|
||||||||
|
||
Ang taong ito ay nagsisilbing taon ng tiger sa lunar calendar ng Tsina. Sa kulturang Tsino, ang tiger ay sumisimbolo sa kaligtasan, kagitingan at katarungan, kaya gustong gusto ang mga ito ng mga mamamayang Tsino. Sa gayo'y mabiling mabili ang mga paninda hinggil sa tiger sa panahon ng Spring Festival ng taong ito.
Sa Spring Festival, ang mga pulang damit na gaya ng sinturon, kasuutang panloob at medyas ay mainit na tinatanggap ng mga mamamayang Tsino, dahil sa tradisyonal na kaugaliang Tsino, ang kulay-pula ay palatandaan ng suwerte at kakayahan at ang ganitong pulang damit ay nagpapahiwatig ng kalusugan at kaligtasan ng ari-arian ng mga tao sa buong taon, halimbawa, sinusuutan ng mga magulang ng mga damit na may desenyo ng tiger ang kailang sanggol na umaasang ligtas at malusog na lalaki sila.
Sa Spring Festival ng taong ito, ang isang espesyal na katangian na iba sa noong dati ay may isang kaibig-ibig na desenyo ng tiger sa naturang mga pulang damit. Sa mga shopping mall ng Beijing, mabiling mabili ang mga pulang kasuutang panloob na may desenyo ng tiger. Si Binibining Lin ay isinilang sa taon ng tiger at espesyal na bumili siya ng isang pulang kamison na may desenyo ng tiger. Sinabi niya na
"Ang taong ito ay unang taon ng tiger pagkapos ng pagkahanap-buhay ko at ang dahilan ng pagbili ko ng kamisong ito ay umaasang magiging masuwerte ako sa trabaho sa taong ito."
Bukod sa mga shopping mall, sa mga super market rin, mabiling mabili ang mga pulang kasuutang panloob na may desenyo ng tiger. Sa kasalukuyan, gusto ng parami nang paraming tao na nagsuot ng pulang damit sa panahon ng Spring Festival para maging malusog at masuwerte sa trabaho sa baong taon.
Bukod dito, mabiling mabili ang tradisyonal na handicraft ng tiger na yari ng tela sa mga purok ng Tsina. Halimbawa sa Weifang ng lalawigang Shandong at Changzhi ng lalawigang Shanxi, niyari ang mahigit 100 ganitong handicraft ng tiger bawat araw at may ilampung uri ang mga ito.
Sa kasalukuyan, gusto ng mga batang Tsino na bumili sa pamamagitan ng internet, kaya masigla ang on-line bussiness ng mga tindahan na nagbebenta ng mga tradisyonal na handicraft na gaya ng tigreng tela at mabiling mabili sa internet ang mga paninda na may elemento ng tiger.
Kasabay nito, bumili ang mga tao ng ilang mahal na palamuti ng ginto at pilak para ikolekta at gamitin bilang regalo sa mga kamag-anakan at matalik na kaibigan. Inilahad ni Yang Na, tauhan ng Caishikou Department Store ng Beijing, na
"Gustong gusto ng mga mamimili ang aming mga produkto ng ginto at pilak bilang pagdiriwang sa kapistahan, dahil ang kultura ng pagdiriwang sa kapistahan ay isang mahalagang bahagi ng kulturang Tsino. Kapag nagbebenta kami ng ganitong mga produkto, marami ang mamimili."
Upang ipagdiwang ang Spring Festival ng taon ng tiger, espesyal na nagpalabas ang Mercedes-Benz Corporation ang isang bagong kotse na ang katawan ay pininturahan parang sa balahibong-guhitan ng tiger. Sinabi ni Wang Yan, kawani ng Benz sa Tsina na namamahala sa promotion, na
"Ang araw ng Spring Festival ng taong ito ay ika-14 ng Pebrero at ito naman ang Araw ng Puso, kaya nais naming sa pamamagitan ng yaong kotse, nagpapahayag aming pagmamahal sa kapwa. Umaasa rin kaming sa pamamagitan ng ganitong kotse, ibayo pang magpapakita ng kultura ng tiger ng Tsina, dahil ang bigkas ng pangungusap "I Love You" ay parang bigkas ng pangungusap "Ai Lao Hu You" sa wikang Tsino, ibig sabihin "I Love Tiger"."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |