|
||||||||
|
||
Sa Tsina, parami nang paraming di-pampamahalaang samahan ang nagbibigay-pansin sa mga may-sakit ng AIDS at mga HIV positive at ang mga ito ay gumaganap ng pahalaga nang pahalagang papel sa pagpigil at pagkontrol sa pagkalat ng AIDS, pangangalaga sa karapatang pantao ng naturang mga may-sakit ng AIDS at mga HIV positive at pag-aasikaso sa kanila.
Noong unang araw ng buwang ito ay ika-22 World AIDS Day, idinaos ng China Red Ribbon Foundation o CRRF ang aktibidad ng pagbibigay ng pulang laso sa mga tao para makatawag ng pansin ng lipunan sa mga may-sakit ng AIDS at pagpapalaganap ng may kinalamang kaalaman hinggil sa AIDS. Si Jiang Xiaoyu ay isang boluntaryo na galing sa Beijing Normal University, sinabi niya na ang bawat red ribbon ay nagpapakita ng kanilang pag-aasikaso sa mga may-sakit ng AIDS, sinabi niya na
"Kasabay ng pag-aasikaso sa mga may-sakit ng AIDS, dapat bigyan natin ng mas maraming pansin ang AIDS, palalimin ang pagkakaalam hinggil dito at maingat sa pagpigil at pagkontrol sa AIDS."
Ang CRRF ay isang di-pampamahalaang samahan sa pagpigil ng AIDS at nakakatawag ng pansin ng buong lipunan sa mga may-sakit ng AIDS at mga HIV positive. Sapul nang itatag ang pundasyon noong 2005, nakapangalap ito ng mahigit 25 milyong yuan RMB para sa pag-aasikaso ng mga may-sakit ng AIDS sa mga mahihirap na purok. Sinabi ni Xu Jie, pangalawang pangkalahatang kalihim ng CRRF, na
"Sa Tsina, ang gawaing pagpigil at pagkontrol sa AIDS ay, pangunahin na, isinasagawa ng pamahalaan. Datapuwa't hindi sapat ang puwersa sa pagpigil ng AIDS kung depende lamang sa pamahalaan at saka kinakailangan pa ang pagsangkot ng buong lipunan. Ang mga pribadong bahay-kalakal ay mahalagang pagpuwersa ng pagpigil ng AIDS at ito rin ang mabuting paraan para sa ganting-loob sa lpunan."
Ang unang kaso ng may-sakit ng AIDS sa Tsina ay natuklasan noong 1985 at kasunod ng pagkalat ng AIDS sa mga karaniwang mamamayan, parami nang parami ang lumalahok sa publikong usapin sa pagpigil ng AIDS. Ang Beijing Aizhixing Health Education Institute ay itinatag noong 1994 at ito'y kauna-unahang di-pampamahalaang samahan na buong sikap na isinasagawa ang pagpigil ng AIDS sa mga gay. Sinabi ni Re Yilai, isang tauhan ng nabanggit na samahan, na
"Noong una, naglunsad kami ng proyektong ito, pangunahin na, para sa pagpigil ng AIDS sa mga gay at sa kasalukuyan, ang aming gawain ay sumasaklaw ng halos lahat ng mga may-sakit ng AIDS at HIV positive."
Sa Tsina, may isang espesyal na magasin na tinawag na Bulaklak ang nagpapalaganap ng mga saligang kaalamang pangkalusugan sa mga babaeng nagbebenta ng aliw. Sinabi ni Li Dan, namamahalang tauhan ng magasin, na
"Ang aming magasin ay nagpapalaganap ng mga kaalaman hinggil sa AIDS sa kanila sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng mga nilalaman na tulad ng kalusugan, pag-ma-make-up at iba pa na kainteres-interes sa kanya. Ito'y mabuting paraan para madali nilang matanggap ang ideya ng pagpigil sa AIDS."
Bukod dito, ang mga HIV positive ay naglilingkod rin bilang mga boluntaryo sa pagpigil ng AIDS. Si Hailang ay isa sa kanila. Sinabi niya na
"Nang malaman ko na meron ako ng AIDS, nadesperado ako. Kahit gayon, sa tingin ko, dapat may gawin ako para sa pagpigil sa AIDS kaya naisip kong magboluntaryo para sa pagpapalaganap ng kaalaman hinggil sa pagpigil at pagkontrol sa AIDS."
Kasunod ng pagkakaroon ng malasakit ng mas maraming tao ng Tsina sa mga may-sakit ng AIDS at HIV positive, parami nang parami ang lumalahok sa gawaing pagpigil at pagkontrol ng AIDS. Ayon sa estadistika, may ilang daan na sa buong Tsina ang mga di-pampamahalaang samahan na nagpo-promote ng AIDS control at lumalawak nang lumalawak ang hanay ng mga boluntaryo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |