|
||||||||
|
||
Sa isang pulong na idinaos noong ika-25 ng nagdaang buwan, ipinahayag ni Zhou Shengxian, Ministro ng Pangangalaga sa Kapaligiran ng Tsina, na noong nagdaang taon, ginawang mahalagang hakbangin sa pagharap sa pandaigdig na krisis na pinansiyal ng kanyang bansa ang pangangalaga sa kapaligiran. ibayo pang napalalim ang ideyang pangangalaga sa kapaligiran sa macro-kontrol at natamo ang kapansin-pansing bunga sa pagbabawas ng pagbuga ng mga polutant. Sa taong ito, pag-sasamahin ang pagbabawas ng pagbuga ng mga polutant at pagpapasulong ng pagsasaasyos ng estrukturang pangkabuhayan at lubos na patitingkarin ang papel ng pangangalaga sa kapaligiran sa pagpapabuti ng paglaki ng kabuhayan para maalwang maisakatuparan ang target ng pagbabawas ng pagbuga ng mga polsyon sa ika-11 panlimahang taong plano ng Tsina.
Ayon sa salaysay, sa mga mahalagang proyekto ng imprastruktura na sinimulang itatag sa mga purok ng Tsina noong 2009, aktibo ang mga departemento ng pangangalaga sa kapaligiran ng Tsina sa pagpapatupad ng tungkulin sa pagtasa at pag-aproba na pinabilis ang proseso ng pagtasa at pag-aproba sa mga proyekto na angkop sa istandard ng pangangalaga sa kapaligiran at tinanggihan ang yaong mga di angkop sa ganitong mga istandard. Ang naturang mga hakbangin ay lubos na nagpasulong ng pagpigil ng Tsina sa maulit na konstruksyon sa mababang lebel at pagsara ng ilang bahay-kalakal na atrasado ang kakayahan nito sa produksyon.
Bukod dito, pinahigpit din ng mga departamento ng pangangalaga sa kapaligiran ng Tsina ang pagbabawas ng pagbuga ng mga polutant at natamo ang kapansin-pansing bunga. Sinabi ni Zhou na
"Ayon sa inisiyal na estadistika, noong 2009, nanatili ang tunguhin ng pagbaba ng bolyum ng pagbuga ng buong bansa ng sulfur dioxide o SO2 at Chemical Oxygen Demand o COD."
Ayon sa nakatakdang target ng pamahalaang Tsino, hanggang sa taong ito, ang kabuuang bolyum ng pagbuga ng SO2 at COD, 2 index ng mga pangunahing polutant ng Tsina ay bababa ng 10% kumpara noong 2005.
kasabay nito, inilahad pa ni Zhou ang mga kinakaharap na isyu at hamon ng Tsina sa pangangalaga sa kapaligiran. Sinabi niya na
"Kahit nagiging mabuti ang kalidad ng kapaligiran sa ilang bahagi ng Tsina, hindi nagbabago ang pangunahing tunguhin ng polusyon ng kapaligiran sa buong bansa. Kasunod ng pagiging malakas ng tunguhin ng pagbangon ng kabuhayan, magiging mas malakas ang presyur ng pagbabawas ng pagbuga ng mga polutant at lilitaw ang ilang pangmatagalang problema ng kapaligiran."
Kaugnay nito, binigyang-diin ni Zhou nang iplano ang gawain sa pangangalaga sa kapaligiran sa taong ito, na
"Dapat buong sikap na matamo namin ang mas malaking tagumpay sa pundasyon ng pagsasakatuparan ng target ng pagbabawas ng emisyon, lutasin ang mga malubhang isyu ng kapaligiran na nakakapinsala sa kalusugan ng mga mamamayan at malalim na pasulungin ang pagpigil at pagkontrol sa polusyon sa mga pangunahin purok ng bansa."
Ipinahayag ni Zhou na sa taong ito, pasusulungin ng mga departamento ng pangangalaga sa kapaligiran ng Tsina ang magkasanib na pagpigil at pagkontrol ng polusyon ng hangin sa mga purok ng Yangtze delta at Pearl river delta at isasagawa ang magkasanib na pagsusuperbisa sa kalidad na ito para maigarantiyang ang kalidad ng hangin ng Shanghai at Guangzhou ay aabot sa kahilingan sa panahon ng Shanghai World Expo at Guangzhou Asian Games.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |