Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-14 2010

(GMT+08:00) 2010-04-20 19:04:58       CRI

Magandang magandang gabi po, mga giliw na takasubaybay. Mukhang umaasa pa rin ang mga Tsino na darating ang spring sa lalong madaling panahon. Nasalanta na ang Philippines ng unbearable heat wave. Ayon sa ulat kahapon ng pahayagang Siongpo ng Pilipinas, nitong ilang araw na nakalipas, umabot sa mahigit 36 na degrees centigrade ang pinakamataas na temperatura sa Manila at may ilang namatay dahil sa matinding init.

Kung regular kayong nakikinig sa aming mga programa, siguraadong alam ninyo na may naganap na malakas na lindol dito sa Tsina, sa Lalawigan ng Qinghai sa dakong kanluran ng bansa. Hanggang alas-10 kaninang umaga, umabot sa 1484 ang bilang ng mga nasawi, 312 tao ang hindi pa nakikita at 12088 iba pa ang nasugatan na kinabibilangan ng 1394 na grabe ang tinamong sugat.

Kasabay nito, sa Europa, dahil sa makapal na makapal na abo na dulot ng pagsabog ng bulkan sa Iceland, mahigit 10 libong eroplano ang kinansela o ipinagpaliban. Kung idadagdag pa natin diyan ang naunang Polish plane crash at suicide bombing sa Rusya, I can't help asking : What's happening on earth? Is 2012 really the end of world? Biglang naisip ko tuloy iyong tanong na napakapopular sa mga BBS: kung may 1 oras na lamang na nalalabi sa inyong buhay, anong gagawin ninyo? Para sa akin, babalik ako sa aking bahay, kiss all my dearest ones and tell them, how much I love them.

Ok, so much sorrow, tiyak na magiging mas maganda ang future natin kung alam natin kung paanong pahalagahan ang kapamilyahan, kaibigan at kapaligiran.

These days, dahil sa espesyal na programa hinggil sa Shanghai World Expo, maikli lang ang oras ng ating Pop China, kaya, kung gusto ninyong marinig nang buung buo ang edisyon na ito ng Pop China, bisitahin ninyo ang aming website—filipino.cri.cn—at espesyal na pahinang Pop China Mtime. Anyway, magsisikap si Sissi para mahatdan kayo ng exciting na programa kahit limitado lang ang oras ng programa. Ang limang kanta na ini-recommend ni Sissi noong isang linggo ay "For Loving You," na mula sa supergirls group S.H.E., "Brave to Love", advertising song ng Cornetto, na inawit ng poging si Ethan at magandang si Nikki, "Back to Back Hug" ni Mr Little Dimple-JJ Lin, "Sweet Dream" theme song ng ika-50 anibersaryo ng pagsisilang ni "Barbie" na kinanta ni Coco Lee at "Green,"isang environment friendly song na inawit at kinatha ni Chen Chuseng.

Ika-3, "For loving you" na inihahatid ng Supergirls group-S.H.E. Sabi ni clarissa: \"FOR LOVING YOU\" BY SHE. we tend to lose ourselves for loving someone. that's how life is!

Ika-2, "Brave to love", commercial jingle ng cornetto na binigyan ng interpretation ng poging si Ethan at magandang si Nikki. Sabi ni ma. Christina: brave to love gusto ko. pero honestly, i am not that brave to do so. nobody can blame me.

Ang winner is… "Green," environment friendly song na kinanta at kinatha ni Chen Chusheng. Mas maraming taong nagbibigay-pansin sa pangangalaga sa kapaligiran, kasi, siyempre, marami din naman ang mainit na tumanggap kayChen Chusheng at sa kanyang bagong kantang "Green". Sabi ni Martha: maganda iyang green na kanta para sa green and clean living. kailangan natin ngayun niyan. Sabi naman ni Luz: Ilike the song Green. That's the nickname of my best friend and that's my fav color. but i dont have a green mind.-, hihihi.

 

Binuwag na ang S.H.E. hahaha, biro lang. pero, nitong ilang araw na nakalipas, sa internet, lumitaw ang isang kantang "say goodbye to moon" na kinanta ni Ella, tama, iyong pinaka-boyish pero, pinakapopular na Ella sa S.H.E. Puno-puno ng sweetness ang kanta. Nag-guess ang mga tagahanga ni Ella na ang kantang ito ay kinatha niya para sa kanyang boyfriend. It' s hard to imagine na hindi siya nag-aral ng anumang music instrument pero nakakagawa siya ng ganito kagandang kanta. Ok, tumahimik muna tayo at mag-enjoy ng sweet love ngayong gabi.

Kung hindi siya si Jaycee Chan na anak ni Jacky Chan, siguro mas masaya siya.. Pero, dahil may isang super super star na tatay, isinasabalikat ni Jaycee ang napakabigat na presyur kumpara sa iba pang batang lalaki. Pero, kung tatanungin kung sino ang kanyang idol, mas gusto niya ang kanyang nanay, dahil kahit isa ring super star, para mapag-ukulan ng sapat na panahon ang kanyang pamilya, pinili ng kanyang nanay na umurong mula sa sirkulo ng entertainment at nitong 20 taong nakalipas, kahit may naganap na malaking pagbabago sa pamilya, hindi siya tumatanggap ng anumang interview. Matahimik na nagbibigay na lamang ng moral support kay Jacky Chan at pamilya. To be frank, hindi pa talagang maganda kumanta si Jaycee, pero, katangi-tangi ang musical arrangement ng kanyang bagong kantang "As if nothing has happened". Simpleng guitar intro na sinundan ng cello at violin. I like it!

Ok, kasunod ng kantang "as if nothing had happened", malinaw na ang limang kantang inirecommend ni Sissi for this week. "For Loving You" na inibigay ng supergirls group S.H.E., "Brave to Love", advertising song ng Cornetto, na ibinigay ng poging si Ethan, at magandang si Nikki. "Green" na kinanta at kinatha ni Chen Chusheng, isang environment friendly song. "Say Goodbye to moon", matamis na kantang kinanta at kinatha ni Ella at "As if nothing has happened" na ibinigay ni Jaycee Chan. Magteks sa 09212572397 o mag-iwan ng inyong love message sa aming website Filipino.cri.cn.

Maraming request these days, pero, dahil limitado ang oras natin tuwing linggo, konting pasensiya lang. Patutugtugin ko ang inyong request one by one.

Unang request galing kay Jerome/JROM/: patugtog ka naman ng kanta ni Leone/LEEO/. mahusay iyon. Matagal nang hindi nagpa-publisize ng bagong album si Leone, kaya, iyong classical song niya na "Will you come tonight" ang pinili ko. Will you listen to me tonight? Will you love me tonight?

Sabi ni carl di/Ye/z: isang bagsak naman jan mula kay pang long. i dont remember D title of his songs but i do remember his voice very well. Um…kung mababanggit si Pang Long, tiyak na papasok sa isip ang kanyang pinakapopular na kantang "you are my roses". Wish you have a rosy dream. Rosy week.

Ok, let Pang Long's "You are my roses" be an happy ending to our Pop China this week. Wish you happy and sound life sa bagong linggo. Kita kita tayo. Bye~

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>