|
||||||||
|
||
Ayon sa alamat ng Tsina, ang Chinese charaters ay nilikha ni Cang Jie noong unang panahon at pagkaraan ng ilang libong taong pagbabago, ito'y naging isa sa mga titik na pinakamalawak na ginagamit sa daigdig. Ang Chinese charaters ay hindi lamang nagpapakita ng mahabang kasaysayan at maningning na kultura ng Tsina, kundi isa ring carrier at sagisag ng isang kultura. Kaya noong katapusan ng 2009, binuksan sa Anyang ng lalawigang Henan ng Tsina ang kauna-unahang museo sa loob ng bansa na nagpapasalaysay, pangunahin na, ng Chinese charaters.
Si Zhang Jing ay taga-Henan at bumisita siya kamakailan sa museong ito. Sinabi niya na kahit gumagamit siya ng Chinese character araw araw, hindi niya alam ang kasaysayan ng pagbabago nito, kaya ang museong ito ay nagkakaloob ng mahalagang pagkakataon para malaman niya ito. Sinabi niya na
"Bago bumisita sa museong ito, ang alam ko lamang ay kasalukuyang ginagamit na Chinese character, pero hindi ko alam ang ebolusyon nito. Sa pamamagitan ng pagkakataong ito, nakita ko ang mga relikya hinggil dito at katha ng calligrapher para malaman ang kasaysayan ng pagbabago ng Chinese character. Kawili-wili at espesyal na ito."
Ang museong ito ay may 5 bulwagang pinagdidspleyan na nahahati sa 15 yunit at ang mga relikya na nakadisplay ay may kinalaman sa iba't ibang titik sa daigdig, iba't ibang porma ng Chinese characters, kasaysayan ng pagbabago nito at titik ng mga pambansang minoriya ng Tsina para komprehensibong ipakita ang pinagmumulan, pagbabago, pag-unlad at kabighanian ng Chinese characters sa pamamagitan ng mga modernong paraan sa mga turista sa loob at labas na bansa. Kaugnay nito, ipinahayag ni Hu Yanyan, personahe ng museong ito, na ang museong ito ay naglalayong magpakita ng kulturang Tsino, sinabi niya na
"Ang isa sa mga pangunahing pukasyon ng museong ito ay edukasyon at pagpapalaganap ng kultura. Ginamit namin ang mga modernong paraan para maramdaman ng mga estudyante mismo ang kabighanian ng titik ng Tsina at saka gustong gusto nila ang aming museo."
Sa kasalukuyan, nagiging popular ang museong ito at bumibisita dito ang halos 4 libong person time araw araw. Sinabi ni Zhang Jing na
"Maganda ang gusali, maayos ang gawaing panseguridad, may maraming relikya at mahusay ang mga personahe nito, kaya naging mas popular ito para sa ng mga mamamayang Tsino."
Bukod dito, idaraos pa ng museong ito ang mas maraming pagpapalitang pangkultura at pananaliksik sa hinaharap. Kaungay nito, ipinalalagay ni Zhou Youguang, kilalang dalubhasang Tsino sa wika, na ang museong ito ay may mahalagang katuturan sa pagpapalaganap ng kulturang Tsino.
Bukod dito, umaasa si Zhou na ang musenong ito ay magiging sentro ng pananaliksik ng kultura ng Chinese characters at pandaigdigang sentro ng pagpapalitang pangkultura para palaganapin ang Chinese characters sa ibayong dagat at pasulungin ang diyalogo sa pagitan ng kulturang Tsino at dayuhan.
Ang museong ito ay nagpapakita ng maningning na kultura ng nasyong Tsino sa buong daigdig. Sa kasalukuyan, nakakatawag ang Chinese characters ng mas maraming pansin ng buong daigdig. Ang museong ito ay mahalagang hakbang ng pagpasok ng kulturang Tsino sa daigdig at sa pagpapalitang pangkultura ng Tsina at dayuhan, tiyak na magpapakita ang Chinese characters ng saril nitong espesyal na kabighanian.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |