|
||||||||
|
||
Ang ika-15 ng Marso ng taong ito ay ika-27 World Consumer Rights Day o WCRD at itinakda ng Consumers' Association ng Tsina o CCA na ang tema ng WCRD sa Tsina sa taong ito ay konsumo at serbisyo. Sa kasalukuyan, ang pamahalaang Tsino ay nagsasagawa ng mga hakbangin para mapasulong ang pagtaas ng kalidad at matiyak angkaligtasan ng mga produkto sa bansa. Kasabay nito, sususugan din ng departamentong lehislatibo ng Tsina ang Consumer Rights and Interests Law para hipit pang maigarantiya ang karapatan at kapakanan ng mga mamimili sa aspekto ng batas.
Ayon sa estadistika, noong 2009, ang bilang ng mga kaso na may kinalaman sa reklamo ng mga mamimili sa pagkaing pangkalusugan, camera, video, home theater, serbisyo ng pagbebenta, transportasyon, abiyasyon at internet ay lumaki nang malaki sa mga kaso ng reklamo ng mga mamimili sa larangan ng paninda at serbisyo. Kasabay nito, para sa mga mamamayang Tsino, ang kaligtasan ng mga pagkain, kotse at kalidad ng bahay ay naging mga isyu ng kalidad na labis nilang ikinababahala at lubos na pinagtutuunan ng pansin.
Sapul noong katapusan ng buwang ito, sinimulang isagawa ng General Administration of Quality Supervision, Inspection and Quarantine ng Tsina ang aktibidad ng pagsusuri sa kalidad ng mga produkto sa buong bansa. Bukod dito, aanyayahan din ng nasabing departamento ang mga kinatawan ng mamimili at mamamahayag para sumama sa aktibidad na ito. Sinabi ni Li Yuanping, tagapagsalita ng nasabing departemento, na
"Sa taong ito, ang aktibidad na ito ay magbibigay ng pansin, pangunahin na, sa mga pagkain. Sa bawat aktibidad, mag-aanyaya kami ng mga kinatawan para magkakasamang maisagawa ang pagsusuri upang ibayo pang mapasulong ang pagsasakatuparan ng mga bahay-kalakal ng pangunahing responsibilidad sa kaligtasan at kalidad ng mga produkto at makalikha ng magandang kapaligiran ng magkakasamang paglahok ng buong lipunan sa pagsusuperbisa sa kalidad ng mga produkto."
Ipinalalagay ni Wu Gaohan, pangalawang pangkalahatang kalihim ng CCA, na bukod sa matinding hakbangin ng pagpaparusa, dapat ding pabutihin ng kanyang bansa ang may kinalamang sistemang pambatas sa pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng mga mamimili para mapasulong ang maayos at malusog na pag-unlad ng pamilihan ng konsumo. Ayon sa salaysay, ang bagong Consumer Rights and Interests Law ay isasapuklibo sa susunod na taon pagkatapos ma-enmiyenhan.
Ayon pa sa ulat, sa proseso ng pag-eenmiyenda sa batas na ito, isinaalang-alang ang pagpapalawak ng saklaw ng konsepto ng paninda at pagpapahigpit ng pagparusa sa panlilinlang ng anunsyo.
Iminungkahi ni Qiu Baochang, abogado sa pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng mga mamimili, na dapat maitatag ng pamahalaan ang tsanel ng mabilis na paghawak ng maliit na alitan sa konsumo para mabawasan ang gastusin ng mga mamimili sa salapi at enerhiya para sa pangangalaga sa karapatan at kapakanan nila. Sinabi niya na
"Kung lulutasin ang mga maliit na alitan sa konsumo sa pamamagitan ng hukuman, matagal ang panahon ng paghawak ng kasong ito at malaki ang gastos at pagod ng mga mamimili. Ito'y hindi nakakabuti sa pangangalaga ng mga mamimili sa kanilang karapatan. Kaya ipinalalagay ko na dapat maitatag ang isang sistemang pambatas para mabilis na hawakan ang ganitong mga kaso at mapadali ang pangangalaga ng mga mamimili sa kanilang karapatan at kapakanan."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |