![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Ang Shanghai Cooperation Organization o SCO ay itinatag noong 2001, at ito'y binubuo ng 6 na bansa na kinabibilangan ng Tsina, Rusya, Kazakhstan, Tajikistan, Kyrgyzstan at Uzbekistan. Nitong ilang taong nakalipas, mabunga ang pagpapalitang pangkultura sa pagitan ng mga kasaping bansa. Noong Agosto ng 2007, nilagdaan ang kasunduan ng kooperasyong pangkultura sa pagitan ng pamahalaan ng mga kasaping bansa ng SCO na inilatag ang pundasyong pambatas para sa kooperasyong pangkultura sa loob ng balangkas at noong Hunyo ng 2008, pinagtibay ng mga kasaping bansa ang plano hinggil sa kooperasyong pangkultura mula 2009 hanggang 2011. Kaugnay nito, sinabi ni Yan Jianwu, opisiyal ng Ministri ng Kultura ng Tsina, na
"Madalas ang multilateral na aktibidad na pangkultura na idinaos ng mga kasaping bansa ng SCO bawat taon. Para sa Tsina, noong 2008, nianyayahan ang mga kasaping bansa ng SCO para magkakasamang idaos ang maringal na konsiyerto bilang pagdiriwang sa Beijing Olympic Games. Noong 2009, nianyayahan din namin ang mga kasaping bansa ng SCO para itanghal ang kanilang mga sining ng bayan sa Nanning at ang mga palabas nila ay mainit na tinanggap ng mga manonood."
Kaugnay nito, ipinalalagay ni Mirzoshohruh Asrori, Ministro ng Kultura ng Tajikistan, na ang usaping pangkultura ay mahalagang larangang pangkooperasyon sa pagitan ng mga kasaping bansa ng SCO sa hinaharap at nangangailangan ito ng komong pagsisikap. Sinabi niya na
"Ang pag-unlad ng usaping pangkultura ay nagkakaloob ng isang bagong plataporma para sa aming kooperasyon at nagpapasulong ng relasyon ng aming mga kasaping bansa sa bagong antas. Ipinalalagay ko na parehong mahalaga ang pag-unlad ng industriyang pangkultura at ang pangangalaga sa mga kaugalian ng kani-kanilang bansa. Dahil nagkakaiba ang kalagayan ng pag-unlad ng industriyang pangkultura ng mga kasaping bansa, dapat pag-aralan ang kanilang karanasan."
Katulad ng sinabi ni Asrori, ang pag-aaral sa isa't isa ay naging komong palagay ng mga ministro ng kultura ng SCO. Ipinalalagay ni Bahtier Saifullaev, unang pangalawang Ministro ng Kultura ng Uzbekistan, na
"Ang industriya ng kultura ay sumasaklaw sa buong larangan ng kultura at sining at para sa aming bansa, ang kooperasyon sa industriyang ito ay bagong-sibol na bagay at saka ipauna namin ang paghubog ng mga dalubhasa sa industriyang ito."
Sa katotohanan, isinagawa na ang ilang proyekto ng substansyal na kooperasyon ng Tsina at Rusya sa industriya ng kultura. Halimbawa, madalas ang palabas ng mga artista at grupong pansinig ng dalawang bansa sa kani-kanilang bansa na nakakantig ng maraming manonood ng dalawang bansa. Kaugnay nito, ipinahayag ni Alexander Golutva, pangalawang Ministro ng Kultura ng Rusya, na positibo ang kooperasyon ng dalawang bansa sa larangang pangkultura. Sinabi niya na
"Isinagawa na ng dalawang bansa ang pagpapalitan sa pagitan ng mga dalubhasa, itinatatag ng mga organisasyong pangkultura ng dalawang bansa ang direktang ugnayan at malaki ang nakatagong lakas ng kooperasyon ng dalawang bansa sa industriya ng kultura. Halimbawa, magtutulungan kami ng paggawa ng pelikula."
Sa kasalukuyan, isinapubliko ng pamahalaang Tsino ang mga patakaran sa pagbibigay-tulong sa industriya ng kultura at palalakasin ang tulong sa pondo, paghubog ng mga talento at pandaigdig na kooperayon. Sinabi pa ni Cai Wu, Ministro ng Kultura ng Tsina, na sa 2010, idaraos ng mga kasaping bansa ng SCO ang mga porum at pagtatanghal para isagawa ang mga aktuwal na kooperasyon sa industriya ng kultura.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |