamilihan ng mga katam-taman at maliliit na lunsod sa loob ng bansa at makakagawa ng mga pelikulang may impluwensiya sa daigdig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |