Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Maningning na tea culture ng Tsina

(GMT+08:00) 2010-06-23 22:01:16       CRI

Ano ang pinakapopuluar na inumin sa buong daigdig? Siguro Coca cola o Pepsi. Pero ang inumin na pinakapaborito na higit na nakararaming tao sa daigdig ay ang tsaa siyempre!Ang Tsina ay lupang-tinubuan ng tsaa na kinikilala ng daigdig at para sa mga mamamayang Tsino, ang tsaa ay nagsisilbing isang di-mawawalang bahagi ng kanilang pang-araw-araw na pamumuhay dahil sa mga kabutihang dulot nito sa kalusugan at kaisipan ng tao. Ang tsaa ay nakakatulong sa pagpapasigla ng diwa, pagpapabuti ng pagtunaw at nag-aalok din ng kapanatagan sa isipan ng mga tao.

Maraming uri ng tsaa at ito ay kinabibilangan ng green tea, flower tea, red tea at iba pa. Ang Xinyang Maojian ay isang kilalang uri ng green tea na mula sa Xinyang ng lalawigang Henan ng Tsina. Sa katotohanan, noong panahon ng Tang Dyansty ng Tsina, may rekord hinggil sa Xinyang Maojian sa Tea Sutra, isang napakakilalang aklat hinggil sa tsaa. Kaugnay nito, sinabi ng Tsinong dalubhasa sa tsaa na si Zhu Kai, na

"Mahaba ang kasaysayan ng Xinyang Maojian. Sa isang libingang lokal noong Han Dynasty, natuklasan ang pamanang tsaa at sapul noong panahon ng Ming Dynasty, may katulad nang katayuan ang Xinyang Maojian sa pang-araw-araw na pagkain ng mga mamamayang lokal."

Sa kasaysayan ng Tsina, lubos na pinahahalagahan ng mga pangunahing pilosopiya na gaya ng Taoism at Confucianism ang pag-uugnayan ng tsaa at kultura. Halimbawa sa Confucianism, ang pag-inom ng tsaa ay nakakatulong sa pagpapataas ng sariling kalidad; sa Taoism naman, ito ay nakakatulong sa pagsasakatuparan ng permanenteng diwa. Sa gayon, ang tsaa ay nasa mahalagang katayuan sa kulturang Tsino at ang pag-inum ng tsaa ay naging isa nang mahalagang kaugaliang panlipunan.

Sa Xinyang, dahil ang pamumuhay at trabaho ng mga mamamayang lokal nitong ilang ibong taong nakalipas ay may mahigpit na kaugnayan sa tsaa, lumitaw ang kultura ng tsaa na may katangiang lokal. Halimbawa, ang ganitong uri ng tsaa ay ginagamit bilang handog sa mga panauhin at regalo para sa mga kamag-anak at kaibigan.

Ang Xinyang Maojian ay hindi lamang kilala sa loob ng bansa, kundi mainit ding tinatanggap sa daigdig. Sa 1915 Panama Pacific International Exposition, ang Xinyang Maojian ay ginawaran ng golden award. Bukod dito, ito ay tumanggap din ng mainit na palakpakan ng mga kalahok na mangangalakal ng iba't ibang bansa. Ngayon, ang Xinyang Maojian ay naging isa nang tatak ng lunsod na ito.

Sa kasalukuyan, unti-unting pumasok sa daigdig ang Xinyang Maojian. Noong 1992, idinaos ang kauna-unahang pestibal ng tsaa sa Xinyang at pagkaraan nito, idinaraos na ang ganitong pestibal taun-taon. Ang pestibal na ito ay naging mahalagang plataporma sa pagpapalaganap ng Xinyang Maojian at kultura ng tsaa ng Tsina sa buong daigdig.

Para sa mga mamamayang Tsino, ang pag-inom ng tsaa ay naging isang mahalagang paraan para ma-enjoy ang masayang pamumuhay. At ang tea ceremony ay nagiging popular na popular sa Tsina. Sa seremonyang ito, nag-enjoy ang mga tao ng kasayahan, hindi lamang sa pag-inom ng tsaa, kundi sa magandang musika at panonood ng mahuhusay na palabas.

Kalusugan, kasayahan at kapanatagan, ang mga ito ay isang bahagi lamang ng mga magandang bagay na dulot ng tsaa. Sa katotohanan, para sa mga mamamayang Tsino, ang tsaa'y hindi lamang nagsisilbing tatak, kundi isa ring tagapagdala ng kulturang Tsino at mahalagang paraan para mapalaganap ang mahuhusay na kultura ng tsaa at ibang mga magagandang bahagi ng kulturang Tsino sa buong daigdig.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>