Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop china ika-19 2010

(GMT+08:00) 2010-06-07 17:13:50       CRI

Magandang magandang gabi po, mga lokong-loko at lokang-lokang music fans. Tuwing Linggo ng gabi, ano ang hinihintay ninyo? Siyempre, ang Pop China na inihahatid sa inyo ni Sissi, di ba?

Guess, kung nasaan sina Kuya Ramon at Jade. Sa darating na ika-9 ng Hunyo, sasalubungin ng Shanghai World Expo ang araw ng Philippine Pavilion. Baka dumalo nga sa seremonya ng pagbubukas si PGMA at magpapadala rin ang Serbisyo Filipino ng pinakamalaki ever na news team para maihatid sa inyo ang pinakakumpleto at pinakadetalyadong coverage ng maringal na seremonya ng pagbubuks; kaya, huwag aalis, okey?

Kasabay ng pag-asam sa araw ng Philippine pavilion, simulan natin ang ating Pop China sa gabing ito. Ito si Sissi, ang inyong happy DJ. Ribyuhin muna natin ang limang kantang ini-recommend ni Sissi for last week: "For Loving You" na kaloob ng supergirls group S.H.E., "Brave to Love", advertising song ng Cornetto, na mula sa poging si Ethan, at magandang si Nikki, "Superman can not fly" na ibinigay ng pagod na superstar, Jay Chow. "BON VOYAGE"-pagbati sa mga graduate na ibinigay ng Shuimunianhua at "Deskmate"-kanta para sa mga secret love sa school life na muling binigyan-buhay ni Rene Liu.

Ika-3, "BON VOYAGE"-pagbati sa mga graduate na ibinigay ng Shuimunianhua. Sabi ni cassia: subukin ninyong pakinggan ang bon voyage mga pards. tingnan niyo ang texture ng kanta. Indeed, napakaganda ng mesaheng inihahatid ng kanta para sa mga graduates. Para sa atin na nagtapos ilang taon na ang nakararaan, we could still think of the good old days kasabay ng Bon Voyage na ibinigay ng Shumunianhua.

Ika-2, "Superman can not fly" na kaloob ng pagod na superstar na si Jay Chow. Bagama't pagod si Jay, nananatili pa ring maganda ang kanyang music. Sabi minsan ni Jay: kung hindi siya naging singer, karaniwang lalaki siya na gustong maging superman at iligtas ang buong sangkatauhan mula sa evil sprits. Sabi ni ara mae: superman cannot fly. sino ba ang may sabi na he can fly? he zooms like a jet engine because of some hidden powers.

Ang winner is…Actually, kunting sorpresa ang resulta. Ito ang "Brave to love", commercial jingle ng Corneto na inawit nina Ethan at Nikki. Bagama't out of our music chart noong isang programa, pero, noong nagdaang linggo, ang pinakaraming boto ay dito pumunta. Sabi ni Rowena: di ko alam kung bakit type na type ko itong brave to love. singer kaya o the song?

Ang kasiyahan ni Sissi tuwing linggo ay pagbibilang ng mga boto at ang difficult thing na kinakaharap (ko) ay pagpili ng masuwerteng tagapakinig. Trust me, hindi ako partial, pero, iisa ang ating masuwerteng kaibigan ngayong gabi. Siya ay walang iba kundi si Mulong, na nagpapahayag ng kanyang concern sa humanity. Sabi niya sa kanyang mensahe: BRAVE TO LOVE dedicated sa flotilla aid workers na binugbog ng mga sundalong israelis. Salamat po, Mulong. Sana nga magkaroon ng everlasting peace and love ang buong daigdig. Ang textbook at CD ng pang-araw-araw na wikang Tsino ay ipapadala ni Sissi para pasalamatan ang iyong pagkatig sa Pop China, muli, maraming maraming salamat sa lahat ng kaibigang bumoto sa pamamagitan sa mga mesahe sa website at textmessages. God bless at love you all.

Katangi-tangi ang boses ni Xianzi. Parang punong-puno ng kuwento. Habang kumakanta siya, parang nanonood ko ng moving picture. Dahil ang tatay ay isang kantor, noong bata pa, si Xuanzi ay nagsasayaw at kumakanta habang ang tatay niya ay nagpapatugtog ng music. 5 taong gulang pa lamang ay nag-aral na si Xianzi ng piano at violin, at 12 taong gulang nang magkampeon sa iba't ibang singing contest. Noong taong 2005, siya ay 19 na taong gulang, at dahil kinanta niya ang isang popular na popular na kantang "can't stop loving" kasama ni Wilber Pan, naging sikat siya at nag-publisize ng ablum na ang mga laman ay siya mismo ang kumangta at kumatha.. Iyong kantang Childish ang pinakahuling obra niya sa taong 2010. It was said that, in love, nagiging bata ang lahat ng lovers, sesitibo at irrational. Ngumingiti o lumuluha dahil sa isang empty word,. pero kung ito ay blind love, one day, gumising ka at bumalik sa daigdig ng adults. You will find how cruel reality is. Pain, endless pain.

Pagkaraan ng childish love, enjoyin naman natin ang isang kakaibang pagmamahalan mula sa malawak na grassland ng hilagang Tsina. Isang singer mula sa inner Mongolia, isang propesyonal na singer, matibay ang pundasyon ng pagkanta ni Wulan Tuoya. Sa kantang "Horse Pole" niya, mararamdam natin ang frankness, boldness at happiness ng mga herder, love na inihahatid sa likod ng mga kabayo at brightness na kumakalat sa asul na langit.

Ok, bago matapos ang ating programa ngayong gabi, ribyuhin muna natin ang limang kantang ini-recommend ni Sissi for this week: "Brave to Love", advertising song ng Cornetto, na mula sa poging si Ethan, at magandang si Nikki, "Superman can not fly" na ibinigay ng pagod na superstar, Jay Chow. "BON VOYAGE"-pagbati sa mga graduate na ibinigay ng Shuimunianhua, "Childish"-inawit ng natural born singer Xianzi at "Horse Pole", love na nag-i-exist sa likod ng mga kabayo na kinanta ni Wulan Tuoya. Huwang kalimutang bumoto para sa inyong pinakanagugustuhang singer o kanta. May dalawang paraan: isa, bumisita sa Filipino.cri.cn at mag-iwan ng inyong mensahe sa message board ng Pop China; at ang isa pa, magteks sa 09212572397. Ok, kita-kits uli tayo, bye~

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>