Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dalubhasang Tsino: dapat istandardisahin ang paggamit ng mga salitang banyaga sa wikang Tsino

(GMT+08:00) 2010-05-25 14:40:52       CRI

Ang wika ay carrier ng kultura at kasunod ng mabilis na pag-unlad ng internet, ang pagpapalitan sa pagitan ng iba't ibang kultura ay nagiging mas madali at saka lumitaw ang mga bagong bagay sa iba't ibang wika. Kaya para sa mga kabataang Tsino na namumuhay sa panahon ng internet, nahirati sila sa paggamit ng mga acronym sa kanilang pamumuhay. Halimbawa, NBA ang ginamit nila nang banggitin ang professional basketball league matches ng Estados Unidos, CBD ay kapalit ng central business district at GDP aytumukoy ng gross domestic product. Kaugnay nito, ipinalalagay ni Liu Qing, pangalawang Direktor ng National Committee for Terms in Sciences and Technologies ng Tsina, kung gagamitin ang napakaraming acronym sa wikang Tsino, ito'y magdudulot ng mga problema. Sinabi niya na

"Una, ito'y hindi nakakabuti sa pagpapalaganap ng mga kaalamang siyentipiko, halimbawa, hindi naiintindihan ng mga mamamayang Tsino na anong sakit at gamot ang tinukoy ng mga acronym sa checkup list ng ospital. Ikalawa, ito naman ang nagdudulot ng mis-understanding ng mga tao, halimbawa, dahil puro ang acronym lamang sa flight tickets, laging nagkakamali ang mga tao sa dapat nilang puntahang paliparan."

Ang paggamit ng mga acronym sa wikang Tsino ay sinimulan sapul noong katapusan ng ika-8 dekada ng nagdaang siglo. Noong panahong iyon, ang ganitong kalagayan ay itinuring na sagisag ng pagbubukas ng Tsina sa labas. Nitong ilang taong nakalipas, kasunod ng proseso ng intergrasyon ng buong daigdig, nagiging mas mabilis ang pagpasok sa Tsina ng mga bagong sibol na bagay. Dahil walang tumpak na pagsalin sa naturang mga bagay sa wikang Tsino, direktang gumamit ang mga tao ng acronym o salitang banyaga sa wikang Tsino. Kaugyay nito, ipinalalagay ni Fu Zhenguo, beteranong tauhan ng People's Daily, opisyal na pahayagan ng Partido Kumunista ng Tsina, na dapat istandardisahin ng mga may kinalamang organisasyon at departamento ng pamahalaan ang paggamit ng mga salitang banyaga sa wikang Tsino. Sinabi niya na

"Tinututulan namin ang direktang paggamit ng mga salitang banyaga sa wikang Tsino at sa tingin ko, dapat igiit namin ang pagsasalin ng mga ito sa wikang Tsino. Sa isang dako, may kaya kaming magsagawa ng tumpak na pagsasalin, sa kabilang dako, ang pagsasalin ng mga dayuhang balita sa wikang Tsino ay ibayo pang magpapasagana ng aming wika."

Ang palagay ni Fu ay tumanggap ng pagkatig ng mga dalubhasang Tsino. Inilahad ni Huang Youyi, pangalawang puno ng Translators Association ng Tsina, na batay sa kinikilalang kaugaliang pandaigdig, kung gagamitin ang salitang banyaga, dapat isalin ito sa sariling wika. Sinabi niya na

"Para sa mga tagapagsaling Tsino, ang pagsasalin ng mga salitang banyaga sa wikang Tsino ay kanilang saligang tungkulin."

Tinukoy ng mga may kinalamang dalubhasa na kaugnay ng paggamit ng mga salitang banyaga sa wikang Tsino, may maliwanag na tadhana sa mga batas at regulasyon ng Tsina. Bukod dito, humiling kamakailan ang State Administration of Radio Film and Television ng Tsina sa organisayon ng radio, TV at film na dapat istandardisahin ang paggamit ng mga salitang banyaga sa programa. Kaugnay nito, sinabi ni Gao Changli, opisiyal ng nabanggit na administrasyon, na

"Sa kasalukuyan, nagsagawa na ang CCTV ng pagbabago ng paggamit ng mga salitang banyaga sa mga programa. Ipinalalagay ko na dapat igiit ng aming media ang sariling tungkuling panlipunan at pangangalaga sa instandarsadong paggamit ng wikang Tsino."

Sa kasalukuyan, nanawagan din ang mga may kinalamang dalubhasa sa pamahalaan na agarang itatag ang may kapangyarihang organisasyon sa pagsusuri at pagdedesisyon sa pagsasalin ng dayuhang wika para ibayo pang istandardisahin ang paggamit ng mga salitang banyaga sa wikang Tsino.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>