Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Una 2010

(GMT+08:00) 2010-01-05 18:43:10       CRI

Manigong Bagong Taon, mga pinoy at pinas. Kasunod ng unang pag-ulan ng niyebe sa taong 2010 dito sa Beijing, nagkakaniig tayo sa unang episode ng Pop China sa 2010. Ito po si Sissi-iyong lovely DJ.

  Ngayong gabi, hindi ako magri-recommend ng kanta. Nasa holiday kami, di ba? Gusto ko lang ibahagi ang wishes ng mga kaibigan na enjoy sa pakikinig ng klasikal na pop songs. Sa tingin ko, dito sa so called classical, tiyak na ipinakikita nito ang pinakamalalim na damdamin sa iyong puso. Katulad ng unang kantang "Ten Years" ni Eason Chan, anong ginawa mo nitong nagdaang 10 taon? Whom did you laugh with and whom did you fall in love with?

Sa Alemanya, bago tumunog ang kampana ng Bagong Taon, umaakyat sa mesa ang mga lalaki at tumatalon sa ibabaw nito habang tumutugtog ang relo.

Malawak at maganda ang wishes ng mga matatalinong kaibigan. Sa halip na mag-wish ng mas maraming pera at kung anu-anong bagay para sa kanilang sarili, mas ginusto ng mas nakararaming kaibigan na mag-pray para sa buong mundo at sangkatauhan. Sa kanilang mensahe sa Pop China, Sabi ni chena: happy new year sa pop china at kay ate sissi. sana bumaba ang crime rate sa lahat ng panig ng mundo sa papasok na taong 2010. sabi pa ni emaly: Sana magkasundu-sundo na iyong mga magkakagalit! salubungin natin ang 2010 nang walang kaaway! Sabi naman ni ryan: sana pagpasok ng Bagong Taon, magliwanag ang isip ng mga naliligaw ng landas...maraming ganyan ngayon sa mundo.

  Pagpasok ng 2010, ang aming generation-- yung nga isinilang pagkaraan ng 1980s-- ay mga 30 taong gulang na. Sa Tsina, kami ay itinuturing na mga adult at may namumukod na puwersa sa lipunan. Magsasabalikat kami ng mas mabigat na tungkulin, gayun din ng mabigat na presyur. Sometimes, habang pinapapayapa, nakikita naming parang lalong ipinagwawalang-bahala ang pinakamahahalagang bagay-- Kaibigan, kapamilyahan at love ones. "What'a Pity, It Wasn't You", sabi nga ng kanta ni Chuang. Wshat a pity, it wasn't you who kept me company in the end.

Sa Greece, nagbe-bake ang punong-abala ng cake, tapos sinasamahan ang ilang piraso nito ng coin bago ibahagi sa mga kapamilya. Kung makakakita ka ng coin sa iyong cake, magiging masuwerteng masuwerte ka sa Bagong Taon.

Balik sa aming wish. Sabi ni janine : let's have a much, much better life in 2010. let's put an end to suffering. Sabi pa ni Auau: masaganang Bagong Taon. sana masagana ang inyong Nochebuena. Sabi ni david: sana maging matahimik ang ating kapaligiran sa 2010. belated merry Xmas!.

  Ayon sa pagtaya ng mga dalubhasa sa kapaligiran, sa taong 2050, tataas nang 1 metro ang sea level at may 200 milyong tao ang mawawalan ng tahana dahil dito., It's time to take action; halimbawa, sumakay ng public transport, paulit-ulit na gamitin ang mga printing paper, pataasin ng isang degree centigrade ang airconditioner at iba pa. Anyway, hope our earth becoming healthier and greener. "Sunrise" kinanta ni dancing diva Jolin Tsai.

Sa Scotland, bago pumasok ang Bagong Taon, naglalagay sila ng pera o ginto sa harap ng pinto, nang sa gayon nga naman, kung bubuksan ang pinto sa unang araw ng New Year, masasalubong nila ang pera o ginto na sumasagisag sa magandang kapalaran o good luck.

Maraming maraming salamat sa lahat ng sumali sa mag-hello sa 2010. Maraming salamat sa inyong appreciation sa Pop China at pagkatig kay Sissi. Ang wish ko para sa Bagong Taon ay sana maging MASAYA at MALUSOG ang lahat ng mga kaibigan.

Ok, higit pang maraming popular na popular na kantang Tsino ang ibabahagi sa inyo ni lovely DJ Ate Sissi dito sa POP China. Welcome kayong bumisita sa aming website: Filipino.cri.cn, maririnig ang aming pro on-line o nakadownload ng mga kanta. Hope you are all safe and sound and happy.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>