|
||||||||
|
||
Sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas, dumarami nang dumarami ang mga estudyanteng Tsino sa ibayong dagat. Noong 2009, ang bilang ng ganitong estudyante ay umabot sa halos 230 libo na lumaki ng halos 30% kumpara sa 2008. Sa naturang mga estudyante, ang mga estudyante ng middle school at high school ay unti-unting nagiging malaking bahagi.
Si Ma Zhiwei ay isang estudyante sa grade 1 ng high school ng Beijing. Sinabi niya na
"Balak akong mag-aral sa kolehiyo sa ibayong dagat, dahil malakas ang presyur sa loob ng bansa at mas komprehensibo ang edukasyon sa mga maunlad na bansa. Gusto kong mag-aral sa kolehiyo sa mga bansa na gaya ng Estados Unidos, Canada at Singapore."
Si Wang Xue ay isang estudyante sa grade 2 ng high school ng Beijing. Ipinasiya niya na mag-aaral sa kolehiyo sa ibayong dagat. Sinabi niya na
"Para sa mga estudyanteng Tsino, napakalakas ng presyur sa pambansang eksam para makapasok sa mga kolehiyo't pamantasan. Kaya gusto kong mag-aral sa dayuhang kolehiyo para mapalawak ang aking pananaw sa daigdig."
Ang presyur sa pambansang eksam ay isa sa mga dahilan ng pagpili ng mga estudyante ng mga middle school at high school sa pag-aaral sa ibayong dagat. Kasunod ng pag-unlad ng Tsina, pinahahalagahan ng parami nang paraming magulang ang edukasyon sa kanilang mga bata at para sa kanila, ang pag-aaral sa ibayong dagat ay naglalayong, hindi lamang matamo ang akademikong digri ng mga bata, kundi mapalawak ang kanilang pananaw sa daigdig at mapalakas ang kakayahang kompetetibo. Sinabi ng isang magulang ng estudyante, na
"Sa tingin ko, ang pandaigdig na pananaw at debirsipikadong kakayahan ay kahilingan ng modernong lipunan. Sa Tsina, mahusay ang puntamental na edukasyon at sa ibayong dagat, maaaring matutuhan ng aking anak ang mga bago at mas sulong na nilalaman."
Kaugnay nito, ipinalalagay ni Shi Nan, tagapayo sa pag-aaral sa ibayong dagat ng isang kompanya ng edukasyon sa Beijing, na
"Noong unang panahon, pinili ng mga tao ang pag-aaral sa ibayong dagat kung babalak silang ibayo pang patataasin ang kakayahan. Datapuwa't, nagbago na ang kalagayang ito, ipinalalagay ng mga tao na mas maaga ay mas mabuti para sa mga estudyante na mag-aral sa ibayong dagat sa panahon ng middle at high school."
Datapuwa't para sa naturang mga estudyante ng middle school at high school na pumili ng pag-aaral sa ibayong dagat, dapat mapigilan nila ang mga nakatagong panganib. Sinabi ni Tian Wang, tagapayo sa pag-aaral sa ibayong dagat ng isa pang kompanya ng Beijing, na
"Sa madaling sabi, dapat isaalang-alang ng mga magulang ang mga elemento na gaya ng kaligtasan ng kapaligiran ng pag-aaral at kakayahan ng kanilang anak sa nagsasariling paghawak sa mga bagay."
Ayon sa estadistika ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina, noong 2009, bumalik sa bansa ang halos 110 libong estudyante na lumaki ng halos 60% kumpara sa2008 at sa mga ito, halos 80% estudyante ay sariling bahala sa kanilang gastos sa pag-aaral. Datapuwa't ang kalagayan ng pagkahanap-buhay nila ay hindi nakakatugon sa kanilang inaasahan. Kaugnay nito, ipinalalagay ni Shi Nan na dapat gumawa ang mga estudyante na pumili sa pag-aaral sa ibayong dagat ng lubos na paghanda para sa kanilang kinabukasan sa aspekto ng paghahanap-buhay at iba pa at ito'y makakabuti sa kanilang karera sa hinaharap.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |