|
||||||||
|
||
Sapul nang itatag ang bagong Tsina noong 1949, umuunlad nang malaki ang mga sining ng bayang Tsino at ang mga mahusay na katha ng folk drama at opusculum na nilikha ng mga apisyunadong sarili ng mga purok ng Tsina ay nagpapakita ng kakayahan nila sa pagkatha at palabas.
Sa mga folk opera ng Tsina, ang mga katha hinggil sa mga opisiyal sa nayon at bayan ay mainit na tinatanggap ng mga mamamayang lokal at ang "Imbestigasyon" ng Henan Opera ay isa sa mga ito. Sinariwa ni Wang Quanzhen, leading actress ng kathang ito, na
"Sinusugan namin ang kathang ito nang maraming beses para madaling maintindihan ang kuwentong ito ng mga manonood at naramdaman nila na ito'y malapit sa kanilang pamumuhay, kaya gustong gusto nila ang kathang ito. Kahit nahihirapan kami noong panahong iyon, ikinagagalak naming kinagigiliwan ang kathang ito ng mga manonood."
Sa katotohanan, simple ang kondisyon ng palabas ng yaong mga katha: walang espesyal na tanghalan, hindi kailangan ang ticket at kulang sa mga mabuting kagamitan, kaya ang susi ng tagumpay ng ganitong mga katha ay malapit ang nilalaman nito sa pamumuhay ng mga mamamayan, simple at tunay ang paglabas ng mga actors at maliwanag ang katangian ng mga papel ng kathang ito. Sa gayo'y tinanggap ng mga mahusay na ganitong katha ang mas malawak na pagtanggap ng mga manonood.
Si Fu Zengtang ay opisiyal ng kawanihan ng kultura ng Xinjiang ng Tsina at manunulat din ng katha ng drama ng bayan. Nilikha niya ang 4 o 5 obra bawat taon para sa palabas ng mga apisyunado sa nayon at bayan. Sinabi niya na ang nilalaman ng kanyang mga katha ay galing sa mga bagay na naganap sa paligid niya. Noong 2008, sinulat ni Fu ang isang katha na nagbibigay-pansin sa pagbabago ng pamumuhay ng mga pastol na lokal sa proseso ng pagsasadamo ng mga bukirin. Ang ganitong mga katha na may maliwanag na katangian ng panahon at kalagayan ng tunay na pamumuhay ay palagiang tinatanggap ng mga manonood. Sinabi ni Yu Jun, isang apisyunado ng Xinjiang, na sa Xijinang, marami ang ganitong katha na nagpapakita ng pamumuhay ng mga mamamayan. Sinabi niyang
"Sa purok ng mga pambansang minorya, marami ang kapistahan ng iba't ibang lahi na gaya ng mga Uygur, Mongolian. Kapag sa panahon ng kapistahan nila, itinatanghal namin ang mga palabas sa purok na pinaninirahan nila."
Kaugnay nito, sinabi ni Xia Yang, kilalang Direktor ng Tsina, na ang naturang mga mahusay na katha ay nagpapakita ng mayamang yaman ng mga folk opera ng Tsina at mahusay na paglabas ng mga apisyunado.
Bukod dito, ipinalalagay Li Qingcheng, kilalang playwright ng Tsina, na kumpara sa mga malaki at propesyonal na palabas, ang ganitong mga katha ng mga apisyunado ay malalim na nagpapakita ng mga detalye ng pamumuhay, mayaman ang nilalaman nito. Sinabi niya na
"Sa tingin ko, kahit maliit ang ganitong mga katha, mayaman ang nilalaman nito na mas malawak na nagpapakita ng pamumuhay ng mga mamamayan, lalo na ng ilang maliit na bagay sa pamumuhay na pambihirang nanood sa mga malaking katha."
Ipinalalagay pa ni Li na ang walang humpay na pagpapalakas ng pamahalaang Tsino ng pagkatig sa aktibidad na pangkultura ng mga mamamayan sa mga nayon at bayan nitong ilang taong nakalipas ay nagpapasulong ng mabilis na pag-unlad ng ganitong mga katha.
Ayon sa plano ng pamahalaang Tsino, hanggang sa katapusan ng taong ito, saligang maisasakatuparan ang target ng pagtatatag ng isang sentro ng aktibidad na pangkultura sa bawat bayan at sa panahong iyon, tiyak na magiging mas makulay ang pamumuhay na pangkultura ng mga mamamayang Tsino
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |