|
||||||||
|
||
Mayaman ang intangible cultural heritage ng Tsina na gaya ng the skilling sa carving, handicraft at painting. Nitong 5 taong nakalipas, palagiang buong sikap na pinalalaganap ng Tsina ang nilalaman at ideya ng pangangalaga sa mga intangible cultural heritage sa publiko at umaasang mahihimok ang paglahok ng mas maraming tao sa pangangalaga sa intangible cultural heritage sa pamamagitan ng paggagalugad at pagpapakita ng mga pamana na ginagamit pa rin ng ilang tao at hindi alam ng mga iba pang higit na nakararami.
Kaugnay nito, sinabi ni Zhang Qingshan, Pangalawang Direktor ng sentro ng pangangalaga sa intangible cultural heritage ng Tsina na maliwanag na lumalalim ang pagkakaunawa ng mga mamamayang Tsino sa konsepto ng intangible cultural heritage nitong ilang taong nakalipas. Sinabi niya na
"Noong una, hindi alam ng nakararaming mamamayang Tsino kung ano ang intangible cultural heritage. Ngayon, alam na alam na ito sa buong Tsina. Ang pagbabagong ito ay nagpapakita ng pagtaas ng pagpapahalaga ng mga tao sa intangible cultural heritage. Para sa aming organisasyon, gumawa kami nang marami para malaman ng mga mamamayang Tsino ang mga intangible cultural heritage sa paligid nila at pahalagahan ang mga mahalagang pamana ng aming ninuno. Halimbawa, isinagawa namin ang pinakamalaking census sa intangible cultural heritage sapul nang itatag ang bagong Tsina at pagpapalaganap ng may kinalamang kaalaman."
Nitong ilang taong nakalipas, aktibong pinasusulong din ng mga departamento ng pamahalaang Tsino ang pagpapasailalim ng intangible cultural heritage sa sistema ng pambansang edukasyon na gaya ng edukasyong bokasyonal, kurso ng mga paaralan at aktibidad na pangkultura sa mga magkakapitbahayan para mapahalo ang intangible cultural heritage sa modernong pamumuhay at magkaroon ng bagong lakas.
Bukod dito, iniharap din ng mga eksperto sa intangible cultural heritage ang pagsasaindustriya ng pamanang ito para mapangalagaan ang mga ito. Sa isang dako, pumasok ang mga paninda ng intangible cultural heritage sa pamilihan at mga karaniwang pamilya; sa kabilang dako naman, nakuha ng mga artista ng intangible cultural heritage ang kinakailangang kita na nakakatugon sa pamumuhay at trabaho.
Halimbawa sa Longquan ng Zhejiang ng Tsina, lupang-tinubuan ng blue china, isang kilala at tradisyonal na china, maraming pamilyang lokal ang umaasa sa pagpoprodyus ng ganitong china para mabuhay. Si Mao Weijie ay isang manggagawa ng ganitong china sa lokalidad. Sinabi niya na
"Mabiling mabili ang ganitong china sa loob at labas ng bansa. Noong bata pa ako, nakikipag-ugnayan ako sa proseso ng pagpoprodyus nito at ang aking pamilya ay umaasa dito para mabuhay sa hene-henerasyon."
Kaugnay nito, ipinalalagay ni Ma Wenhui, opisiyal ng Ministri ng Kultura ng Tsina na namamahala sa pangangalaga sa intangible cultural heritage, na ang karamihan sa intangible cultural heritage ay nagkaroon ng malakas na katangiang panrehiyon at mahigpit na kaugnayan sa pamumuhay ng mga mamamayang lokal, kaya higit na mahalaga ang paglahok ng mga bata sa pangangalaga sa intangible cultural inheritage. Sinabi niya na
"Sa katotohanan, ang intangible cultural heritage ay nasa paligid namin at ang pangunahing puwersa sa pangangalaga nito ay kaming malawak na masa ng mga mamamayang Tsino, kaya ang pagpapalaganap at pagpapataas ng kusang loob na ideya sa pangangalaga sa intangible cultural heritage ay isang pangmatagalang tungkulin at responsibilidad naming mga mamamayan."
Sa kasalukuyan, parami nang paraming bata ang nagsisimulang mag-aral ng kasanayan at kaalaman hinggil sa intangible cultural heritage. Ito ay may kinalaman hindi lamang sa paraan para kumita, kundi maging sa responsibilidad sa pagpapatuloy ng mahalagang pamanang pangkultura ng ninunong Tsino at pagpapamalaki rito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |