|
||||||||
|
||
Noong 2009, pinalakas ng mga departamento ng General Administration of Quality Supervision, Inspection and Quarantine ng Tsina o GAQSIQ ang pagbibigay-dagok sa mga peke't masamang produkto para pangalagaan ang lehitimong karapatan at kapakanan ng mga mamimili. Ayon sa inisiyal na estadistika, mula noong Enero hanggang Nobyembre ng 2009, natunton ng nasabing departamento ang ganitong mga paninda na nagkakahalaga ng mahigit 3.3 bilyong yuan RMB.
Noong ika-5 ng buwang ito, inilahad ng GAQSIO ang hinggil sa kalagayan ng pagbibigay-dagok sa mga peke't masamang produkto noong 2009. Ayon sa salaysay ni Yan Fengmin, opisiyal ng GAQSIQ, ang mga target ng kampanya nila noog 2009 ay, pangunahin na, ang ganitong mga paninda na may kinalaman sa kalusugan at kaligtasan ng ari-arian ng mga mamamayan. Sinabi niya na
"Noong 2009, nagtulungan kami ng mga may kinalamang departamento para magkasamang imbestigahan at hawakan ang mga malubhang kasong may kinalaman sa ganitong mga paninda. Bukod dito, sistematikong isinagawa amin ng mga departamento ang espesyal na aksyon para bigayang-dagok ang mga aksyon na nagpoprodyus ng mga peke't masamang pagkain at chemical fertilizer."
Kasabay nito, isinagawa ng mga departamento ng GAQSIQ ang aksyon sa mga nayon ng Tsina para espeyal na bigyang-dagok ang mga pekeng materyal na gamit sa produksiyong agrikultural at pinalaganap ang mga may kinalamang kaalamang pambatas.
Sinabi ni Feng na naitatag na ng kanyang departamento ang espesyal na tsanel para ipauna ang paghawak ng kasong may kinalaman sa ganitong mga produktibong materyal na agrikultural. Sinabi niya na
"Maalwan ang tsanel ng pagbubunyag ng mga magsasaka ng mga isyu at ilegal na aksyon sa mga may kinalamang departamento at saka inisiyal na naitatag namin ang espesyal na tsanel para hawakan ang ganitong mga kaso at matinding bigyang-dagok ang mga ilegal na aksyon."
Para sa mga mamimili sa lunsod, ang kalidad ng material na pampalamuti ng bahay ay pangunahin problema. Halimbawa ang mga may lasong materyal na pampalamuti na nakakapinsala sa kalusugan ay ipinagbibili sa market, magkakasamang isinagawa ng GAQSIQ at ibang mga may kinalamang departamento ang espesyal na pagsusuri sa mga materiyal para magipilan ang paggamit ng mga mamimili ng mga may problemang materyial at pangalagaan ang kanilang kalusugan. Sinabi ni Feng na
"Ang pagsusuring ito ay, pangunahin na, nakatuon sa mga materyial na nakapagpinsala sa kalusugan. Bukod dito, naitatag namin ang mekanismo ng pagsusuperbisa sa mga yugto ng pagyayari, transaksiyon at paggamit ng mga meteriyal na pampalamuti."
Bukod dito, palagiang nagbibigay-pansin ang GAQSIQ sa kaligtasan ng mga pagkain. Sa taong ito, natuklasan ang labis na melamine sa produktong gatas ng isang bahay-kalakal ng Shanghai at agarang hinawakan ng may kinalamang departamento ang kasong ito at ang 3 tagapangasiwa ng kalakal ay isinasailalim sa legal na imbestigasyon. Kaugnay nito, sinabi ni Feng na
"Ang kasong ito ay espesyal na kasong kriminal na may kinalaman sa pagpoprodyus at pagbebenta ng mga peke't masamang paninda. Kung matutuklasan ang ganitong kaso, agarang iimbestigahan at hahawakan ito ng may kinalamang departamento batay sa batas. Ang mga aksyong ito ay naglalayong pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga mamimili."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |