|
||||||||
|
||
When you fall in love, listen to Pop China, when you step away from love, pls listen to gabi ng Musika. Hahaha. Sori po, kuya Ramon~pero, they all said you are a good psychological consultant sa mga love matter. Dito sa Pop China, sweetness lang~…Magandang magandang gabi po sa inyong lahat na nakikinig sa Pop China na inihahatid ni Sissi tuwing linggo ng gabi.
Kung mabibigyan ka ng chance na magbalik sa taong 2000, ano ang sasabihin mo sa iyong sarili sa panahong iyon? Cherish the one who loves you, sasabihin sa iyong sarili ang sagot sa isang pangunahing test o hihilingin ko sa kanya na tayaan sa lotto ang kursunada kong numero. Ngayong gabi, ibabahagi ko sa inyo ang mga nasasa-isip ng Chinese Internet Users, at naniniwala ako na matatagpuan ninyo ang inyong sarili sa kanila. Sabi ni Sese lee, isang college student: "Kung babalik ako sa nagdaang 10 taon, sasabihin ko sa aking sarili: una, mahal kita, tapos, protect your eyesight, huwag magpapataba nang sobra at huwag mai-in love sa isang boy sa iyong third year of high school. Pls grow up in a good way, hihintayin kita. Sabi naman ni summer, isa pa ring college student: "Be confident, magaling ka, you will fall in love sa kanya sa loob ng 6 na taon, tapos, mag-i-split kayo, pero maganda ang alaalang ito at huwag tatakasan. Ang pinakapangunahing bagay, mom loves you very very much. Sabi naman ni Neverland sa kanyang sarili: "Dalawin ang iyong mader sa lalong madaling panahon. Halos wala kang time para sa kanya. Very logical naman ang isang internet user na tinatawag na nuan nuan. Sasabihin daw niya sa kanyang sarili: "Salamat po, dahil sa lahat ng bagay na ginagawa mo, dinaranas mo, pinaniniwalaan mo, kinatatakutan mo, iginigiit mo, ikinalulungkot mo, ako ay naging ako ngayon. Matapang ka, I love you. Kung ipapanganak ka uli, pls do the same. Ok, kung mabibigyan kayo ng chance na bumalik sa taong 2000, ano ang sasabihin ninyo sa inyong sarili sa panahong iyon? Welcome na ibahagi ang inyong nasasa-isip kay Sissi. Ang aming website: Filipino.cri.cn. aming mobile phone no: 09212572397.
Noong isang linggo, katulad ng dati, inirecommend ni Sissi ang limang kantang kinabibilangan ng "Sand Drawing" na kinanta nina Cindy Yen at Jay Chou, " Rain Love" inawit ng kaibig-ibig na si Raine Yang. "Baby Face" kinanta at kinatha ni HOHO. "You Lancao" inawit ni forever super star Faye Wang at "Performance of Love" ibinigay ni Show Luo.
Come and go ang mga singer at kanta sa aming music Chart. Kayo ang bahala. Tapos, makikita natin who will stay.
Ika-3, "Performance of Love" na inihahatid ng dancing king Show Luo, kung mai-in love sa someone, ano ang ipapakita mo? Toss and turn restlessly? Hindi makakain kahit na anong pagkain? O paulit-ulit na gumagawa ng sms message, tapos, paulit-ulit din namang dini-delete ang sinulat? Kung totoo iyon, dapat tularan mo si Show Luo. Lakas-loob na i-express sa iyong sweetheart ang iyong damdamin. O, just forget all the distress and dance with show luo for a while?
Ika-2,"Rain Love" na ibinigay ng kaibig-ibig na si Raine Yang. Kapasin-pansin ang bentahe ng isang magandang mukha. Kung masipag pa siya, walang dudang magiging mas popular si Raine. Kailan magiging popular si Sissi? Who'll tell me? Hindi ako pangit at masipag na masipag ako ….walang biro, seryoso ako, you know… Sabi ni SARAH S.: i vote for rain love ni raine young. wish ko na one day, umulan ng pag-ibig sa mundo.
Ang winner is…."Baby Face" kinanta at kinatha ng bagong henerasyon na idol na si Hoho. Sabi ng bagong henerasyon, kasi, isinilang si Sissi pagkaraan ng 1980s, pero, malakas ang dating ni Hoho sa mga batang isinilang pagkaraan ng 1990s.
OK, pagkaraan ng isang linggong pagtulong sa Haiti, halos wala nang pag-asa para sa buhay na biktima at mapanganib pa rin ang pamumuhay doon sa Port-Au- Prince. Kung naging isang vagrant ang pangulo ng isang bansa, puwede nating ma-imagine ang karanasan ng mga mamamayan. Kaya, dito, nananawagan si Sissi sa lahat ng aspekto: Tulong, mas maraming tulong. Hope, give them bigger hope. May God Bless Haiti.
Sa mga biktimang Haitian, may 8 sundalong pamayapang Tsino. Alam niyo, noong maganap ang lindol, kasalukuyan silang nagmimiting sa kanilang headquarters. . Bagama't nagsisikap sa abot ng makakaya ang UN at International Rescue team, ipinikit ng peacekeepers na ito ang kanilang mga mata at hindi na muling didilat kailanman. Ang kantang "ibalik ka" ay espesyal na kinatha para sa kanila at inibitahan sina Super Star Jacky Chan, at Tan Jing, isang folk song singer na kumanta. Ipinakita ng kantang ito ang pakikiramay ng buong mamamayang Tsino sa mga sundalong pamayapa at nasalantang mamamayan ng Haiti. Ngayong gabi. Sorry for all the sorrows. Kasasabi ko lang our program was full of sweetness, pero, ipaalam ng sorrow ang precious of sweetness, di pa?
Ang Big Mouth ay pinakapopular na band sa Golden Melody Music Festival-- isa sa mga pinakapangunahing music festival ng Asya. Katulad ng kanilang makulay na istilong musikal, mayaman ang karanasan ng apat ng miyembro, may mixed blood na Chinese-Korean, may Hapones na nag-aaral ng wikang Tsino sa Taiwan, may Chinese na isinilang sa Taiwan pero lumaki sa Hapon at ABC o iyong overseas Chinese na bumalik mula sa E.U… At dahil pag nagkakasama-sama silang lahat, walang tigil ang kuwentuhan nila tungkol sa iba't ibang kataka-takang pangyayari at may kadaldalan sila, pinangalanan ng music company ang kanilang band ng "Big Mouth."
Sa karaniwan, The hottest girl sa disco, we call her dancing queen, coolest boy, we call him dancing king. Sa bagong kantang "King and Queen" na kinanta ng Big Mouth, inilalarawan ang pagmamahalang naganap sa disco. Sa kanilang tempo and melody, can you guess, anong nangyayayari? Remember this Band-Big Mouth, Remember this Love-"King and Queen".
Ok, nakakaranas kami ng sorrow na dulot ng kalamidad sa Haiti, pero, bukod dito, may nararamdaman din kaming passion na dulot naman ng queen and king. Oras na para pagpasiyahan ninyong lahat kung aling kanta ang karapat-dapat na sibihan ng "YES." "Rain Love" inawit ng kaibig-ibig na si Raine Yang. "Baby Face" kinanta at kinatha ni HOHO. "Performance of Love" ibinigay ni Show Luo. O gusto ninyo ang dalawang bagong kantang inirecomend ni Sissi- "Ibalik ka", kanta para sa lahat ng biktima ng lindol sa Haiti na kinanta nina Jacky Chan at Tan Jing. Big Mouth and kanilang "King and Queen", love naganap sa Disco.
Whether it is sunny or rainy, we are together; whether we are happy or sad, we love each other. Nandito si Sissi, nandito ang Pop China. Love you, care for you, hope to meet you every weekend. Good night~
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |