|
||||||||
|
||
Tag-init na sa Tsina, pero mas mainit ang kasiglahan ng mga tao sa Shanghai World Expo kaysa sa temperatura. Sa 184 na araw na ekspong ito, makakakita ang mga turista na galing sa buong daigdig ng iba't ibang sining ng bayan, masasarap na pagkain, mahuhusay na handicraft, magagandang damit ng pambansang minorya at iba pang mga bagay na nagpapakita ng mahabang kasaysayan at maningning na kultura ng Tsina. Masasabing ang SWE ay magkakaloob ng isang mabuting tsanel para komprehensibo at malalim ang malaman ng buong daigdig ang hinggil sa mdernong Tsina.
Pero para sa ilang dayuhan, kapag mababangit ang Tsina, ang Chinese Kung fu ang unang pumasok sa kanilang isip. Sa ekspong ito, makakapanood ang mga turista ng Chinese kung fu show sa expo site. Mula unang araw ng darating na Hulyo hanggang ika-30 ng darating na Setyembre, may mga pagtatanghal ng Taijiquan para maipakita ang tradisyonal na kung fu at kultura ng Taoismo. Bukod dito, may mga palabas din ng Shaolin Fungfu araw-araw. Gayuman, ang pagkilala ng mga dayuhan sa Chinese Kung fu at kulturang Tsino ay nagsimula sa mga Chinese Kung fu star.
Si Bruce Lee ay unang unang super kung fu star sa buong daigdig at tagapagtatag ng Jeet kune do. Kahit ilan lang ang nagawa niyang pelikula na kinabibilangan ng The Big Boss, The Chinese Connection, The Way of The Dragon at Enter the Dragon, siya ay may mahigit 200 milyong tagahanga sa buong daigdig at nakapagpasulong nang malaki ng kung fu movie.
Kahit 32 taon lamang ang itinagal ng kanyang buhay, si Bruce ay nagpalaganap nang malaki ng Chinese kung fu sa buong daigdig. Si Li Songwei ay isang estudyante ng Peking University at siya nan ay apisyunado rin ng Chinese Kung fu. Kaugnay ng pelikula ni Bruce Lee, sinabi niya na
"Maraming beses na akong nakapanood ng mga pelikula ni Bruce Lee. Sa tingin ko, kahit walang action scene na nakakapagpalito ng iyong mata, ipinakikita ng pelikula niya ang tunay na esensiya ng kungfu."
Pero para sa mga kabataan ng mainland ng Tsina, dahil kulang ang pagpapalitan ng Tsina at daigdig sa industriya ng pelikula, nang mamatay si Bruce Li noong 1973, ang unang Chinese kung fu star na nagging sikat sa mga mamamayan ng mainland ng Tsina ay si Jet Li.
Halos lahat ng mga artista sa pelikulang Shaolin Temple ito ay miyembro ng grupo ng martial art ng Tsina at bago ang pelikulang ito, wala silang anumang karanasan sa industriya ng pelikula. Ipinalabas ang pelikulang Shaolin Temple noong ika-8 dekada ng nagdaang siglo at dahil sa maganda ang pagkakagawa ng kung fu scene sa pelikula, tumanggap ang pelikula ng masigabong palakpakan. Hindi lamang mula sa mamamayang Tsino, kundi maging sa mga mamamayan sa iba pang bahagi ng Asya at ng buong daigdig. Pagkaraan nito, si Jet Li ay unti-unting naging isang kilalang kung fu star at nagprodyus siya ng mga mahusay na pelikula na gaya ng serye ng pelikulang Huang Feihong, The Bodyguard form Beijing at iba pa. Kaugnay ng pelikula ni Jet, ipinalalagay ni Song Xuan, isang estudyante ng Tsina, na
"Dahil isinilang ako noong ika-8 dekada ng nagdaang siglo, hindi ko na inabutan ang mga pelikula ni Bruce Li. Dahil si Jet Li ay sistematikong nag-aral ng Chingese Kung fu, maganda ang kanyang performance at hindi ito magagawa ng mga taong hindi nag-aral ng Kung fu."
Bukod dito, ang pelikulang Shaolin Temple ay nagkaroon din ng 2 iba pang positibong epekto. Ang isa ay pinasulong nito ang kasiglahan ng mga kabataang Tsino para mag-aral ng kungfu. Nangangarap ang mga kabataan na maging isang kilalang kung fu star na tulad ni Jet Li baling araw. Kaugnay ng kanyang dahilan sa pag-aaral ng Chinese kung fu, sinabi ni Li Songwei na siya ay naimpluwensiyahan ng mga pelikula ni Jet Li, sinabi niya na
"Noong ako ay nasa high school, madalas akong manood ng kungfu movies. Kahit may ilang eksaheradong elemento sa mga pelikula, naakit pa rin ako at naganyak na mag-aral ng kung fu."
Ang isa pang epekto ng pelikulang ito ay pinasulong nito ang industriya ng turismo ng lalawigang Henan ng Tsina. Sa kasalukuyan, ang Shaolin Temple ay isa nang pinakapopular na lugar na pang-turista ng Tsina. Higit sa lahat, para sa mga tao, ang Kung fu ng Shaolin ay naging isang terminong kapalit ng Chinese Kung fu dahil sa malaking tagumapay ng pelikulang ito.
Pero ang pinakapopular na Chinese kung fu star ngayon ay si Jackie Chan. Siya ay gumanap ng mga pangunahing papel sa mga popular na kung fu movie na gaya ng serye ng pelikulang Police Story, Plan A, Rumble in the Bronx, Rush Hour at iba pa. Kaugnay nito, ipinalalagay pa ni Song Xuan, na
"Sa tingin ko, ang acting ni Jackie Chan ay may maliwanag na ritmo ng musika, parang Beijing Opera. Ang kanyang pelikula may mga elemento ng komedya, kaya tawa kami nang tawa habang pinanonood ito."
Noong araw, si Jackie ay nag-aral ng Beijing Opera at siya ay isang karaniwang kung fu actor lamang. Pagkaraang mamatay si Bruce Lee, madaliang nangailangan ang sirkulo ng pelikula ng isang actor para humalili sa kanya. Dahil sa napakalaking tagumpay ni Bruce at dahil na rin sa kanyang natatanging estilo sa paganap. Hindi kaya ng sinumang actor na mag-ala-Bruce Lee II. Pero gumamit si Jackie Chan ng ibang paraan sa kanyang pagiging super Kung fu star. Ang paraang ito'y ang comedy kung fu movie.
Sa mga pelikula ni Jackie, ang pinakapangunahing katangian niya sa pagganap na iba sa mga katangian nina Bruce Lee at Jet Li ay mahusay siya sa paggamit ng mga prop sa tabi niya na gaya ng upuan, mesa, bisekleta at iba pa. Bukod dito, ang kanyang pelikula ay mas eksaheradong may halong elemento ng komedya. Ang estilong ito ay mainit na tinanggap ng mga manonood at sa gayo'y si Jackie ay mabilis na naging isang super kung fu star pagkatapos ni Bruce Lee.
Ang isang komong elemento ng tagumpay ng naturang 3 kung fu stars ay hindi sila gumagamit ng stunt man maksi sa mga mapanganib na tagpo. Pero dapat ding alalahanin na kasunod ng pag-unlad ng teknolohiya ng computer, ang pagtatanghal ng kung fu ng mga karaniwang actor ay maari na ring palabasin na pagtatanghal ng isang kungfu master sa tulong ng computer. Sa isang dako, magiging mas maganda ang kung fu movie, dahil ang computer ay higpit na nakakagawa ng magagandang kunguf show. Sa kabilang dako naman, ito'y magiging hamon para sa mga kung fu star. Dahil nakakapagod ang pag-aaral ng kung fu at kinakailangan ditong gumugol ng mahabang panahon, sa tulong ng computer, matutularan ng sinuman ang kilos at galaw ng isang kung fu master, kaya nawawala ang kasiglahan ng mga tao na magpraktis ng kung fu sa mas mahirap at matagal na paraann.
Masasabing pagkatapos ni Bruce Lee, mayroon pang dalawang super kungfu stars sa Tsina at ang mga ito ay sina Jackie Chan at Jet Li. Pero sa kasalukuyan, mahirap humanap sa Tsina ng isang kung fu star na maikukumpara sa kanilang dalawa.
Sa SWE, may magagangdang Chinese Kungfu show at libu-libo ang mga turistang Tsino at dayuhan, kaya ito'y isang magandang pagkakataon para makaakit ng higit na maraming tao para mag-aral ng Chinese Kung fu at ibayo pang mapalaganap ang Chinese Kung fu movie sa buong daigdig.
Sulat: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |