Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, pangangalaga sa malusog na kapaligiran ng internet

(GMT+08:00) 2010-01-11 20:49:16       CRI

Popular ngayon ang pagbisita sa website sa pamamagitan ng mobile phone, ngunit ang mga pornographic websites na binibisita sa pamamagitan ng mobile phone ay ikinababalisa ng lipunan, lalo na ng mga magulang ng mga bata. Dahil dito, nagsagawa ang mga may kinalamang departamento ng Tsina ng mga espesyal na hakbangin para komprehensibong isaayos ang ganitong mga website. Kaugnay nito, tinukoy ng mga dalubhasa na kasabay ng pagsasaayos sa naturang mga website, dapat isagawa ang may kinalamang edukasyon para sa mga bata para maigarantiya ang paglaki nila sa malusog na kapaligiran ng internet.

Si Ginoong Cheng Wen ay tatay ng isang 13 taong gulang na bata. Sinabi niya na nag-aalala siyang kung bibisita ang kanyang anak sa ganitong mga website sa pamamagitan ng mobile phone. Sinabi niya na

"Malubha ang kapinsalaan ng mga ponograpikong nilalaman sa internet sa mga bata. Noong dati, nakagawa ako ng pagsusuperbisa sa pagbisita ng aking anak sa website kung gagamitin niya ang computer. Datapuwa't sa kasalukuyan, meyroon ng mobile phone ang halos lahat ng mga bata, kaya makakabisita ang mga bata sa website sa pamamagitan ng mobile phone sa anumang sandali at anumang lugar. Ikinababalisa ko ang hinggil dito."

Sa kasalukuyan, ang Tsina ay meyroong halos 338 milyong netizens at 700 milyong mobile phone users at upang mapangalagaan ang malusog na kapaligiran ng pagkuha ng mga impormasyon ng mga bata, nitong ilang taong nakalipas, isinasagawa ng pamahalaang Tsino ang espesyal na aksyon para bigyang-dagok ang mga aksyon ng pagpapalaganap ng mga ponograpikong nilalaman ng internet.

Kasunod ng pag-unlad ng Third Generation Mobile Communication Technology o 3G, naging malubha ang kapinsalaang dulot ng pagpapalaganap ng ponograpikong nilalaman sa pamamagitan ng mobile phone. Inilahad ni Wang Song, namamahalang tauhan ng tanggapan ng National Working Group of Eliminate Pornography and Illegal Publication ng Tsina, na mas malubha ang kapinsalaang dulot ng ganitong mga website ng mobile phone sa mga bata kaysa sa mga adult.

Hiniling ng Ministri ng Industriya at Impormasyon ng Tsina sa China Mobile, China Unicom and China Telecom, 3 pinakamalaking kompanya na nagkakaloob ng saligang serbisyo ng komunikasyon, na gamitin ang mga hakbangin para sarahan ang mga pornographic website ng mobile phone at gumawa ng pangako ng naturang 3 kompanya na hindi palalaganapin ang mga ponograpikong nilalaman ng mobile phone.

Bukod dito, hinimok ng mga may kinalamang departamento ng Tsina ang mga sibilyan na ibunyag ang mga pornographic website. Inilahad ni Wang Song na

"Mabisa ang hakbnaging ito, tumatanggap ang aming departamento ng isang telephone call bawat 1.4 minuto at ito'y lubos na nagpapakita ng pagkatig ng mga mamamayang Tsino sa pagbibigay-dagok sa mga pornographic website. Bukod sa pagsasara ng mga pornographic website, malubhang parurusahan pa namin ang mga taong nagpapatakbo ng ganitong mga website batay sa batas."

Nanawagan si Zong Chunshan, Direktor ng information center for youth law and psychology ng Beijing, na sa isang dako, dapat palakasin ng pamahalaan ang pagbibigay-dagok sa mga pagpapalaganap ng mga ponograpikong nilalaman, sa kabilang dako, dapat isagawa ng lipunan at mga magulang ang sex education sa mga bata para mabawasan ang negatibong epekto ng mga ponograpikong nilalaman at likhain ang malusog na kapaligiran ng paglaki para sa mag bata.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>