Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, binawasan ang pasanin ng mga mamamayan sa gamot

(GMT+08:00) 2010-04-14 19:51:52       CRI

Ang pagsasagawa ng pambansang sistema ng mga saligang gamot ay isa sa mga pangunahing gawain sa pagpapalalim ng Tsina ng reporma sa sistemang madikal at pangkalusugan at ito rin may mahalagang katuturan sa pagsasakatuparan ng pagtatamasa ng lahat ng saligang serbisyong pangkalusugan at pagpapakita ng pagkakapantay-pantay ng lipunan. Sa isang news briefing ng Ministri ng Kalusugan ng Tsina noong nagdaang Pebrero, ipinahayag ng may kinalamang namamahalang tauhan, na sa kasalukuyan, maalwan ang progreso ng pagsasagawa ng pambansang sistema ng mga saligang gamot at sa mga purok na pinaiiral ang nasabing sistema, kapansin-pansing binawasan ang pasanin ng mga mamamayan sa gamot at sa hinaharap, isasagawa ng Tsina ang mga hakbangin para komprehensibo at sustenableng isagawa ang nasabing sistema.

Ang konsepto ng mga saligang gamot ay iniharap ng World Health Organization noong ika-7 dekada ng nagdaang siglo, at sa Tsina, ang mga saligang gamot ay mga gamot na angkop sa kahilingan ng saligang kalusugan at medisina, may makatwirang presyo at sapat sa pagsuplay sa lahat ng mga mamamayang Tsino.

Noong Agosto ng 2009, magkakasanib na isinapubliko ng Ministri ng Kalusugan at ibang mga departamento ng Tsina ang plano ng pagtatatag ng pambansang sistema ng mga saligang gamot para opisiyal na simulan ang gawain para sa konstruksyon ng sisitemang ito. Ipinahayag ni Zheng Hong, mataas na opisiyal ng departamentong ito, na

"Sa kasalukuyan, maalwan ang progreso ng gawaing ito. Hanggang noong katapusan ng nagdaang buwan, isinagawa na ang sistemang ito sa mga institusyon ng kalusugan na sa ilalim estado sa 28 lalawigan ng Tsina at ang bilang ng naturang mga organisasyon ay umabot sa 18 libo."

Ayon sa plano, sa mga purok na isinasagawa ang sistemang ito, ang pagbebenta ng mga saligang gamot ng mga institusyon ng kalukugan sa mga nakabababang yunit ng Tsina ay hindi naglalayong tumubo, alalaong baga'y ang presyo ng mga saligang gamot ay kinabibilangan lamang ng kapital ng pagpoprodyus ng mga gamot na ito at gastos sa paghatid ng mga ito. Sinabi ni Zheng Hong na ito'y aktuwal na nagbabawas ng pasanin ng mga mamamayan sa gamot. Sinabi niya na

"Sa Wulingyuan ng lalawigang Hunan, pagkatapos ng pagsasagawa ng sistemang ito, ang presyo ng mga gamot ay bumaba ng mahigit 50%, sa 37 purok ng lalawigang Jiangsu na isinasagawa ang sistemang ito, binawasan ang mahigit 40% gastusin ng mga mamamayan sa gamot."

Sa kasalukuyan, ang sistemang ito ay isinasagawa lamang sa mga mayamang purok ng Tsina at dahil walang tubo ang pagbebenta ng mga saligang gamut, magaganap ang mga kahirapan kung patuloy na isasagawa ang sistemang ito sa mga mahihirap na purok ng Tsina sa hinaharap. Ayon sa nasabing plano, hanggang sa 2020, komprehensibong isasagawa ng Tsina ang sistemang ito sa lahat ng mga lunsod at nayon. Kaugnay nito, ipinahayag ni Zheng Hong na sa hinaharap, isasapubliko ng kanyang bansa ang mas maraming may kinalamang hakbangin para matamo ang inaasahang target. Sinabi niya na

"Noong unang panahon, ang tubo sa pagbebenta ng mga gamot ay pinaggagalingan ng pangunahin kita ng mga institusyon ng kalusugan sa mga nakakababang yunit ng Tsina at kung babaguhin ang kalagayang ito at isasagawa ang sistema ng mga saligang gamot, tiyak naming isasagawa ang mga may kinalamang hakbangin para maigarantiya ang pagkita ng mga tauhan ng naturang mga institusyon at mapataas ang episiyensiya ng gawain ng naturang mga tao."

Ayon sa salaysay, maitatatag ng Tsina ang pangmatagalang sistema ng subsidy na piskal para maigarantiya ang komprehensibo at sustenableng pagpapasulong ng sistema ng mga saligang gamot.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>