Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mayamang sining ng bayan ng Nanjing

(GMT+08:00) 2010-03-15 15:47:59       CRI

Ang Nanjing ay isa sa 4 na pinakakilalang sinaunang kabisera ng Tsina at ang mga matulaing purok nito na gaya ng Confucius temple at Qinhuai River ay dapat puntahan ng bawat turista sa Nanjing. Sa Spring Festival Season ng taong ito, idinaos ng Nanjing ang pestibal na pansining para magpakita ng mayamang sining ng bayan nito.

Ang pestibal na ito ay nakakaakit ng maraming turista na galing sa ibang mga purok ng Tsina. Sinabi ng isang turista na galing sa Jiangsu na sa pestibal na ito, naramdaman niya ang atmospera ng pamumuhay noong bata pa siya. Sinabi niya na

"Makapal ang atmospera sa pestibal na ito at parang akong bumalik sa panahon ng pagkabata ko. Halimbawa, nakita ko ang Longxu kendi, isang uri ng kandi na mabiling mabili noong bata pa ako at pambihirang nakita ngayon."

Ang taong ito ay taon ng tiger sa lunar calendar ng Tsina, kaya ang mga handicraft hinggil sa tiger ay mainit na tinatanggap sa pestibal na ito. Bukod dito, ang mga nililok na kahoy ay winelkam din sa pestibal na ito. Inilahad ni Wang Xueyou, isang manlililok, na ang nililok na kahoy ay isa sa mga pinakakilalang handicraft sa mga sining ng bayan ng Nanjing. Sinabi pa niya na upang salubungin ang Beijing Olympic Games, nililok niya sa isang walnut ang isang larawan na kinabibilangan ng 5 Fuwa, 2 drummer, 35 event ng Olimpiyada at 8 bintana. Sinabi niya na

"Sa tingin ko, dapat lilukin ko ang mga mahusay na obra para lubos na magpakita ng tradisyonal na kulturang Tsino."

Upang matutuhan ang paglililok, gumawa si Wang ng maraming pagsisikap at sinabi niyang kahit mahirap noong panahong iyon, ikinagagalak niya ang pagpapahalaga ng pamahalaan sa sining ng paglilok sa kasalukuyan. Sinabi niya na

"Pinahahalagahan ng pamahalaan ang sining na ito at laging itinataguyod ang mga aktibidad para ipakita ang aming mga katha sa mga naninirahan upang ibayo pang palaganapin ang mga sinaunang sining sa publiko. Bukod dito, nagbibigay ang pamahalaan ng tulong sa pagbebenta ng aming mga katha, kaya mabiling mabili ang aming mga katha."

Kasabay ng mga katutubong artista ng Nanjing, lumahok sa pestibal na ito ang mga artista na galing sa ibang mga purok ng Tsina. Sinabi ni Chen Yao na

"Dumating dito ako noong alas-8 ng umaga, dahil ang pestibal na ito ay naging isang kilalang tatak ng Nanjing at parami nang paraming tao ay mahirati sa pagbista sa pestibal na ito sa Spring Festival Season."

Si Chen Yao ay isang National Arts and Crafts master sa paper-cut at isang aktibista sa pagpapalaganap ng arteng ito. Sinabi niya na

"Ang mga paper-cut ay maaaring lumikha ng nakasisiyang atmospera. Noong unang panahon, ginamit ito lamang ng mga mamamayan sa masasayang aksyon tulad ng Spring Festival. Sa tingin ko, ito rin ang maaaring gamitin bilang palamuti sa bahay at ang ginawaga ko ay naglalayong palaganapin ang paper-cut sa publiko."

Upang ibayo pang mapalaganap ang paper-cut, nagtuturo si Chen ng teknolohiya ng paggawa ng paper cut sa mga tao. Sinabi niya na

"Kasunod ng aming walang puknat na pagsisikap, mas maraming artisano ang lumahok sa hanay ng paper-cutting. Sa kasalukuyan, ang paper cut ay nagiging isang uri ng regalo na iniaalay ng mga tao sa isa't isa sa kapistahan sa halip ng alak at sigarilyo, dahil ang paper cut ay nagpapahiwatig ng kaligayahan at magandang kapalaran."

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>