|
||||||||
|
||
Sapul noong 2008, dahil sa epekto ng pandaigdig na krisis na pinansiyal, nagiging mahirap ang kalagayan ng paghahanap-buhay ng mga gradwado ng pamantasan ng Tsina. Nakakakita silang walang malaking suweldo at mabuting puwesto, higit pa kaunti ang pagkakataon ng trabaho.
Sapul noong 1999, sinimulang isagawa ng Tsina ang patakaran ng pagdaragdag ng bilang sa pangangalap ng mga estudyante sa pamantasan. Kaya mula 1998 hanggang 2009, ang bilang ng mga gradwadong Tsino ay lumaki ng halos 6 na ulit na umabot sa mahigit 6 milyon. At ang halos lahat ng nasabing mga gradwadong Tsino ay isinilang noong ika-8 dekada ng nagdaang siglo, kaya kasunod ng pagpapalaganap ng higher education sa buong bansa, sa isang dako, natamo nila ang mas maraming pagkakataon sa pagtanggap ng higher education, sa kabilang dako naman, kinakaharap nila ang mas masidhing kompetisyon sa paghahanap-buhay.
Bukod dito, ang isa pang problema sa paghahanap-buhay ng naturang mga gradwadong Tsino ay kung papaanong gagamitin ang mga nilalaman na natutuhan nila sa pamantasan para sa aktuwal na gawain. Si Zhao Ting ay isang bagong gradwadong Tsino, sinabi niya na kahit mahusay siya sa subdyekt ng Western Economics, hindi alam niyang paanong gagawa ng financial report. Sinabi niya na
"Sa tingin ko, may ilang problema sa pagtuturo ng pamantasan. Ang lahat naming natutuhan sa pamantasan ay mga nilalamang teoretikal, gabay na hindi mababagay ito sa aktuwal na gawain at hindi kaya naming lutasin ang aktuwal na problema."
Sa kasalukuyan, buong sikap na napapataas ng naturang mga gradwadong Tsino ang kanilang kakayahan sa trabaho sa pamamagitan ng mga paraan, halimbawa, lumahok sila sa iba't ibang uri ng workshop na itinaguyod ng mga bahay-kalakal o kolehiyo para matuto ng aktuwal na karanasan. Kaugnay nito, Sinabi ni Zhao na
"Sa pamamagitan ng ganitong aktuwal na pagsasanay, nakikita namin ang mga sariling kakulangan at natututuhan ang mga kinakailangang kahusayan."
Kahit mahirap ang kalagayan ng paghahanap-buhay para sa mga gradwadong Tsino, ang internet ay nagbukas ng isang bagong landas para sa kanila sa pagpapasimula ng negosyo. Noong katapusan ng 2008, kahit malubhang naapektuhan ng krisis na pinansiyal ang ekonomiya ng Tsina, ang bolyum ng on-line business ay lumampas sa 100 bilyong yuan RMB. Kaya magbukas ang mga estudyante sa kolehiyo ng on-line shops.
Upang mapahupa ang epekto ng pandaigdigang krisis na pinansiyal sa paghahanap-buhay ng mga gradwadong Tsino, angkop na kinontrol ng pamahalaang Tsino ang bahagdan ng pagdaragdag ng bilang ng mga estudyante sa kolehiyo, bukod dito, isinapubliko din ang mga hakbangin para mapasulong ang paghahanap-buhay ng mga gradwado. Kaugnay nito, inilahad ni Zhang Haoming, opisiyal ng Ministri ng Edukasyon, na
"Pinalalim namin ang reporma sa pagtuturo at itinaguyod, kasama ng mga bahay-kalakal, ang base ng pagsasanay para mapataas ang kakayahan ng mga gradwado at dagdagan ang pagkakataon nila sa paghahanap-buhay."
Kasabay nito, naitatag ng mga kolehiyo ang may kinalamang kurso at pinabuti ang pamamatnubay sa paghahanap-buhay para mapataas ang aktuwal na kakayahan ng mga gradwado sa paghahanap-buhay.
Ang paghahanap-buhay sa mga nayon, mga katamtaman at maliit na lunsod at purok hanggahan ay ibang mga mahalagang paraan sa paglutas sa isyu ng paghahanap-buhay ng mga gradwadong Tsino.
Kasunod ng proseso ng pagpapanumbalik ng kabuhayang Tsino, tiyak na magiging mas maganda ang kinabukasan ng paghahanap-buhay ng mga gradwadong Tsino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |