|
||||||||
|
||
Magandang Magandang gabi po, mga pinoy at pinas. Belated Happy Three King! Kumusta ang inyong katatapos na pasko? Anu-no ang mga natanggap ninyong aginaldo? Gumawa ba kayo ng New Year resolution?
Kagabi, nabasa ko sa blog ng isang intimate friend ang isang artikulo na may pamagat na "Ang Aking Sampung Taon." Sa artikulo, sinabi niyang sa gabi ng Enero uno ng nakalipas na sampung taon, ipinagdiwang ko ang millenium sa pamamagitan ng 200 shootings sa tahimik na stadium. Sa panahong iyan, 2 RMB ang isang bowl ng noodles, may kasama pang itlog. Sa panahong iyan, Si Kobe ay little brother ni O'Neal. Sa panahong iyan, mukhang hindi ikinasisiya ng tatay ko ang lahat ng ginagawa ko. Sa panahong iyan, ang aking pangarap ay kumita ng maraming pera at bumili ng isang malaking bahay at patirahin dito ang lahat ng mga kaibigan. Sa panahong iyan, ang aking pangitain ay, punung-puno ng mga imahe ng aking mga kaklaseng babae at sa panahong iyan, 17 taong gulang ako. Fragile ako na parang damo at malakas din na parang damo.Sa nagdaang Pop China, nabanggit kong pagpasok ng 2010, ang aming generation-- yung mga isinilang pagkaraan ng 1980s-- ay mga 30 taong gulang na. Sa Tsina, kami ay itinuturing na mga adult at may namumukod na puwersa sa lipunan. Sometimes, feel presyer ako, sometimes, feel puzzled ako, pero, maybe, katulad ng sabi ni luz it's about time that we learn from our mistakes in the year that has just passed. let's start from where we left off and stand up from where we stumbled.
"100 Days" ni little dimple, JJ Lin.
Halos 3 linggo na ang nagdaan. Baka nakalimutan na ninyo ang mga kantang ini-recommend ni Sissi sa final episode ng Pop China, kaya, ngayong gabi, muling maririnig ninyo ang mga kanta. Una, ang nagdaang kampeon—"100 Days" ni little dimple, JJ Lin.
"Rain Love" kinanta ni Raine Yang
Pagkatapos, " Rain Love" kinanta ni Raine Yang, bagong "queen of idol drama" ngayon sa Taiwan. Mainit na isinasahimpapawid ang bagong obra niyang "Sweet heart" kung saan kasama niya si Show Luo.
"Sand Drawing" na inawit nina Jay Chou at Cindy Ren
Ang kantang "Sand Drawing" na magkasamang inawit nina Jay Chou at Cindy Ren. Ito ay naging isa sa limang pinakapopular na kanta noong isang taon, pero, mukhang magpapatuloy pa ang mainit na dating nito sa mga music fans.
"God Sent Me to Love You" ni Wang Zhenliang
Susunod, balik-tanawin natin ang dalawang bagong kantang ini-recommend ko sa pagtatapos ng taong 2009. Sana hindi magmukhang old fashioned. Sa pagpasok ng bagong taon ang unang kanta ay "God Sent Me to Love You" ni Wang Zhenliang. God appointed someone special para sa bawat nilalang. Have you found the one for you?
Last song, inihahatid ni Hoho, Baby Face. Bagama't nag-aangkin ng baby face, 30 taong gulang na si Hoho. Sometimes, I just envy those guys with baby face. Hindi nag-iwan ang panahon ng anumang bakas ng pagtanda sa kanilang mukha. Time and tide wait for no man; the man with a baby face is an exception.
Ok, less talk, more music. Tandaan ang limang kantang ini-recommend ko for this week. "Sand Drawing" na kinanta nina Cindy Yen at Jay Chou, "100 araw" na kinanta ni little dimple, JJ Lin at " Rain Love" inawit ng kaibig-ibig na si Raine Yang. "God sent me to love you" ni Wang Zhenliang at "Baby Face" kinanta at kinath ni HOHO. Welcome kayong mag-iwan ng mensahe sa aming website o magteks sa amin para bumoto para sa pinakapopular na singer o kanta sa iyong puso.Maari ring ibahagi ninyo kay Sissi kung anumang damdamin meron kayo sa music.
With hope and Love, masisimulan ang Bagong Taon ng isang bagong buhay. Hope you are all happy and healthy. Ito muli si Sissi, love you, see u next week~
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |