Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sugat na dulot ng grabeng lindol sa Sichuan, naghilom na

(GMT+08:00) 2010-07-15 20:21:41       CRI

Dalawang taon na ang nakaraan sapul nang naganap ang grabeng lindol sa Wenchuan ng lalawigang Sichuan ng Tsina noong ika-12 ng Mayo ng 2008. Sa kasalukuyan, naitayo na ang magagandang bagong bahay na kapalit ng mga nasira, napanumbalik na ang normal na pamumuhay at trabaho ng mga mamamayang lokal at masasabing ang mga nilindol na purok ay tuluyan nang nakarekober mula sa malubhang kapinsalaang dulot ng lindol na ito at gumitaw ng masasaya at masaganang tanawin.

Sa mga nayon sa nilindol na purok, mapupunang ang mga bagong-tayong bahay ay maganda at iba-iba ang mga estilo at anyo. Ang naturang mga bahay ay itinayo doon sa mga magagandang purok na gaya ng pampang ng ilog, paanan ng bundok at malawak na bukirin, masasabing ang ganitong mga nayon ay parang mga magagandang larawan na ginayakan ng mga mahalagang alahas. Ang naturang mga bagong tayong bahay ay binayaran, pangunahin na, sa pamamagitan ng subsidy ng pamahalaan at naipagkaloob na sa mga apektadong mamamayan sa nilindol na purok. Si Yang Qian ay isang biktima ng lindol na tumira sa bagong bahay. Sinabi niya na

"Masayang masaya ako ngayon. Noong panahon ng pagtatayo ng naturang mga bahay, puno ako ng pananabik doon sa mga bagong bahay at lagi akong pumapasyal sa lugar na pinagtatayuan ng mga bahay.

Nitong 2 taong nagdaan, kapansin-pansin ang gawain ng rekonstruksyon sa nilindol na puok ng Sichuan. Halimbawa, naging isang mas masagana at magandang lunsod ang Wenchuan na pinakamalubhang nasalanta ng lindol noong 2008. Ang nayon naman ng Xinbei na muling naitayo mula sa mga guho ay mas maganda ngayon kaysa noong bago maganap ang lindol. Sa kasalukuyan, natapos na sa kabuuan ang rekonstruksyon ng mahigit 1.45 milyong bahay ng mga magsasaka. Kaugnay nito, sinabi ni Liu Qibao, Kalihim ng Sichuan Committee ng Partido Komunista ng Tsina, na

"Ang buong gawaing pangrekonstruksyon ng nilindol na purok ng Sichuan ay kinabibilangan ng mahigit 700 proyekto at plano ng rekonstruksyon ng 39 nayong malubhang sinalanta ng lindol at mahigit 2000 nayon at nilahukan ng mahigit 10 libong arkitekto at may kinalamang eksperto na galing sa interior, Hong Kong at Taiwan ng Tsina at buong daigdig."

Bukod dito, naglaan din ang pamahalaang Tsino ng halos 195 bilyong yuan RMB para sa gawaing pangrekonstruksyon pagkatapos ng lindol at nagbigay naman ang mga may kinalamang departamento ng Tsina ng patakarang preperensyal sa mga proyektong ito sa nilindol na purok at garantiya sa pamumuhay ng mga apektadong mamamayan.

Si Yang Fugui ay isang apektadong magsasaka ng Sichuan na nakinabang sa patakarang preperensyal ng pamahalaan. Sinabi niya na ang gawaing pangrekonstruksyon at pagsasanay na ibinigay ng pamahalaan ay nagbigay sa kanya ng sapat na kasanayan at pagkakataon para kumita. Sinabi niya na

"Mas malaki ang kita ko ngayon kaysa bago ang lindol. Sa isang dako, ang gawaing pangrekonstruksyon ay nangangailangan ng maraming manggagawa at mas mataas ang suweldo; sa kabilang dako naman, nagkaroon kami ng sapat na kasanayan, salamat sa pagsasanay ng pamahalaan."

Ipinahayag ni Ye Zhuang, Puno ng kawanihan ng human resources and social security ng Sichuan, na sa nilindol na purok, maraming magsasaka ang nadagdagan ang kakahayan sa trabaho sa pamamagitan ng pagsasanay ng pamahalaan na katulad ni Yang Fugui. Sinabi niya na

"Noong nakaraang 2 taon, naglaan ng mahigit 1.7 bilyong yuan RBM para sa hanap-buhay sa nilindol na purok, sinanay ang halos 900 libong apektadong mamamayan at tinulungang makapaghanapbuhay ang halos 1.6 milyong mamamayan sa nilindol na purok."

Ayon sa estadisktika, noong 2009, ang kita ng mga residente ng lunsod at nayon at mga magsasaka sa nilindol na purok ng Sichuan ay lumampas sa lebel ng kanilang kita bago ang lindol sa Wenchaun noong 2008.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>