Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China ika-22 2010

(GMT+08:00) 2010-06-29 15:08:32       CRI

Nadito ako, nadito ako, nadito ako sa Shanghai World Expo Area… Magandang magandang gabi po. Ito si Sissi na naghahatid sa inyo ng Pop China ngayong gabi mula sa Shanghai.

Habang nakikinig kayo ng Pop China noong isang linggo, nasa tren patungong Shanghai si Sissi at pagkaraan ng 10 oras, dumating ako ng Shanghai, pinagdarausan ng ika-41 world expo. Nagsalin ng maraming balita, nagbasa ng maraming artikulo at tumingin sa maraming larawan. Parang pamilyar na pamilyar ang SWE, pero, nang tumayo sa expo park, naging curious baby ako. Napakaraming pavilion, hindi ko alam kung alin ang dapat unang puntahan. Punung puno ng excitement, hindi ko alam kung alin ang unang dapat panoorin--. Little Mermaid sa Dan mark Pavilion, 7 national treasure sa French Pavilion, pinakamalaking film screen sa daigdig sa Saudi Arabia Pavilion at robots sa Japanese Pavilion. Walang humpay na naglakad ako nang halos 10 oras at kumuha ng maraming larawan, btw, ginamit ng mga bansa ang makulay na elementong musikal, kung may pagkakataon, gusto kong idisplay sa lahat ng kaibigan.

Although gusto kong tumigil doon nang mas matagal pa, miss na miss ko na kayo kaya babalik ako sa lalong madaling panahon. Nagustuhan ba ninyo ang mga kantang inirecomend ko sa nagdaang gabi ng mga leftover ladies? "Superman can not fly" na kaloob ng pagod na superstar, Jay Chow; "BON VOYAGE"-pagbati sa mga graduate na inawit ng grupong Shuimunianhua; "Miracle"-do you belive in miracle ni Jiang Yingrong, "Hindi ganito kasimple ang love", ibinigay ni Queen of Pub-tiger wong ay isang kanta espesyal na pinatugtog para sa mga leftover ladies at "Shero"-who said, walang rock&roll ang babae-inawit ng superqueen group-S.H.E.

Ika-3, "Hindi ganito kasimple ang love" ibinigay ni Queen of Pub-tiger wong ay isang kanta espesyal na pinatugtog para sa mga leftover ladies。. Sabi ni precy: gusto ko iyong hindi ganito kasimple ang love. type ko melody. Ito rin ang type ni Sissi, tuwing pinaplay ang kantang ito, I will sink into memories, precy, how about you?

Ika-2, "BON VOYAGE"-pagbati sa mga graduate na inawit ng grupong Shuimunianhua. Ang campus life ay pinakamagandang memories ng nakararaming tao, sabi ni crystal: gusto ko melody ng bon voyage...dito ako. Sabi pa ni. jonah: bon voyage. let's altogether say bon voyage to all forms of disaster! They are everywhere!

The winner is…"Superman can not fly" na kaloob ng pagod na superstar na si Jay Chow; sabi ni techie: superman cannot fly. gusto ko yung theme. maganda. Sabi naman ni chuchi: let's all go for superman cannot fly.

Salamat sa inyong pagkatig sa Pop China at kay Sissi noong panahong papaalis ako. Mga giliw na kaibigang Pilipino, laging punung puno ng pagkalinga at pagmamahal sa mga nasalantang mamamayan sa iba't ibang sulok ng daigdig. Sabi ni masami, "As we play POP 4amusement, let's remember D missing persons in Brazil flooding. Mga 60 milyong mamamayan sa Timog Tsina ang naapektuhan ng baha. Let's pray for all those people na nakikibaka sa kapahamakan. At dahil sa kanyang kind heart, naging masuwerteng tagapakinig si Masami. Paki-iwan ang iyong address sa aming message board, then, matatanggap mo ang textbook at CD ng pang-araw-araw na wikang Tsino na ipapadala ni Sissi. Muli, maraming maraming salamat sa lahat ng kaibigang bumoto sa pamamagitan ng mga mensahe sa website at SMS..

Bumalik ang ating Dancing diva-Jolin Tsai. Pero, sa halip na magpakita ng dazzling dance at modern outfit, kumanta siya this time ng sweet na sweet na kanta na nagpapakita ng sweetness ng pag-fall-in-love. Sa karaniwan, naaakit ang eyeballs ng mga dance music, pero, naaakit naman ang puso at damdamin ng slow drags at sa KTV box, laging mas popular ang slow drags at fast songs. Parang mas maganda ang slow drags sa pagpo-project ng mood. Sa bagong kantang "Agarang Magkabisa" ni Jolin Tsai, bumalik siya sa inisyal na istilo niya, lovely at sweet. Matagal tayong naghanapan sa isa't isa, kaya agarang natupad ang iyong promise to take good care of me; agarang nagkatotoo ang lagi kong sinasabing I will always hold your hand; at agarang na-realize ang ating love that lasts forever.

Sa mainland Tsina, ang "Super Voice" at "Happy Boys" ay dalawang pinakasikat na singing contests na nagdi-discover ng singing talents at nagbi-build ng singing stars. Sina Zhou Bichang, Chris Lee at Jane Zhang ay ilan sa mga ito. Sa Taiwan naman, ang "One Million Star ang pinakapopular." Ang winner dito ay napapagkalooban ng isang milyong Taiwan Dollars at isang contract with a music company. Si James Lin ay unang winner ng unang sesyon ng contest. hindi katulad ng iba pang singing contestants, naglakas-loob si James na kantahin ang mga di-popular na kanta at mas nabigyang-buhay niya ang mga kantang ito. Sa gayon, lalong lumutang ang kanyang namumukod na teknik at lebel sa pagkanta. Pakinggan natin ang bago niyang kantang "Liar.". Good voice never tells lies.

Kasama ng awiting "Liar" ni James Lin, winner ng pinakapopular na singing contest na "One Million Star," malinaw na ang limang kantang ini-recommend ni Sissi para sa gabing ito: "Superman can not fly" na kaloob ng pagod na superstar, Jay Chow; "BON VOYAGE"-pagbati sa mga graduate na inawit ng grupong Shuimunianhua; "Hindi ganito kasimple ang love", ibinigay ni Queen of Pub-tiger wong ay isang kantang espesyal na pinatugtog para sa leftover ladies. "Agarang na-realize ang Love", bagong sweet, sweet song na inawit ni Jolin Tsai at "Liar", good voice never tells lies na binigyan-buhay ni James Lin.

Bumisita sa Filipino.cri.cn at mag-iwan ng inyong mensahe sa message board ng Pop China o magteks sa 09212572397 para ipakita ang iyong love sa music na inirecommend ni Sissi.

Muli, salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. Ito muli si Sissi. Ito muli ang Pop China. Kita-kita tayo sa Beijing!

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>