Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, pagpapasulong ang industriya ng pagbabalita at paglalathala

(GMT+08:00) 2010-02-01 18:52:42       CRI

Noong 2009, mabilis ang pag-unlad ng industriya ng pagbabalit at paglalathala ng Tsina at tinayang ang kabuuang halaga ng produksyon ng industriyang ito noong 2009 ay lalampas sa 1 trilyong yuan RMB. Kaya isinapubliko kamakailan ang programatikong dokumento ng pagpapaunlad ng industriyang ito na maliwanag na harapin ang mga mahalagang tungkulin ng industriyang ito sa hinaharap na gaya ng pagpapasulong ng paglaki ng ari-arian at halaga ng pagbebenta ng mga may kinalamang bahay-kalakal ng industriyang ito, pagtatatag ng mas maraming tsanel ng pagsangkot ng mga non-public ownership capital sa industriyang ito at pagpapasulong ng pagpasok ng industriyang ito sa pamilihang pandaigdig. Ipinalalagay ng mga personahe ng industriyang ito na ang dokumentong ito ay palatandaan ng pagiging mas maganda ng prospek ng industriyang ito.

Ayon sa estadistika, ang bilang ng mga uri at kabuuang bolyum ng mga libro, pahayagan at digital publication ay nasa unang puwesto sa daigdig nitong nagdaang 5 taong singkad. Sa kasalukuyan, ang Tsina ay meyoong mahigit 120 libong bahay-kalakal ng paglalathala na ari ng estado, pribado, pondong dayuhan at joint venture. Kaugnay ng target ng pagpapaunlad ng industriya ng pagbabalita at paglalathala, sinabi ni Fan Weiping, opisiyal ng General Administration of Press and Publication ng Tsina o GAPP, na

"Ang aming target ay lubos na magpapalakas ng produktibong lakas ng industriyang ito, magpapasulong ng mas mabilis na pag-unlad nito at unti unting magpapataas ng proporsyon nito sa buong pambansang kabuhayan. Puspusang nagsisikap kami para maisakatuparan ang target ng paglaki ng 2 ulit ng added vale ng industriyang ito sa katapusan ng ika-12 panlimahang taong plano kumpara noong 2006."

Bago ang pagsasagawa ng reporma at pagbubukas sa labas noong 1978, atrasado ang industriya ng pagbabalita at paglalathala ng Tsina. Hanggang noong ika-9 na dekada ng nagdaang siglo, unti-unting pumasok ang industriyang ito sa pamilihang pandaigdig, datapuwa't lumitaw ang mga problema sa industriyang ito na maliit ang saklaw, atrasado ang lebel ng pag-unlad at mahina ang kakayahang kompetetibo.

Sapul noong 2003, sinimulang isagawa ng Tsina ang reporma sa sistema ng pagbabalita at paglilmbag at sa pundasyong ito, isinapubliko ng GAPP ang isang dokumento ng pamamatnubay sa reporma ng sistemang ito na humiling sa lahat ng mga limbagan ng Tsina na maitatag ang modernong sistema ng bahay-kalakal sa lalong madaling panahon. Sa kasalukuyan, naitatag na ang sistemang ito ng karamihan sa 580 limbagan ng Tsina ayon sa kahilingan ng GAPP at hanggang sa katapusan ng taong ito, maisasakatuparan ang target na ito ng lahat ng mga limbagan ng Tsina.

Ang nilalaman ng dokumento ng GAPP na pinag-uukulan ng pansin ng buong lipunan ay nagpapalawak ng tsanel ng pagsangkot ng non-public ownership capital sa industriya ng pagbabalita at paglalathala. Sinabi ni Hao Zhensheng, puno ng Institute of Publish Science ng Tsina, na

"Ang dokumentong ito ay nagpapatibay ng papel at katayuan ng mga non-public ownership capital sa industriyang ito at nagpapaliwanag ng tsanel ng pagsangkot ng ganitong pondo sa industriyang ito. Kasunod ng pag-unlad ng industriyang ito, patuloy na uunlad at bubuti ang malalim na kooperasyon ng mga pondo na ari ng estado at pribado."

Bukod dito, binigyang-diin ng dokumentong ito na magpapasulong ang pagpasok ng industriyang ito sa pamilihang pandaigdig. Ang mga aktuwal na hakbangin ng dokumeng ito ay kinabibilangan ng pagpapalakas ng pagkatig sa kalakalang panlabas ng mga paglalathala at kooperasyon ng paglalathala, pagkatig sa pamumuhunan ng mga malaking kompanya ng paglalathala sa ibayong dagat at lubos na pagpapatingkad ng papel ng internet sa pandaigdigang kooperayon.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>