|
||||||||
|
||
Katangi-tangi ang boses ni Alan Kuo, bago naging isang singer, ang pinakamalaking pangarap niya ay maging isang direktor sa pelikula, at para rito, itinakwil niya at pag-aaral sa college at sinubok na gumanap ng maliliit na role sa mga pelikula. Dahil sa kanyang tatay na si Blacky Ko, isang namumukod na stuntman sa pelikula, mas marami siyang chances kumpara sa iba. Pero, nang makilala niya si Tommy Wei, isang sikat na Film Music Master ng HongKong, nakakita siya ng isang mas kaakit-akit, mas mayaman at mas interesting na larangan. Mas madali niyang maipapahayag ang laman ng kanyang isip. Kaya, pumasok siya sa Taiwan at naging junior fellow apprentice ni Jay Chow. Sabi ni Jay Chow sa kanya, dapat mag-compose siya kung gusto niyang marinig ng iba. Mula nga noon, apat na taon na ang nakararaan, nananatiling nagsisikap si Alan. Ngayon, maririnig ninyo ang bago niyang kantang "Glory of Love," na sarili niyang katha. Let's see, pagkaraan ng apat na taon, pagkaraang maranasan kung gaano kasakit ang mawalan ng ama, how much did Alan grow. Glory of Love-glory of grow up na ibinigay ni Alan Ko.
Susunod, something different~ haha, frightened? Kung kayo ay matapat na music fans ng mga Chinese Pop Music, you must know this name-Jacky Cheung. Ayon sa IFPI, International Federation of the Phonographic Industry, siya ang singer na napanatili ang rekord na may pinakamalaking bilang ng naibentang album sa daigdig kasunod ni Michel Jackson . Hanggang noong taong 2006, umabot na sa 120 milyon ang bilang ng benta ng album na sa buong mundo. Siya ang idol ng maraming big star ngayon, katulad nina Eason Chen, JJ Lin at Nicolas Xie. Siya ay symbol ng ilang henerasyon. Naririnig naming ang kantang "Hot"- theme song ng pelikulang "Hot Summer Day". Sa katunayan, bukod sa pagkanta, magaling din si Jacky sa acting. Siya ay tinanghal na best actor sa International Film Festival of India. Theatrical din ang kantang ito, di ba?
Ba la ba la ba la…passionate song ibinigay ng aming forever super star-Jackie Cheung. Kung idadagdag si Jacky Chan, may two Jackies sa ating Pop China. Jacky Chan kasama ng kanyang "Ibalik ka", kanta para sa lahat ng biktima ng lindol sa Haiti at iyong theme song ng pelikulang hot summer days na kinanta ni Jacky Cheung. Sa inyong pagboto, i-specify ninyo kung sinong Jacky ang ibinoboto ninyo. Ang iba pang tatlong kanta for this week ay galing sa "Performance of Love" ibinigay ni Show Luo. Big Mouth at ang kanilang "King and Queen", love na naganap sa Disco at "Glory of Love" kinanta ng masipag na masipag na si Alan Ko. Mag-iwan ng mensahe sa aming website-filipino.cri.cn o magteks sa amin sa 09212572397. Alam niyo na siguro na laging hinihintay ni Sissi ang inyong mga mensahe at kung gusto ninyong mag-dedicate ng kanta para sa inyong mga kaibigan o kapamilya, magpadala lang kayo ng mga mensahe.
Never frown,even when you are sad, because you'll never know who is falling in love with your smile. Keep on smiling~ see you next weekend~
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |