Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, pinahahalagahan ang pag-unlad ng internet

(GMT+08:00) 2010-07-15 20:18:10       CRI

Nagpalabas kamakailan ang tanggapan ng impormasyon ng konseho ng estado ng Tsina ng White Paper on Internet Policy para ilahad ang saligang kalagayan ng pag-unlad ng internet sa Tsina, ipaliwanag ang saligang paninindigan ng pamahalaang Tsino sa internet at palagay hinggil sa mga may kinalamang isyu at para na rin sa komprehensibong pagkaunawa ng publiko at komunidad ng daigdig sa tunay na kalagayan ng pangangasiwa sa at pag-unlad ng internet sa Tsina. Tinukoy ng may kinalamang tauhan na mahalaga at malalim ang katuturan ng white paper sa pagpapatnubay sa pag-unlad at pangangasiwa sa internet ng Tsina.

Tinukoy ng white paper na ito na lubos na batid ng pamahalaang Tsino ang di-mahahalinhang papel ng internet sa pagpapabilis ng pag-unlad ng pambansang kabuhayan, pagpapasulong ng siyensiya't teknolohiya at pagpapabilis ng proseso ng pagsasaimpromasyon ng serbisyo ng lipunan. Lubos na pinahahalagahan at aktibong pinasusulong ng pamahalaang Tsino ang pag-unlad at paggamit ng internet. Kaugnay nito, ipinalalagay ni Liu Zhengrong, isa sa mga awtor ng white paper na ito, na

"Unti-unting lumilitaw ang papel ng internet sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan at sa kasalukuyan, ang pag-unlad ng internet sa aming bansa ay pumasok na sa isang bagong yugto. Ang pagpalabas ng white paper na ito ay may realistikong katuturan at pangmalayuang epekto sa konstruksyon, paggamit at pangangasiwa ng internet."

Sapul noong katapusan ng ika-8 dekada ng nagdaang siglo, walang humpay nang dinadagdagan ng pamahalaang Tsino ang laang-gugulin para maitayo ang mga saligang pasilidad ng internet at aktibong mapasulong ang paggamit at pag-unlad ng internet sa Tsina. Tinukoy ni Jiang Qiping, namamahalang tauhan ng Academy of Social Sciences ng Tsina, na

"Sa pamamagitan ng ilampung taong pag-unlad, may sariling katangian ang pag-unlad ng internet ng Tsina. Tulad ng alam ng lahat, ang Tsina ay isang umuunlad na bansang may malaking populasyon at sa kalagayang atrasado ang lebel ng pag-unlad ng kultura kumpara sa mga maunlad na bansa, nagtamo ang Tsina ng mabilis na pag-unlad ng internet at mga kalikhaan sa larangan ng internet na gaya ng E-Commerce."

Salamat sa mabilis na pag-unlad at pagpapalaganap ng internet sa Tsina, kapansin-pansin ang pagbabago ng paraan ng trabaho, pamumuhay at pag-aaral ng mga mamamayang Tsino. Kaugnay nito, ipinalalagay ni Liu Zhengrong, may kinalamang namamahalang tauhan ng konseho ng estado ng Tsina sa pag-unlad ng internet, na makabuluhan itong white paper na ito na nakatuon sa kalagayan ng internet. sinabi niya na

"May pangangailangan na magpalabas ng white paper para mabigyang-patnubay ang pag-unlad ng internet sa hinaharap, dahil ang pag-unlad ng internet sa Tsina ay nagdulot ng mga pagkakataon para sa pag-unlad ng kabuhayan at industriya ng impormasyon ng bansa. Bukod dito, ang Tsina ay bansang pinakamabilis ang pag-unlad ng internet sa daigdig at may halos 400 milyong netizens. Malaki ang espasyo ng pag-unlad ng internet dito."

Bukod dito, ang white paper na ito ay nakakatulong sa paglutas sa mga umiiral sa kasalukuyang isyu ng pangangasiwa sa internet at internet security. Kaugnay nito, sinabi ng white paper na walang humpay na pinabubuti ng Tsina ang patakaran sa pagpapaunlad ng at pangangasiwa sa internet at sa praktika, lubos na pinahahalagahan ang pag-aral ng mabuting karanasan ng mga bansa sa pagpapaunlad ng internet at pangangasiwa rito. Nakahanda ang panig Tsino na pasulungin, kasama ng iba't ibang bansa sa daigdig, ang masaganang pag-unlad ng internet.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>