Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, nangangalaga sa intangible cultural heritage ng mga pambansang minorya

(GMT+08:00) 2010-03-30 17:22:14       CRI

Sa Tsina, ang konsepto at nilalaman ng intangible cultural heritage ay nagsimulang malaman ng mga mamamayan nitong ilang taong nakalipas. Sapul noong 2006, isinasagawa ng mga pamahalaang Tsino sa iba't ibang antas ang plano ng pangangalaga, pagpapatuloy at pagpapalaganap ng mga intangible cultural heritage na kinabibilangan ng pagbabalangkas ng mga may kinalamang tadhana, pagkakaloob ng tulong na pondo sa mga may kinalamang alagad ng sining at pagsasanay ng mga bagong talento.

Halimbawa, mula noong katapusan ng nagdaang Pebrero hanggang katapusan ng buwang ito, idinaos sa Beijing ang isang malaking aktibidad para ipakita ang mayaman at natatanging intangible cultural heritage ng mga pambansang minoriya na gaya ng musika, sayaw at pamumuhay. Sinabi ni Zhang Qingshan, pangalawang Direktor ng Intangible Cultural Heritage Protection Center ng Tsina, na sa aktibidad na ito, ang mga kalahok na artista ay nagpakita ng katutubong sining. Sinabi niya na

"Mayaman at makulay ang palabas nila. Sa aktibidad na ito, itinanghal ang mga katutubong sining ng halos lahat ng mga pambansang minorya ng Tsina. Ang aktibidad na ito ay hindi lamang nagpapalaganap ng mga katutubong sining ng pambansang minorya, kundi nagpapasigla rin sa mga artista ng pambansang minorya sa lokalidad."

Sinabi ni Jin Chunming, artista sa sayaw at awitin ng pagsasaka ng nasyonalidad na koreano ng Tsina, na nitong ilang taong nakalipas, ang palabas nila sa iba't ibang purok ng Tsina ay isa sa mga paraan ng pagpapalaganap ng sining na ito at sa kasalukuyan, nagbibigay ang pamahalaang lokal ng mahigit 700 libong yuan RMB para mapasigla ang kanilang pagtatanghal at pagkatha ng mga bagong programa ng katutubong sining.

Sa tingin ni Jin, ang pagsasanay ng mga bagong talento sa sining na ito at paghihikayat ng mas marami pang batang prospective artists ay susi ng pagpapatuloy ng sining na ito sa hene-henerasyon. Sinabi niya na

"Sa ilalim ng pagtataguyod ng pamahalaan, naitatag namin ang sentro ng pagsasanay noong 2009. Hanggang sa kasalukuyan, halos 500 estudyante ng mababa't mataas na paaralan ang natututo ng sining sa aming sentro."

Bukod dito, ang mga bata mula sa pambansang minorya ay buong sikap na nag-aaral at nagpapalaganap ng sining ng kanilang lahi. Para sa kanila, nagbibigay sila ng mas maraming pansin sa pagpapalaganap ng kanilang katutubong sining sa mga bata na nakatira sa lunsod. Si Narisu ay isang batang Mongolian artist, sinabi niya na

"Nag-iwan ang mga ninuno namin ng mahalagang pamanang pangkultura. Kaya gusto naming mauawaan at matanggap ng mas maraming tao ang aming katutubong sining."

Sinabi ni Zhang Qingshan na pagkaraan ng 4 na taong pagsisikap, mas malalim ang pagkaalam ng mga mamamayang Tsino sa mga intangible cultural heritage at napalakas ang pangangalaga ng pamahalaan sa mga ito, lalo na sa mga pambansang minorya. sinabi niya na

"Sa pamamagitan ng aktibidad na ito sa Beijing, nakikitang palagiang pinahahalagahan ng bansa ang pangangalaga sa kultura ng mga pambansang minorya at mga intangible cultural heritage nila."

Sa kasalukuyan, nakapagpalabas na ang Tsina ng 1028 pambansang proyekto ng intangible cultural heritage na kinabibilangan ng lahat ng mga pambansang minorya at nakabalangkas na ang mga pamahalaan sa iba't ibang antas ng may kinalamang plano ng pangangalaga. Sa gayo'y maayos na maisasalin ang mga sining ng iba't ibang lahi ng Tsina.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>