Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Miss World at Tsina

(GMT+08:00) 2010-04-26 21:25:49       CRI

Si Maria ay isang miss world na galing sa Sierra Leone at nakatira siya sa Tsina nang mahigit 6 na taon. Nauna rito, alam niya lamang na ang Tsina ay bansang may matandang sibilisasiyon. Sa kasalukuyan, sinabi niya na ang Tsina ay kanyang ika-2 lupang-tinubuan. Kaugnay nito, Sinariwa niya ang tagpo ng kanyang kauna-unahang biyahe sa Tsina, sinabi niya na

"Noong 2004, sa kauna-unahang pagkakataon, pumuta ako sa Tsina para lumahok sa pandaigdig na pestibal ng saranggola sa lalawigang Shandong. Pakatapos ng pestibal na ito, pumunta naman ako sa Shenzhen at sa tren na kinasasakyan ko papunta sa Shenzhen, nagkaroon ako ng konting karamdaman. Sa kabutihang-palad, nakakita ako ng isang mabait na ate Tsino, inaasikaso niya ako at sinagot niya sa gastos ko sa gamot. Ang bagay na ito ay nag-iwan sa akin ng malalim na impresyon. Kaya sinabi ko sa aking nanay na napagpasiyahan kong tumira sa Tsina."

Ang kapasiyahan ni Maria ay kinatigan ng kanyang nanay. Kasi katulad ng ibang mga mamamayan ng Sierra Leone, gusto nila ang mga pelikula ng Tsina, Chinese kungfu at Beijing Opera.

Sapul nang bumalik si Maria sa Sierra Leone noong 2004, nagsimula siyang mag-aral ng wikang Tsino at laging nakikipagpalitan sa mga Tsino sa lokalidad. Sinabi niya na

"Sa katotohanan, maraming Tsinoy sa aking bansa, tumutulong sila sa pagtatayo ng pambansang palaestra at iba pang mga arkitektura sa aking bansa. Pagkatapos ng pag-aaral ko ng wikang Tsino, lagi akong nakikipag-usap sa kanila at hospitable sila."

Sa kasalukuyan, si Maria ay hindi lamang mahusay sa wikang Tsino, kundi unti-unting nakikisalamuha sa lipunang Tsino. Noong ika-12 ng Mayo ng 2008, naganap ang grabeng lindol sa Wenchuan ng Sichuan ng Tsina at parehong namimighati si Maria at ang bawat mamamayang Tsino. Noong unang araw pagkatapos ng lindol, siya mismo ang may dalang mga gamot para lumahok sa gawaing panaklolo sa Wenchuan. Sinabi niya na

"Noong araw ring iyon, dumalaw sa Tsina ang awasa ng pangulo ng aming bansa. Gayuman, hindi na ako lumahok sa seremonyang panalubong at pumunta na lang ako sa Sichuan. Sa tingin ko, higit na mahalaga ang gawaing panaklolo sa Wenchuan."

Sa pamamagitan ng paglahok sa gawaing panaklolo sa Wenchuan, nakakaantig si Maria sa maraming Tsino at kasabay nito, kinilala din siya ng mas maraming tao. Sinabi niya na

"Sa Wenchuan, maraming nakakilala sa aking Tsino na hindi ko naman kakilala. Noong panahong iyon, tinanong ako ng mga tao kung bakit ako pumunta roon, ang sagot ko: Tsino rin naman ako."

Sa miss world competition na idinaos sa Timog Aprika sa taong ito, ginawaran siya ng 2 gantimpala, sinabi niya na

"Ang dahilan ng pagtanggap ko ng gantimpala ay gumamit ako ng mga elementong Tsino sa paligsahan at ang Tsina ay aking ika-2 lupang-tinubuan."

Sa proseso ng kompetisyong ito, pinag-sama ni Maria ang tradisyonal na sining ng Tsina at Aprika para ipakita ang kanyang kahusayan. Sinabi niya na ang isang mahalagang dahilan niya sa paglahok sa kompetisyong ito ay nagpapakita ng tradisyonal na kulturang Tsino sa buong daigdig at sa pamamagitan ng platapormang ito, nais niyang magbigay ng kanyang sariling lakas sa pagpapasulong ng pagpapalitan ng mga tradisyonal na kultura ng Tsina at Aprika.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>