|
||||||||
|
||
Mula noong 11 hanggang ika-13, idinaos sa Beijing ang taunang pulong ng Central Discipline Commission ng Partido Komunista ng Tsina o CPC para pag-aralan at iplano ang konstruksyon ng malinis na administrasyon at paglaban sa korupsyon sa 2010. Sa pulong na ito, bumigkas si Hu Jintao, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, ng mahalagang talumpati. Sinabi ni Hu na
"Dapat seryosohang imbestigahan at hawakan ang kaso ng korupsyon batay sa batas, aktuwal na lutasin ang mga isyu na lubos na pinagmamalasakitan ng mga mamamayang Tsino at mataimtim na lagumin ang mga mahusay na karanasan para mapasulong ang konstruksyon ng sistema ng malinis na administrasyon at paglaban sa korupsyon."
Sa komunike na ipinalabas pagkatapos ng pulong na ito, iplinano ang gawain ukol sa pagtatayo ng malinis na pamahalaan at paglaban sa korupsyon sa 2010 na kinabibilangan ng mataimtim na paglutas ng mga isyu na lubos na pinagmamalasakitan ng mga mamamayan, pagapapalakas ng paghawak sa mga kaso ukol sa korupsyon, pagpapalakas ng may kinalamang edukasyon at pagsusuperbisa at malalimang pagpapasulong ng reporma at inobasyon ng sistema. Bukod dito, iniharap pa ng komunike na ito na palalakasin at pabubutihin ang pagsusuperbisa at pangangasiwa sa sariling ari-arian ng mga kasapi at kadre partido at kanilang mga kamag-anakan.
Kaugnay nito, ipinalalagay ni Lin Chen, dalubhasang Tsino sa isyu ng paglaban sa korupsyon at propesor ng Party School ng CPC, na maliwanag ang target ng Tsina sa paglaban sa korupsyon. Sinabi niya na
"Unang-una, inulit sa komunikeng ito ang mga prinsipyo na gaya ng edukasyon, konstruksyon ng sistema at pagsusuperbisa at ikalawa, ito ang muling nagpapakitang ang pinal na target ng konstruksyon ng malinis na administrasyon ay pangangalaga sa karapatang pantao ng mga sibilyan, higit sa lahat, paglutas ds mga isyung pinagmamalasakitan ng mga mamamayan. Bukod dito, binigyang-diin pa nito ang pagpapalakas ng kooperasyon ng iba't ibang panig sa pagsusuperbisa."
Ayon sa estadistika, noong 2009, inimbestigahan at hinawakan ng mga organo ng disiplina at superbisyon ng Tsina ang mga malubhang kaso ng korupsyon na nagsasangkot sa kapinsalaang pangkabuhayan na nagkakahalaga ng mahigit 4.4 bilyong yuan RMB at pinarusahan ang mahigit 80 libong kasapi ng CPC, lalo na ang halos 20 mataas na opisyal.
Kaugnay nito, sinabi ni Lin na ang malakas na pagbibigay-dagok sa mga korupsyon ay nagpapakita, hindi lamang ng matatag na determinasyon ng CPC sa paglaban sa korupsyon, kundi ng mga umiiral na isyu sa kasalukuyang sistema ng paglaban sa korupsyon, halimbawa, kulang sa pagsusuperbisa sa mga mataas na opisiayl, hindi lubos na pagsasagawa ng sisitema ng pagpapatala ng sariling ari-arian ng mga opisiyal ng partido at pamahalaan at iba pa. Kaya ipinalalagay niya na ang susi ng paglaban sa korupsyon ay aktuwal na magpapatupad ng kasalukuyang sistema. Sinabi niya na
"Sa ilang purok ng Tsina, hindi isinasagawa ang sistema ng paglaban sa koruksyon. Kaya espesyal na binigyang-diin ni Pangkalahatang Kalihim Hu Jintao na dapat maitatag ang mabisa at siyentipikong sistema at tunay na isagawa ito. Ang lahat ng mga sistema, pagsusuperbisa at pagpigil ay dapat pumasok sa pang-araw-araw na gawain ng pamahalaan at partido."
Ayon sa salaysay, isasapubliko sa malapit na hinaharap ng komite sentral ng CPC ang mga norma ukol sa malinis na pamahalaan ng mga namumunong kasapi ng CPC at iba pang mga tadhana para seryosohang parusahan ang aksyon ng korupsyon ng mga kadre at pasulungin ang konstruksyon ng malinis na administrasyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |