|
||||||||
|
||
Sa Tsina, may ganitong isang art group: hindi na bata ang mga miyembro ng grupong ito, pero puno sila ng kasiglahan sa tanghalan; hindi sila talagang propesyonal na artista, pero ang lahat ng mga palabas nila ay tumatangap ng maalingawngaw na palakpakan; binabagabag sila ng malubhang sakit, pero, nananatili pa rin silang optimistiko sa buhay at patuloy na naghahatid ng kasiyahan sa ibang mga may-sakit na cancer. Ang nasabing grupo ay sunshine art group ng Tsina, isang espesyal na grupong binubuo ng halos 100 may-sakit na cancer.
Ang grupong ito ay itinatag noong 2002. Sinabi ni Qin Lan, pangalawang Puno ng grupo, na ang target ng pagtatatag ng ganitong grupo ay pagyamanin nito ang pamumuhay ng mga may-sakit na cancer, datapuwa't sa labas ng kanilang ekspektasyon, mainit na tinatanggap ang grupong ito ng ibang mga may-sakit na cancer. Ang kanilang kasalukuyang puno ay apisyunado rin ng grupo noong dati. Sinabi niya na
"Ang aming puno ay may-sakit na cancer. Noong unang panahon, nanood siya ng palabas ng aming grupo at naantig siya nang lubos. Pagkatapos nito, lumahok siya sa aming grupo at ngayon, siya pa ang aming puno."
Sa kasalukuyan, ang grupong ito ay may mga sangay na gaya ng grupo ng mananayaw, koro at grupo ng mga modelo. Isinasagawa ang regular na pagsasanay ng grupong ito at lagi silang lumalahok sa mga pagtatanghal. Hindi lamang sila nag-enjoy ng kaligayahang dulot ng grupong ito, kundi naghahatid din sila ng ganitong kaligayahan sa ibang mga may-sakit na cancer. Sinabi ni Ginang Yan, isang miyembro ng grupong ito, na
"Lagi kaming nagtatanghal sa mga may-sakit na cancer. Nakikipaghuntahan kami sa kanila at pinalalakas naming ang loob nila. Ang mga ito'y nagbibigay ng malaking tulong sa kondiyon ng mga bagong may-sakit na cancer."
Ayon sa estadistika, mahigit 1.8 milyong tao sa Tsina ang namamatay sa cancer bawat taon at mas mataas ang proporsyon ng mga may-sakit na cancer kaysa sa mga normal na tao sa pagkahawa ng depression. Dahil ang depression ay direktang nakakaapekto sa kalidad ng pamumuhay at bunga ng paglunas sa mga may-sakit na cancer, malaking malaki ang naitutulong ng mga palabas ng grupong ito sa kondisyon ng mga may-sakit na cancer, dahil nagdudulot ang grupong ito ng kaligayahan sa mga may ganitong sakit. Sinabi ni Ginang Yan na
"Sa isang dako, ang paglahok namin sa grupong ito ay naglalayong makapagtamasa ng kaligayahan at makapagehersisyo; sa kabilang dako naman, gusto naming sa pamamagitan ng pagsisikap, tulungan ang ibang mga may-sakit na bawasan ang kanilang takot sa cancer."
Ang isang komong damdamin ng mga miyembro ng grupong ito ay labis na kinakailangan ng mga may-sakit ang aruga ng mga tao, lalo na ng kanilang pamilya. Kaugnay nito, sinabi ni Ginang Yan, na
"Pagkatapos na madapuan ako ng cancer, nabagbag ang damdamin ko na makitang ang aking pamilya at mga kaibigan ay nagbibigay ng mga pag-asikaso sa akin. Kaya nais ko ring ipasa ang ganitong pag-aasikaso sa ibang mga may-sakit na cancer sa pamamagitan ng pagsisikap ng aming grupo."
Sa katotohanan, nakakatanggap din ng napakalaking presyur ang grupong ito. Sa bawat palabas nito, laging may ilang miyembro na hindi nakakalahok sa palabas, dahil sa pagkalubha ng kondisyon, hindi na nila kayang magtanghalo kung hindi naman ay tuluyan nang binawian ang buhay. Datapuwa't hindi nila talagang itinatakwil ang pagsisikap para mapagyaman ang kanilang sariling pamumuhay at maghatid ng kanilang kaligayahan sa ibang mga may-sakit na cancer. Kaugnay nito, ipinalalagay ni Liu Ruiqi, Tsinong dalubhasa sa cancer, na para sa mga may-sakit na cancer, kasabay ng pag-aasikaso ng kanilang pamilya, parehong mahalaga ang pag-unawa at pag-aasikao ng lipunan sa kanila.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |