![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Giorgio Chiellini, Lionel Andres Messi, Wayne Rooney at Cristiano Ronaldo…Sa ika-11 ng papasok na buwan, Hunyo, masasaksihan na naman natin ang mga natatagong galing, super gimiks at super teknic ng mga maluluningning na istar ng putbol sa "battlefield" ng FIFA 2010 South Africa World Cup. Kilig to the bone na sa paghihintay ang mga lokong-loko at lokang-lokang fans.
Sa Chile, dahil muling bumalik sa field ng world cup ang national team ng bansa pagkaraan ng 8 taon, excited na excited ang mga Chilean football fans, kaya naman malakas na malakas ang benta ng mga TV set sa tindahan. Dahil nga sa hindi sila makakapunta sa South Africa, sa tingin nila dapat maganda ang kanilang TV set para mas maganda rin ang panonood nila ng kanilang mga paboritong koponan.. Sa Greece, naglagay na ang mga travel agency ng mga espesyal na ruta paputa sa South Africa na nagkakahalaga ng 2500 hanggang 4000 Euros. Hanggang sa kasalukuyan, mga 4000 tao na ang nakapagparehistro at patuloy pa rin ang mga inquiry sa pamamagitan ng telepono. Sa Tsina, popular na popular ang 3D-- 3D na pelikula, 3D na TV set, etc… Kasunod ng paglapit ng world cup, magkakaroon ng karagdagang negosyo ang mga sinehan—pagpapalabas ng world cup sa 3 dimensional viewing. Big enough na screen, mainit na atomspera kasama ng maraming tao at first class na audio-visual enjoyment. Tiyak na maraming football fans ang maaakit dito.
Kasabay ng pag-asam sa world cup, simulan natin ang ating Pop China sa gabing ito. Ito si Sissi, ang inyong happy DJ. Ribyuhin muna natin ang limang kantang ini-recommend ni Sissi for this week: "For Loving You" na inawit ng kaloob ng supergirls group S.H.E., "Brave to Love", advertising song ng Cornetto, na mula sa poging si Ethan, at magandang si Nikki, "Superman can not fly" na ibinigay ng pagod na superstar, Jay Chow. "Leo" na kinanta at kinatha ni Zeng Yike at "Morning Star", ibinigay ng bagong godfather ng Chinese rock&roll na si Xv Wei.
Ika-3 "Morning Star", ibinigay ni Xv Wei, bagong godfather ng Chinese rock&roll. Sabi ni romantic na buddy boy: let's sit and watch the \"Morning Star.\".
Ika-2 "Superman can not fly" na ibinigay ng pagod na superstar, Jay Chow. Sabi ni Happy: superman cannot fly lang tayo, mga pards. hindi siya makalipad dahil wala siyang pakpak, pero he can zoom to the sky using his cape.
The winner is…"For Loving You" na inawit ng kaloob ng supergirls group S.H.E. sabi ni elisa: S H E in love there is no losing. everybody wins. Sabi naman ni shaneil: for loving you. right. by SHE. I do everything for HIM while he does nothing for ME. fair enough, huh.
Ang masuwerteng takapakinig ng noong isang linggo ay si C A R L A- Carla, sabi niya sa kanyang mensahe: brave to love is okay with me. it is promoting not only a certain product but love itself. Ang textbook at CD ng pang-araw-araw na wikang Tsino ay ipapadala ni Sissi para pasalamatan ang iyong pagkatig sa Pop China, muli, maraming maraming salamat sa lahat ng kaibigang bumoboto o nag-iiwan ng mensahe sa Pop China.
Pagpasok ng Hunyo, sinimulan ang bagong semester sa Philipines, pero dito sa Tsina, ito ang panahong say goodbye to you teacher at kaklase. Ito ang panahon ng graduation. Kaya, ngayong gabi, gusto kong irecommend ang dalawang kantang may kinalaman sa graduation.
Ang Shui Mu Nian Hua ay isang bandang ang karamihan ng mga kanta ay may koneksiyon sa eskuwela.. Ang mga kantang ito ay naglalarawan ng love, dream, happiness sa school life. Ang dalawang miyembro na sina Lu Gengxu at Li Jian ay gumradweyt mula sa Tsinghua University, isang pinakamagaling na kolehiyo sa Tsina. Hindi tulad ng kanilang mga kaklase na naging lider ng bansa, siyentista o professor, in other words, mga elitista, nagsusumikap silang mabigyang-katuparan ang kanilang pangarap na musikal at binibigyang-diin nila sa kanilang music style ang school life. Ang bagong kanta nilang BON VOYAGE, o set out on a journey ay nagpapahayag ng pagbati ng Shuimunianhua sa mga graduates. "Hindi ko alam kung magkikita pa tayo sa future, pero, don't be afraid to depart now. Say goodbye to your sorrows in the past at hindi malayo ang kasiyahang hinahanap mo. Pag dumating ang araw na magkita tayong muli, I will sing this song for you again!"
Sa iyong school life, anong bagay o pangyayari ang naka-impress sa iyo the most? Iyong pakikipag-chat sa guro, iyong magigiliw na kaklase o iyong babae o lalaki you always dream of? No matter where he o she sit, you can spot him o her instantly at no matter kung anuman ang sinasabi niya, parang sinasabi na rin niya sa iyo. No matter how careless na ipinakita mo, mabilis ang iyong heartbeat habang kinakatagpo siya. Maganda ang nararamdaman ng secret love at ito ang pangunahing element that makes our school life memorable. Noong 1990s, nag-publicize si Lao lang ng isang kanta, "Deskmate," at agarang sinimulan ang isang atmospera ng reminiscence. Ngayon araw, maririnig natin ang bagong edisyon ng "Deskmate" na binigyan-buhay ni Rene Liu. Pagkalipas ng 20 taon, muling mararamdaman natin ang pang-akit ng classic.
Ok, sorry to drag you back to the good memories of school life. Time for you to decide kung alin ang pinakanagugustuhan ninyong kanta: "For Loving You" na kaloob ng supergirls group S.H.E., "Brave to Love", advertising song ng Cornetto, na mula sa poging si Ethan, at magandang si Nikki, "Superman can not fly" na ibinigay ng pagod na superstar, Jay Chow. "BON VOYAGE"-pagbati sa mga graduate na ibinigay ng Shuimunianhua at "Deskmate"-kanta para sa mga secret love sa school life na muling binigyan-buhay ni Rene Liu. Ang lahat ng kaibigang bumoboto o nag-iiwan ng mensahe sa Pop China ay may pagkakataong makatanggap ng regalong ipapadala ni Sissi bilang pasasalamat sa kanilang pagkatig sa serbisyong Filipino.
Magsisimula ang bagong semester. Magsisimula rin ang isang bagong buhay. Cherish the time at let the good memory stay. Ito ang Pop China, ito si Happy DJ Sissi. Sana may isang Masaya, masaganang bagong linggo. See you next week!
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |